Kabanata 5

1940 Words
Sa harapan na ako dumaan nang umuwi ako nang gabing iyon. Hindi kasi ako pinayagan na sa likod dumaan dahil madilim na rin at delikado, ani ni Manang sa akin.   Naging maayos naman ang mga araw ko sa mansyon. Mababait ang mga apo ni Don at napalapit na rin ako sa kanila lalo na sa mga apong lalaki ni Sir.   “Aida!” tawag ni Venancio sa akin nang makita akong napadaan sa kwartong tinatambayan nila. Sa music room sa unang palapag ng mansiyon. Galing akong paglilinis ng banyo sa katabi lang ng kwarto na iyon kaya nang mapadaan at makita ay tinawag ako ni Vince.   Sa iilang araw din na nakakasama ko sila ay unti-unti ko na rin silang nakilala. At iilan sa mga ugali nila ay alam ko na din. Lumapit ako sa kanila, may hawak na gitara si Venancio. Masasabi ko na siya ang pinakamasayahin sa kanilang magpipinsan. Super friendly din siya at madali lang makasabay sa mga trip ng kung sino man sa paligid niya.   Friendly naman silang lahat maliban lang kay Lorenzo na minsanan nalang nila nakakasama at palagi nalang nasa library sa taas na palapag at may ginagawa. Sabi nila sa trabaho niya daw, sa tuwing naghahatid ako nang pagkain minsan naaabutan ko siyang tulog o pagod na pagod ang mukha. Naaawa nga ako eh, kasi halatang kulang siya sa tulog. Strikto rin siya kung minsan sa mga pinsan niya pero makikitang ginagawa niya lahat para magampanan niya ang pagiging panganay at nakakatanda sa kanilang magpipinsan.   Dahil nag-iisa lang akong anak ni Inay ay ilang besses ko na ring pinangarap na magkaroon ng nakakaktandang kapatid. At katulad na katulad ni Lorenzo ang nais kong maging kapatid noon. Dahil sa madalas akong nabubully sa aschool noong nasa elementarya palang ay iilang ulit kong naiisip, paano kaya kung may kapatid ako? Hindi siguro ako mabubully sa school dahil may magtatanggol sa akin. Ilang besses rin akong naiinggit sa bestfriend kong si Ikang dahil marami siyang Kuya na handang makipaglaban maipagtanggol lang siya sa mga umaaway sa kanya.   Natigilan ako saglit dahil sa naiisip. Kamusta na kaya si Ikang ngayon? Nag-aaral pa rin kaya siiya? May pamilya na kaya siya? Mga anak? I sighed as I entered the room. Nasisiguro kong mahirap ang buhay niya roon. Gusto ko siyang bisitahin ngunit hindi p-pwede. Isang malalim na hininga nalang ang nagawa ko bago tuluyang pumasok sa silid.   Pagpasok ko ay nakita ko si Jame at Chester na may hawak na mga instrumento habang si Leonel ay nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone niya. Si Jame ay may hawak na drum sticks habang si Chester naman ay may hawak ding gitara. Si Fajra at Weather ay nakaupo sa matataas na mga stools sa harapan at may hawak na mikropono.   Ngumiti ako sa kanila. Lumapit agad sa akin si Venancio at hinigit ako patungo sa lugar nina Fajra. Nginitian ako nang dalawang babaae.   “Do you sing Aida?” si Fajra.   “H-ha? Sing?” kinuha ni Fajra kamay ko at pinahawak sa akin ang kaninang hawak niyang mikropono.   “U-uy, hindi ako marunong Ma’am.” sabi ko at binabalik sa kanya ang mic pero hindi niya ito kinukuha mula sa akin.   “Sige na Aida, just one song.” si Weather na pinapataas pa ang kanyang mga nguso.   Tumawa ako dahil sa hiya. “Nakuh! Hindi talaga ako kumakanta.” sabi ko inaabot sa kanila ang mic.   “Just one song Aida.” Si Chester na lumapit sa gawi namin. “I’ll play the guitar. What song?”   Natawa na lang ako sa hiya. “Si Karina nalang. Tama! Yun! Yun singer yun!” sabi ko dahil ilang besses ko na itong naririnig kumanta habang naglilinis.   “I don’t like her voice.” Napalingon kami kay Leonel. Nasa screen pa rin ng cellphone nakatingin.Naglalaro ng mobile game.   “Masyadong matinis, maasakit sa eardrums.” Leonel continued.   “Grabe ka naman!” tawa ni Jame.   “Sige na Aida.” si Vince na nasa likuran ko pa rin.   “Sige, walang manlalait ha!”   “ Yan!” si Vince at Fajra.   “ Anong kanta?” tanong ni Chester ngumiti lang ako at naglakad palapit sa kanya.   Nilagay ko ang mic sa stand.   “Pahiram.”   “Whoa whoa whoa! Marunong ka?” Si Vince na parang bata at hindi makapaniawala. Pumapalakpak pa ito at napatakbo sa gawi namin.   “Umupo ka nga Kuya Vince!” si Weather na hindi pinakinggan nang pinsan.   “Oo, racket ko rin to noon eh.” sabi ko.   “May hindi, hindi ka pa marunong ah! Pinagpeperahan mo pala pagkakanta noon. It means maggaling ka nga!” Vince said excitedly and clapped his hands in front of him.   Noon kasi rumaracket kami ni Ikang, ang bestfriend ko. Sa aming dalawa mas maganda talaga yung bosses niya kaso nga lang ay hindi siya gaanong marunong mag gitara kaya sinasama niya ako, yun ang rason kung bakit kami mas nagkalapit sa isa’t isa. Pareho kaming mahilig sa musika. We even entered music club noon. Sabay kaming nag audution at sabay ring na aprobahan. Nakuha kami kaya everytime na may event sa school. Palagi kaming nasasali sa mga opening doxologies.   Ini-strumm ko ang gitara. Kita ko pa ang pagtakbo ni Chester para ayusin ang mababang stand ng microphone para sa akin kaya bahagya akong napatawa roon.   Can I call you baby Can you be my friend Can you be my lover up until the very end   Nakisabay din sila sa akin habang kumakanta. Sa kalagitnaan ay pumwesto si Jame sa mga drums at sinabayan ako. Ganoon din si Vince na sinamahan ako sa paggigitara. The two girls sung with me. Alam kong alam nila ang kantang ito dahil matunog ito ngayon sa masa. Habang si Leonel naman ay binitawan na ang kanyang cellphone at tumayo sa tabi ng dalawang babae.   Pagkatapos nang kanta ay pumalakpak silang lahat.   Don’t, don’t you worry I’ll be there whenever you want me.   I need somebody who can love me at my worst No, I am not perfect but I hope you see my worth   Fajrah, Weather, Chester and Leonel clapped their hands para sabayan ang beat at habang sumasabay sa pagkanta. Dahil doon ay namiss ko tuloy ang racket naming pagkanta-kanta ni Ikang noon. Lalo na kapag nakikita namin ang ga audience na napapakanta rin ng sabay sa amin, ,imsan kapag may napapaiyak dahil sa hugot na dala ng mga lyrics na ikinanta namin at lalo na kapag napapa- “I want more” ang mga ito. Ang sarap lang sa feelings na nagugustuhan nila yung performance niyo? Ganun.   ‘Cause it’s only you, nobody new, I put you first And for you, boy, I swear I’ll do the worst…   Hinay-hinay kong binitawan ang panghuling salita at huling sttrumm ko sa gitara. Pagkatapos ay nakarinig ako ng sunod-sunod na hiyawan ng magpipinsan at mga palakpakan.   “Whoa, you have a very lovely voice Aida.” si Weather.   Natawa ako. “Nakuh! Hindi mas maganda yung bosses nang kaibigan ko kesa sa akin.” Ngumiti ako. Napatingin sa sahig nang maramdaman ang pagkamiss sa kaibigan.   “Taga dito ba ang kaibigan mo?” napalingon kami sa bosses mula sa b****a nang silid.   “H-ha?”   “Isang song pa Aida!” Singit ni Vince.   Napakamot ako sa ulo. Maglilinis pa ako sa ibaba. Patay ako ni Manang ngayon.   “Sige na. One more Aida.” Pamimilit ni Weather.   “Kami bahala kay Manang.” Fajrah inserted.   Tumango ako. Basta ba sila bahala sa akin kay Manang.   “Sige pero chorus lang ah.”   I started to strum again my guitar. I played my favorite song with the arrangement of plucking by Justin Vasquez.   “There I was an empty of a shell Just mindin’ my own world Without even knowin’ what love and life were all about”   I saw how Weather closed her eyes. Tila dinadama ang bawat pagbigkas ko ng mga liriko. Dahil doon ay napapikit na rin ako. I super love this song, not just because it is my favorite but because ito rin ang paborito ni Inay.   “Oh, You gave me a reason for my being And I love what I’m feelin’ You gave me a meaning to my life Yes, I’ve gone beyond existing And it all begun when I met you…”   I sung the chorus with all of my heart. Hanggang sa matapos at minulat ko ang aking mga mata. Hindi agad nakapagsalita ang mga kasama ko sa silid bagaman ay napapalakpak ang mga ito.   “Ommo! I love your voice Aida.” Weather said back to her maarte tone of speaking.   Lumapit sa akin si Jame galing sa likuran, sa mga drums. “Ganda ng bosses mo Aida, sama ka sa gig namin next time.”   “Sa Maynila? Sira kaba?” Si Vince.   Ngumisi si Jame.” Ako bahala sa pamasahe mo.”   Natawa ako. Maynila? Nakuh! Ang layo niyon. Iniisip ko palang ang gagastuhin niya parang napapaatras na ako.   “Uy! Kuya kanina kapa dyan? Narinig mo ba yung bosses ni Aida? Ang ganda.” Si Leonel. Nang marinig kong sabihin niya iyon ay agad akong napatingin sa kung sino ang kinakausap niya.   Nakita ko si Lorenzo sa pintuan. Nakahilig ang katawan sa door frame, nakadekwatro ang mga paa at ang mga kamay ay naka-krus sa harapan ng dibdib niya. Nang mag tagpo ang mga mata namin ay agad kong inilihis iyon sa kanya. Kunware kong binabalik ang gitara sa lalagyan nito.   Kailangan ko na rin palang umalis. May gagawin pa ako sa baba.   “Pwede nang kunin pang bokalista ng banda diba?” Si Jame. Tuloy ay nahihiya akong natawa. Sa totoo lang hindi naman talaga ako magaling kumanta, sadyang nasa tono lang.   Laking pasalamat ko nang mawala sa usapan ang tungkol sa kaibigan ko. Hindi pa ako handang pagusapan ang tungkol roon. Hindi pa ako handang balikan ang tungkol roon. Hindi pa… sa ngayon. Kailangan ko pang pagsikapan ang pagaaral ko. Kailangan kong makapagtapos para bigyan nang hustisya ang nangyari sa Nanay ko.   “Ayos ka lang Aida?” Madali kong pinahid ang likod nang aking kamay sa mga mata. Hindi ko napansin na may namumuo na palang tubig sa mga mata ko.   Ngumiti ako. “Ayos lang po.” Tiningnan ko ang mga pinsan niyang nagkakasiyahan na sa pagtutug-tug ulit nang mga instrumenta.   Tumayo na ako. “Sige Sir baba na po ako.” Sabi ko at tumalikod na. Dumaan ako sa gilid ni Lorenzo, yumuko pa ako sa kanya para mag bigay galang. Lumabas ako nang silid. Paglabas ko ay agad nagtagpo ang mga mata namin ni Karina.   “Kanina ka pa hinihintay ni Nanay. Wala ka dito para mag entertain ng mga amo natin, nandito ka para pagsilbihan sila.” Nanliliit ang mga bosses at tinataasan ako ng kilay na ani niya.   Naglakaad kami palayo sa silid “Tinawag kasi ako nila Sir-” Mag e-explain sana ako kaso pinutol niya iyon.   “Wala akong pake kung tinawag ka nila oh wala, ang sabi ko dapat alam mo kung saan ka dapat lumulugar Aida. Hindi dahil malapit ka sa mga magulang ko magiging mabait na rin ako sa iyo. Atsaka pwede ka namang humindi, talanding ‘to.” Galit na ani niya.   “ Pero-”   “Oh baka naman” Huminto siya sa paglalakad. Tatlong silid ang pagitan mula sa pinagmulan naming kwarto. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.   “Inaakit mo ang mga amo ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD