“Inaakit mo ang mga amo ko?” Napataas ako ng tingin sa kanya nang marinig ang sinabi niyang iyon.
Tumaas pa lalo ang isang kilay niya. Tinitingnan ako sa paraan na diring-diri siya sa akin. Yang ganyang ekspresyon… Ilang taon na mula nang huling kita ko sa ganyang ekspresyon. Ekspresyon na madalas kong nakukuha sa maraming tao noon. Napalunok ako ng laway nang maramdaman ang panginginig sa mga kamay ko. Tinago ko ang mga kamay sa likuran ko. Natatakot ako. Natatakot ako naba baka bumalik yung dating estado ko sa buhay. Yung palagi nalang inaapi at umuuwing luhaan.
“W-wala akong intensyon na ganiyan Ka-karina.” sabi ko pilit na tinutunog normal ang bosses kong alam kong ano mang oras ay manginginig na dahil sa takot at galit. Galit dahil wala siyang karapatang pagsalitaan niya ako ng ganyan.
“Huh! Malay ba namin kung anong klase kang tao Zoraida… Hindi ka naman talaga namin kilala, bigla ka nalang sumulpot dito sa bayan namin malay ba namin kung masa-”
“Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin?” putol ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang tanong kong matagal nang gustong itanong sa kanya.
Napahinto siya saglit. Napaptulala dahil sa pagtaas ko nang bosses sa kanya. Maya-maya ay ngumisi siya. “Aba’t lumalaban ka na sa akin ngayon?”Pinagtaasan niya ako ng kilay.
“Ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo.” Tinulak niya ang noo ko gamit ang kanyang daliri.
Bumuga ako nang malalim na hininga. Ni re-relax ang sarili bago mag salita. Ganyan lang kababaw ang rason niya, para magalit sa aking ganito?O baka may mas malalim pa talagang dahilan?
“O baka naman tungkol ito sa kapatid mo-”
“Wala akong pakealam sa kung anong narararamdam ng kapatid ko sa iyo Zoraida.”She crossed her arms in front. Nalilito ko siyang tiningnan. Kung hindi dahil doon? Anong rason para kamuhian niya ako ng sobra.
Magtatanong pa sana ako kaso bumukas ang pinto. Nagbago bigla ang ekspresyon sa mukha ni Karina. Bumalik ito sa madalas niyang nakangiti at maamo na mukha nang may lumabas sa pintuan kung saan ako nang galing kanina.
“Hi Sir!” masiglang bati niya sa kakalabas na lalaki.
“Zoraida may ipapalinis nga pala ako sa library. Natapon ko yung juice-”
“Sir ako nalang po. Magluluto po kasi nang pritong saging si Zoraida para sa miryenda niyo.” singit ni Karina.
Nakayuko lamang ako sa tabi ni Karina. Sa mga puting sapatos ko lang ako nakatingin. Ayaw kong makita ni Lorenzo ang namumuong luha sa aking mga mata.
“May problema ba Zoraida?” Tanong ni Lorenzo. Umiling ako bilang sagot. At hindi pa rin siya pinagtaasan ng tingin.
“Nakuh! Wala pong problema dito sir.” Magiliw na ani ni Karina. Napakagat ako ng labi.
“Zoraida. Look at me.” Mahinahon pero halata ang maliit na porsyento ng galit sa kanyang tono.
Napalunok ako ng laway. Unti-unti kong itinaas ang aking mga tingin sa kanya. Nang magtagpo ang aming mga mata ay pinilit ko ang sariling nguniti. I saw how his jaw moves and his adam’s apple.
Ilang segundo ng katahimikan ang nanaig sa aming tatlo.
Walang emosyon sa mukhang tiningnan ako ni Lorenzo. At mula sa aking kinatatayuan sa gilid niya’y kitang-kita ko kung paano bahagyang umigting ang kanyang panga.
“Bat hindi nalang ikaw ang magluto Karina? May ipapagawa ako kay Zoraida.” sabi niya.
“Pwede ka nang umalis.” He continued. Tuloy ay kinabahan ako. Pati si Karina ay parang napatayo ng matuwid sa sinabi nito.
“P-po? Ah! Opo. Sabi ko nga po.” Nauutal niyang sabi at dali-daling umalis sa harapan namin.
Napalunok ako ng sariling laway nang maiwan mag-isa kasama si Lorenzo. Ramdam kong hindi maganda ang gising niya. Sa paraan palang ng mga tingin niya ay halatang bad mood ito.
Umuna siya sa paglalakad at agad naman akong sumunod. Nakuh! Parang badtrip talaga ang taong ‘to sana hindi ako mapag-buntunan ng galit!
Pagkapasok namin roon ay agad kong hinanap ang sinasabi niyang natapon na juice.
“Sir?” Takot man ay nagtanong na ako tungkol sa sinasabi niyang natapon na juice. Gustuhin ko mang mamalagi roon dahil sa maraming mga librong nakapaligid sa amin ay hindi naman pwede.
“Hindi ba maganda ang trato sa iyo nang ilang taohan rito?” Instead of answering my question ay ito ang sagot niya sa akin, isang ring tanong.
“Po?” Napalunok ako ng laway. Narinig niya kaya ang pagpapalitan namin ng salita ni Karina kanina?
“Hindi naman po. Maganda naman po ang pakikitungo nila sa akin.” Si Karina lang talaga anng hindi, gusto ko sanang sabihin.
“Mabuti.” sabi niya at umupo sa harapan ng lamesang puno ng mga papeles.
Tiningnn ko ang lamesa niya pero walang namang juice na natapon. “San po yung juice na natapon sir?” tanong ko ulit. Nang makitang kahit sa coffee table sa gitna ay wala naman.
Napahinto siya sa pagbubuklat ng mga papeles na hawak. Dinilaan ang labi at napatingin sa lamesa niya kasunod ang lamesa na bilugan sa kabilang bahagi.
“Ahm.” Umupo siya nang maayos. “Naligpit na yata ni Manang. Pakikuha mo nalang ako nang bago Aida. Salamat.” Sabi niya at binalik muli mga tingin sa hawak na papeles habang ang mga kilay ay malapit nang magkalapit sa isa’t isa.
Lumabas na agad ako at bumaba. Pagbaba ko ay natagpuan ko si Manang at Karina na maingay sa kusina.
“Ahhh! Bwis*t” si Karina nang matalsikan nang mantika sa braso.
“Hindi kasi ganyan. Wag mo kasing biglain sa paglunod!” Si Manang at pinalitan si Karina sa kinatatayuan. Kaya napatingin sa direksyon ko si Karina. Masama na tingin ang pinukol niya sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa Ref para kumuha ng malamig na tubig. Nagtimpla ako ng juice habang maingay pa rin sa pangangaral si Manag ka Karina, kung anong mga dapat ginawa para hindi siya matalsikan ng matika.
“Kay Aida naman tong trabaho! Hindi sa akin!” Narinig kong ani niya.
“May pinapagawa nga sa kanya diba? Wala ka namang ginagawa kaya ipagpatuloy mo nalang yan.”
Pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa taas. Pagpasok ko roon ay sobrang tahimik. Ganito pala talaga parati itong silid na ito lalo na kapag wala ni isang pinsan ni Lorenzo ang napapadpad rito. Nasa b****a pa man ako nang silid ay nakita ko si Lorenzo na nakapatong na ang mukha sa mga brasong nasa itaas na nang lamesa at mahimbing na natutulog.
Tahimik akong lumapit sa kanya. Maingat kong inilagay ang juice sa gilid.
Aalis na sana ako pero nakita ko ang salamin niya mahuhulog na dahil sa pwesto niya ngayon. Napakagat labi ako.
Tiningnan ko siya ng maigi. Masisira ang salamin niya kapag hindi ito hinubad.
Parang ilang minuto lang akong nawala nakatulog ka na agad? Pero base sa dami nang papeles na nasa itaas ng lamesa niya’y sa tingin ko’y nakatulog na siya sa sobrang pagod. Pero ang unfair naman. Yumuko ako para magpantay ang mga mukha namin.
Ang unfair. Ang gwapo niya parin kahit puyat at ang mahinahon niyang tingnan habang natutulog. Ang gwapo. Unti-unti kong hinubad ang salamin na suot niya. Napakagat labi ako dahil baka magising ko siya. Ang sarap pa naman na ng tulog niiya. Successful ko iyong naihubad sa mukha niya.
Tumayo ako at tiningnan naman ang mga papeles sa taas ng lamesa niya. Lorenzo is an Attorney already samantalang ako naman ay kukuha pa nang kursong pang aabugasya, kaya nang makita ko ang iilang papeles hinanap ko agad ang parte kung saan maaari kong makita ang pirma niya. Nang makita iyon ay napa-wow ako sa ganda at linis nun.
Napangiti ako.
“Mmm” Kinuha ko ang isang maliit na unan sa tabi. Hinay-hinay kong itinaas ang ulo niya para mailagay iyon. There’s a tendency na magkaka stiff neck siya sa ganoong pwesto
Napatingin ako sa mukha niya, halatang kulang talaga ito sa tulog.
Muli ay napatingin ako sa mga papeles na nasa taas nang lamesa niya. Iilan roon ay nahulog sa paanan niya kaya inabot ko ang mga iyon at maiging nilagay sa tabi ng ibang mga papeles niyang nasa taas ng lamesa.
Tuloy ay naaawa ako sa kanya. Yung mga pinsan niya palagi lang nagkakasayahan habang siya ay nandito at subsob sa trabaho niya. Napabuntong hininga ako. Habang tumatanda talaga ang isang tao mas gumagrabe din ang mga responsibilidad na dumadating sa kanya. Iba na talaga kapag marami ka nang mga responsibilidad na kaiangan mong gampanan. Kaya ulit akong napalingon sa mahimbing na Lorenzo sa tapat.
“Mmmm” niyakap nito ang unan na inilagay ko. Napangiti ako at ipinagpatuloy ang pagaayos nang mga papeles hanggang sa makuha nang isang papel ang atensyon ko.
“Pyeong Hanji.” basa ko sa pangalan nang nasa unahan. Nanlaki ang mga mata ko oras na nabasa ko iyong pangalan nang taong iyon. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang papel nang rumehisto sa akin kung sino ang taong may ganitong pangalan.
Ang taong to… Para akong nasimento sa kinatatayuan habang nakatingin sa pangalan ng taong pumatay sa nanay ko. Nanginginig na napakamao ako sa aking mga kamay dahilan para malukot nang bahagya ang papel sa gilid. Agad ko iyong nilagay sa lamesa at mabilis ang mga hakbang kong lumabas sa silid na iyon.
Napadpad ako sa hardin sa likuran. Mapayapa at bumungad saa akin ang mga namumulaklak na mga halaman kaya. Nakakapagpagaan nang kalooban, kaya unti-unting nawala ang paninikip sa dibdib ko.
Pyeong. Hinding hindi ko makakalimutan ang apelyido nang taong iyon, lalong lalo na ang nakakabwiset niyang pagmumukha. Huminga ako nang malalim.
“Aida!” rinig kong tawag nang isang babae. Madali kong pinahiran ang mga mata at hinarap kung sino man yung tumawag sa akin.
“Maam? Bakit po?’ tanong ko kay Weather.
Inirapan niya ako. “It’s Weather nga kasi.” Inis niyang ani. Hindi niya raw kasi gustong tawagin namin siyang maam dahil para daw’ng nakakatanda ng mabilis.
“ Tara! Kain tayo nang saging!” Sigaw niya.
“Aida! Halina kayo!” Rinig kong sigaw ni Manang Syodad.
“Teka! Si Kuya Lorenzo pala!” si Weather.
“Ako na po.” Pagboboluntaryo kong ako na ang mahatid sa pritong saging na inilaan para sa kanya ni Weather. Umakyat ako sa taas at agad na tumungo sa direksyon ng kanyang opisina. Pumasok ako at nakitang kakagising lang ni Lorenzo. Humihikab pa ito nang humarap sa akin.
“Oh, sorry nakatulog yata ako.” Sabi niya nang makitang maayos ang mga papeles sa itaas nang lamesa niya.
Nginitian ko siya. “Miryenda po.” Sabi ko. Lumapit ako sa kanya dala-dala ang mga pritong saging sa isang plato.
“No. Pakibalik nalang niyan doon Aida.”
Napatigil ako. “Po? Di po kayo kakain?”
“No. Susunod ako sa baba.” Ani niya pagkatapos tumayo at iniligpit ang mga papel na nasa taas ng lamesa niya. Kasama na roon yung nakita kong papel na may lamang pangalan ng lalaking iyon.
Napakagat ako ng labi habang sinusundan ang mga galaw niya. He put the paper on a cabinet katabi ng lamesa niya. Nang maramdamng hindi pa ako kumiilos ay huminto siya sa ginagawa at tinaas ang mga tingin sa akin.
“Aida? May kailangan ka pa ba?”
“P-po?” Agad kong nilayo ang mga tingin sa cabinet kung saan niya nilagay ang mga papeles.
“ W-wala na po. Sige po, baba na po ako. Sunod po kayo, ha.” Ani ko. I even gave him a wide smile para hindi niya makita ang kagustuhan kong basahin kung saan tungkol ang papeles na iyon. He is an attorney kaya alam kong seryosong bagay ang naroon sa papel na iyon.
Tumango siya “Sige, susunod ako.”
Lumabas na agad ako at pumunta sa baba. Bumungad sa akin ang ingay na dala ng nagtatawanan na mga magpipinsan roon. Pagdating ko roon ay agad akong tinanong ni Weather tungkol kay Lorenzo.
“Susunod daw po siya.” Sagot ko at nilagay ang isang plato kasama ng mga pinrito rin ni Manang.
“Tapos na ninyong trabahuin ang harapang bahagi nang mansyon. Ano naman ang susunod niyong gagawin?” Rinig kong tanong ni Manang kay Jame.
“Hindi ko po alam Manang eh. Si Lorrenzo lang kasi ang tinatawagan ni Lolo, pero sa tingin ko sa linggong ito ay magpapahinga muna kami.” Napatingin siya sa harapan kung saan tapos na at successfull ang ginawa nilang pag re-redesign ng landscape.
Masyadong malaki iyon kaya masasabi niyang dapat lang silang pagpahingahin.
“Dadating na rin sina Lolo sa susunod na araw, siguro ay tutulungan po namin kayo sa paghahanda.” sabi niya.
“Nako! Magandang ideya yan!” Si Roi na agad siniko nang kanyang Tatay.
Tumawa si Jame at lumapit sa ibang pinsan niya. Habang busy ang lahat sa paguusap ay nakuha naman ni Lorenzo ang atensyon ko nang pababa na ito sa hagdanan. Dala-dala ang nangangalahating juice na itinimpla ko para sa kanya kanina.
“Is that orange Kuya? Exchange tayo!” Si Weather na kukunin na sana ang baso sa kamay ni Lorenzo nang makalapit nang bigla niya iyong inilayo sa pinsan.
“Why?” nagtatakang tanong ni Weather.
“I..” Napatingin siya sa akin saglit pero agad namang binalik ang tingin sa pinsan. “I don’t like pineapple.”
“Huh?” ani ni Weather. Hindi siya nito sinagot bagaman at naglakad patungo sa lalagyan nang mga pritong saging si Lorenzo nang hindi binibitawan ang juice na dala niya.
Bakit ayaw niya ba sa pineapple? Napainom ako sa juice na meron ako. Masarap naman ah? Actually, mas gusto ko nga ito kesa sa orange flavor eh.
Pumasok ako sa kusina para maghugas nang mga baso at plato. Alas 3 na, ang dali lang ng oras maya-maya ay uuwi na rin ako.
Bali-balita na dadating daw ang Don sa susunod na araw. Sayang naman, parang wala ako noon dahil may aasikasuhin akong medical requirement para sa school. Sabi din nila ay sasabay sa kanya ang tatlo pang pinsan nila Lorenzo. Ang dami pala talaga nila no? Ang saya siguro kapag malaki ang pamilya?
Halata naman. Sobrang saya nilang tignan. Halata talagang malapit sila sa isa’t isa.
Samantalang ako naman ay lumaking kami lang ni Nanay ang palaging magkasama. Walang mga pinsan, iisa lang ang kaibigan. Kaya palagi kong naiisip kung ano kaya ang pakiramdam nang ganoon? Kumpleto ang pamilya, masaya at nagmamahalan.
Napabuga ako nang malalim na hininga dahil doon.
“Problem?” Tanong ni Lorenzo sa tabi ko. Hindi ko siya napansin na pumasok ng kusina kaya napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat. Tumabi ako nang kaunti nang hugasan niya ang basong ininuman.
“Ako na.” Nilayo niya ito sa akin.
“May gagawin ka bukas?” Tanong niya habang patuloy ang paglilinis niya sa baso. Ibinalik ko naman ang tingin sa hinuhugasan kong plato.
“Ahm. Maglilinis po?” sabi ko. Alam naman niya kung ano ang mga ginagawa nang isang katulong no?
“ Isasama kita bukas sa Ayuna bukas.” sabi niya. Nilagay ang baso sa lagayan at tinalikuran ako.
“P-po?… Okay.” Bulong ko sa huling sinabi.