"Anyare sayo? Bat para kang iniwanan ng jowa d’yan?" Inirapan niya ang kaibigang si Venny at umupo nalang agad sa bakanteng upuan na katabi nito. "Ilang araw ka nang matamlay. Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Sana mamaya pa si Sir. Gusto kong matulog ng ilang minuto pa. Ani niya sa isipan. "Uy. Wala daw si Sir Mig. Lib tayo?" Bulong sa kanya ng kaibigan. Napamulat siya agad sa mga mata nang ipikit niya ang mga ito ng sandali dahil sa antok. Naks naman itong si Sir, kaka-wish niya lang na sana wala ito ay agad na nagkatotoo agad. Biglang nabuhayan si Zoraida sa sinabi sa kanya ng kaibigan. Agad naman silang pumunta ng library para roon tumambay. Air conditioned ang library kaya siguradong mapapasarap ang tulog niya roon. Madalas siyang nandoon para sama

