Latang-lata ang pakiramdam ko sa katawan pagkagising ko mula sa inumaga ko nang pagtulog. Agad sumalubong sa paningin ko ang gwapong mukha ni Trey na nakatunghay sa'kin. "Magandang tanghali," malambing niyang bati. Bago pa ako makatugon ay lumapat na sa mga labi ko ang isang magaang halik. "Maliligo ba muna tayo o kakain na muna?" tanong niya sa'kin matapos pakawalan ang mga labi ko. "W-what?" tila wala sa sarili kong tanong. Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya at muli akong kinintalan ng halik sa mga labi. Naramdaman ko rin ang magaang paghaplos ng kamay niya sa braso ko. Hindi naman siya mukhang nang-aakit pero kusa na akong naaakit kahit na parang nasagasaan ng bus ang pakiramdam ko. "I've prepared a bath for you," saad niya. Muntik nang bumagsak ang panga ko nang tumayo s

