“IBANG klase ho talaga ang kakahayan n’yong magbenta, ‘tay. Limang minuto pa lang nalimas na kaagad ‘yung mga kamoteng-kahoy,” ang masayang-masaya kong banggit sa aking ama. Kasalukuyan na kaming naglalakad pauwi ng bahay. Naubos kasi kaagad ‘yung mga ibinenta naming kamoteng-kahoy sa bayan kaya’t heto kami ngayon at medyo napaaga ng uwi. Ginamitan lang naman kasi ng kamandag ni Itay ang aming mga suki. Binola-bola n’ya ang mga ito at sinakyan ang kanilang mga hirit at biro katulad ng madalas n’yang gawin. Kaya naman wala pang halos limang minuto ay wala na ring natirang kahit isang piraso mula sa malaking basket. Hindi ko tuloy maiwasang mapahanga sa taglay na galing nito. Napangiti ito sa aking sinabi at bahagyang tumawa. “Diskarte lang ‘yan, anak. Isa pa, mas kaunti lang naman ang ibi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


