Sinundan ni Bernny si Lorna at nadatnan na lamang niyang nagtatalo ang mag-ina. "Wala ka na ba talagang natitirang kahit katiting lang ng kahihiyan diyan sa katawan mo?! hanggang dito ba naman ay dadalhin mo ang kalandian mo!-" ani Bea sa kaniyang ina subalit kaagad din siyang natigilan sa pagsasalita nang sampalin siya nito sa pisngi. "Ganiyan ba ang natutunan mo sa lalaking 'yon?" mariing saad ni Lorna sa dalaga na napahawak lamang sa pisngi at nakatingin sa kaniya. "Lorna!" biglang tawag naman sa kaniya ni Bernny at syaka sila nilapitan nito. "Lorna, mag-usap muna tayo." Ani ng ginoo habang hinahawakan niya ang kamay ni Lorna. Napansin naman iyon ni Bea at muling tumingin sa ina. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Bernny. Malinaw na sa akin ang lahat." Aniya sabay inalis niya ang

