{BERNNY ULYSSES POV} She is my first love. Ang pangalan niya ang nagbibigay ng magandang himig sa aking tenga. Hindi ako mabisyong tao pero sa tuwing nasisilayan ko ang kaniyang kagandahan ay para akong nalalasing at lalong nahuhumaling sa kaniya. Ang mga ngiti niya sa labi ang nagpapagaan sa aking kalooban. Pati na ang mga mata niya na parang kay sarap pagmasdan. Pilit ko man siyang iniiwasan at nilalayuan. Pero lalo lang akong nahuhulog at mas lumalalim pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Gayunpaman ay kailangan kong mag-ingat at pigilan ang aking sarili. Dahil ayokong may masaktan at masira ang pagkakaibigan naming dalawa ni Daniel. "Bernny, thankyou for everything." Biglang sabi niya. "Ha? ano ka ba, wala naman ako gaanong nagawa para sa'yo." Tugon ko habang nakaharap sa salam

