"So, totoo pala ang mga haka-hakang naririnig ko tungkol sa'yo? na malandi ka at mahilig makiapid sa mga taong may asawa na! bakit? ano ba ang napapala mo sa asawa ko ha?! dahil ba sa pera? binabayaran ba niya ang isang gabi mong serbisyo sa kaniya? o dahil sadyang makati ka lang talaga?!" sigaw at pagalit na ani ginang sa babaeng nakaupo lamang sa sahig. Gulo-gulo ang buhok nito na animoy sinabunutan. Maging ang suot nitong damit ay punit-punit na para bang kinaladkad siya ng ilang beses sa kung saan. "Tumigil ka na sabi e! hindi ka na nahiya sa mga kapitbahay! halos ilang taon na tayong nagsasamang dalawa pero wala ka pa ring ipinagbago, Tessie!" saway ng kaniyang asawa na si Mr. Bernny Ulysses, ang ama ni Stephen. "At ako pa talaga ang dapat mahiya? bakit?! ipinagmamalaki mo ba ang m

