"Stop!" malakas na sigaw ni Bea. Sandali naman hininto ni Stephen ang sasakyan at napalingon na lamang siya sa dalaga. "Seryoso ka? pupunta tayo ngayon sa bahay ng parents mo?!" hindi makapaniwalang saad ng dalaga sa kaniyang nobyo. "Oo. Ipapakilala na kita ngayon din sa kanila." Malumanay nitong tugon. "Hindi mo ba ako naiitindihan? pupunta tayo sa parents mo na ganito ang suot at itsura ko? at syaka wala man lang tayong dalang pasalubong para sa kanila!" natatarantang aniya. "No need. Kahit naman sando lang ang suot mo ay maganda ka pa rin sa paningin ko." "What?! hindi 'yon ang pinupunto ko Stephen." "Bea, hindi mahalaga kung ano ang suot mo o kung ano ang dala natin. Ang mas mahalaga ay makuha natin kaagad ang basbas nila at para na din makapag-set tayo ng date para sa kasal nat

