Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas, magmula no'ng nagsama na sina Bea at Stephen sa iisang bahay. Binenta na niya ang dating bahay nila noon ni Sofia at yung nalikom niyang pera ay pinandagdag niya sa dream house nila ni Bea at yung kalahati ay pinagkaloob na lang niya sa charity. Masaya na namumuhay ang dalawa ngayon na magkasama. Madalas pa rin silang nagtatalo na parang aso't-pusa pero naso-solusyunan naman nila kaagad. Halos wala na nga silang mahihiling pa sa isa't-isa, pwera sa kasal. Ang pinaka-pinapangarap ni Bea at Stephen. "Good morning, cherry." Ani ng ginoo sabay napayakap siya sa likuran ng dalaga at hinahalikan sa kaniyang pisngi. "Cherry?" usisa niya na nakataas ang isang kilay. Sandali niyang binitiwan ang coffee maker at humarap siya kay Stephen. "At sino naman

