(Ara's Pov) "Wow! napakaganda mo naman iha. Bagay na bagay sa'yo itong wedding gown." Kasalukuyan akong nasa wedding shop. Kung saan sinusukat ko ang wedding gown na pinili sa akin ni tita, ang mommy ni Leo. Kung tutuusin ay wala na nga akong hahanapin at hihilingin pa sa lalaking mapapangasawa ko. Bukod sa mapagmahal siya ay mababait rin kaniyang pamilya at tinanggap nila ako ng maluwag sa kanilang puso, kahit pa malaki ang agwat ng estado namin sa buhay. "Ate Ara, mas lalo kang gumanda sa gown na 'yan. For sure mas lalo rin mai-inlove si kuya n'yan kapag nakita niyang suot mo 'yan." Ani ni Alexis, ang nakababatang kapatid ni Leo. Ngumiti lang ako at hindi nagsalita. Ewan ko ba. Hindi ko rin maitindihan itong nararamdaman ko ngayon. Hindi ba't dapat maging masaya ako dahil tanggap ak

