(ROBIN'S POV) Nang magising at nagkamalay si Stephen ay halos inabot siya ng dalawa't-kalahating taon. Kung saan napagtanto niyang walang naiwan roon sa tabi niya, maliban lang sa akin. "Nakikita mo ba ako? naririnig mo ba ako?" walang mapaglalagyan ang kagalakang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Nakahinga ako ng maluwag at parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Kapatid na ang turing ko sa kaniya at dahil tangging siya lang din ang madalas kong sinasandalan noon at sinasabihan ng mga problema ko. Kaya naman kahit alam kong mahihirapan siyang magsimula muli sa una ay inalagaan at ginabayan ko pa rin siya. "Bea." Ang salitang unang bumigkas sa labi niya. Oo, tatandaan nga niya si Bea at nagsinungaling lamang ako sa kanilang lahat na wala siyang na-aalala. Dahil naaawa ako k

