Advance thingking..

1216 Words
Naalimpungatan si Hyacinth mula sa pagkakatulog.Pakiramdam niya ay nangalay ang kaliwang braso niya.Ginawa kasi niyang unan. Dahan dahan siyang bumaba sa hospital bed at iniwasang magising ang nahihimbing na anak. Ininat inat niya ang mga braso at likod.Salamat naman at bumubuti na ang anak.baka bukas makalawa ay madischarge na ang anak.pagbaling niya sa upuan ay nabigla siyang makita roon ang Boss na natutulog. Bat di niya namalayan na nakapasok na pala ito. Ganun na ba kasarap at kalalim ang tulog niya at di niya narinig ang pagbukas ng pinto. Nakita niya rin na may dala itong pagkain mula sa isang sikat na fastfood chain. Nilapitan niya ang mesa at sinipat doon ang dalang pagkain ni Lester,Ang bango.Bigla tuloy siyang natakam ng maamoy ang masarap na amoy ng fried chicken. Muli niyang isinara ang paper bag na dala nito.At nilapitan ang Boss na natutulog sa upuan. Anong ginagawa nito dito sa hatinggabi? Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito at base sa hininga nito ay nakainom ang lalaki. Nainis siya sa isiping nagmaneho ito ng nakainom.At nagsisisi tuloy siya na tinawagan pa ito kanina.Mukhang iyon ang dahilan ng pagpunta nito sa dis oras ng gabi. Lumuhod siya sa may upuan upang lalong mamasdan ang mukha ni Lester.Total tulog naman ito..malaya niyang mapagmamasdan ang mukha nito. Napakaguwapo.Halos repleka na ata ito ni Ben affleck noong mid 30s ng Actor. Natukso siyang hawakan ang mukha nito.Dahan dahan niyang itinaas ang kamay at akmang hahawakan ang mukha ni Lester ng hawakan nito ang kamay niya sa ere. Nabigla man siya ay di siya nagpahalata.Mukhang nanaginip din lang ang lalaki dahil tuloy pa rin ito sa pagtulog.Hinayaan niya na kusa itong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag.buti na lang at di ito nagising.Ayaw ba nitong hinahawakan ang mukha kahit tulog? Sino ba ang hindi hahanga dito. Macho at malaki ang katawan. Ang sarap sigurong makulong sa mga bisig nito at dibdib. Ipinilig niya ang ulo at tumayo mula sa pagkakaluhod.Napagpasyahan niyang kainin ang dalang pagkain ni Lester.Tutal para naman ata iyon sa kanila. Tahimik niyang kinain ang pagkain at ininom ang softdrinks na wala ng lamig.Tingin niya'y kanina pa dumating ang Boss. Napadighay pa siya sa kabusugan. Kaso baka di pa kumakain ang Boss?Gisingin niya kaya? Bahala na.. Nasumpungan niya ang sarili na nasa harap ulit ni Lester.Tinatawag niya ito ng dahan dahan sa mahinang boses. "Sir,Sir,gising po..."panggigising niya rito. "Hmmm..." tanging sagot nito. Lasing ang Boss panigurado.Aantayin na lang niya na magising ito ng kusa at baka pagod ito sa opisina.Lalo at wala pa naman siya upang tulungan ito sa mga gawain sa opisina. "Mama" tawag sa kaniya ni Ace. Dali dali siyang lumapit sa anak. "Bakit baby?" tanong niya. "Kasi po naiihi po ako." sagot ng anak. "Ok halika sasamahan kita sa Cr.Kya dali dali niyang kinarga ang anak at hinila ang dextrose nito palapit sa CR. Nang makaihi na ang anak ay nagpasya siyang ibalik itong muli sa higaan. "Nagugutom na po ako." oo nga pala konti lang kinain ng anak dahil sa di nito gusto ang menu na siniserve ng hospital. Kinuha niya muli ang 1 pack sa dala ni lester at Ipinakain sa Anak. "Dala ni Boss" sabi niya sa anak sabay nguso sa kinalalagyan ng natutulog na boss. "Ang sarap po.." sabi ni Ace. Magana itong kumain at halos mangalahati na ang pagkaing iyon. "Kelan po pupunta sina lolo at lola dito.?"inosenteng tanong ni Ace sa ina. "baka bukas baby.masama pa kasi ang pakiramdam ng lolo mo.Nag alala iyon sa iyo." Narinig niyang nag inat si Lester. Sabay silang bumaling ng tinging mag ina kay Lester. "Nakatulog na pala ako."Pagkuway sabi nito at bumangon ito sa pagkahiga. "Hi pumasok na ako kanina dahil sa natutulog ka naman ayaw kitang màistorbo.Kaya nahiga na rin ako dito at nakatulog." sabi nito.Naiiling naman siya,pero nahiya din ng maisip na nakita siya nitong tulog.Ano kayang hitsura niya.May katabilan talaga ito pag nakainom. "Salamat ho sa pagkain.Pinakialaman ko na at kinain dahil nagugutom na ho ako.Masarap ho..." Pag amin niya. "Para sa inyo talaga yan." sabi nito. "Salamat po sir." sabi na lang niya. "I just want to check if youre ok now,buddy?" sabi ni lester kay Ace. "Yes po..im better na po.Nurse told me makakauwi na po kami ni Mama.Di ba po sabi niyo pag magaling na ako pupunta ako sa office niyo at maglalaro tayo?" sabi ni Ace. Mukhang di talaga nalimutan nito ang pagpunta sa office ni Lester. "Yes,As i promise baby..We will play there..Do you want that?" tanong ni Lester kay Ace. "Yes!yes!" masiglang sagot ni Ace. Ano pa nga bang magagawa niya.Ano naman kaya ang naisip ng lalaking ito. "Okey sleep again baby..para makapaglaro na kayo ni sir Lester paglabas mo dito sa hospital." sabi niya sa anak. Tumalima naman ito at pumwesto ng higa. "Good morenyt po.." sabi nito kay Lester. "Goodmornyt Mama." sabi nito sa kaniya. "Sweet dreams baby" sabi niya sa anak. Nagkatinginan sila ni Lester.Walang gustong magbaba ng tingin.Parang inaarok ang damdamin ng isat isa.Siya ang unang umiwas.Di niya matagalan ang titig nito.Parang sabay nun ay bumilis din ang pagtibok ng puso niya.Bigla siyang naconscious sa hitsura niya. "Bakit pa kayo nagpunta..gabing gabi na?at baka dapat nagpapahinga na kayo." kunwari'y pagalit ang tono niya sa boss.. kasi naman ano na naman kaya ang naisip nito. "I want to see you two..masama ba yun?"sagot nito. "Baka hanapin kayo ng Mommy niyo." sabi niya. "Im old enough para hanapin ni Mommy." sagot ulit. Napabuntunghininga siya.Di mauubusan ng rason panigurado. "Kumain na ho muna kayo.Ibibili ko ho kayo ng kape sa baba,para mainitan iyang tiyan niyo." Alok niya sa Boss. "No need,huwag ka ng bumaba.Dito ka lang." sabi nito sa kaniya.Medyo nakasimangot pa ito.Bad mood bigla. "Matulog ka na rin." pagkuway sabi nito sa kaniya. "Ho?" sabi niya rito. "sabi ko matulog ka na ulit." pag uulit ni Lester. "Hindi na ho ako makakatulog niyan,once na nakatulog na ako mamaya pa po ako dadalawin ng antok,or worse baka umaga na ho iyon." paliwanag niya dito. Kinuha niya ang phone niya at naisipan niyang magfacebook na lamang habang nagpapalipas oras habang di pa siya inaantok.Ayaw naman niya ipagtabuyan ang boss at baka isipin nito pinapalayas na niya na ito naman ang nagbayad ng hospital bill nila kahit na ba gusto niyang pagtrabahuhan iyon para di naman masabing libre. Bahala ito sa buhay niya. Nasulyapan niya ito na Nahiga ulit at pinagkasya ang sarili sa mahabang upuan.Ngunit pansin niyay nakakunot noo ito. "Baka nababagot kayo riyan,puwede naman kasi kayong umuwi at humiga sa malapad niyong kama."Parinig niya rito at baka sakali na magpasyang umuwi na. "Really?masarap talaga mahiga sa kama ko..Lalo pag may katabi.."sagot nito. Napilitan siyang lingunin ito at tingnan.Nakangisi pa ito dahil sa kapilyuhan nito. Masarap daw lalo pag may katabi.Ano siya ba pinariringgan din nito.. "Maghanap ho kayo ng katabi..marami diyan."sabi niya. Madali naman itong makakahanap ng babae.Panigurado maraming nagkakandarapa dito. "Eh kung sabihin ko sayo na ikaw ang gusto kong katabi?Papayag ka ba?" prangkang sagot ni Lester sa kaniya. "Ay naku,huwag ho ako ano..kayo talaga..ano anong nasa isip niyo." "Katabi lang naman matulog ah..ikaw ang madumi ang isip."Pagkuway sabi nito. Patay..tama naman ito katabi lang naman sa pagtulog..wala namang gagawin.. Lumaki ang mata niya.Nagblush din siya sa hiya sa naisip niya. Letse...advance din kasi utak niya eh..ayan tuloy..nakakahiya..Timang talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD