"No Comment ka ata...so silence means acceptance..so its a Yes?" pagkadaka'y untag nito sa kaniya.
"Sir naman..huwag nga kayong magbiro ng ganyan." ungot niya.
"Who told you na nagbibiro ako.So ready your self..di ba may babayaran ka sakin?"sabi ni Lester.
Napasimangot siya ng di sa oras.Akala niya kasi makakaiwas na siya dito dahil matatapos na ang 2 months leave ng sekretarya nito.Bakit para yatang pinaglalapit sila sa mga kagustuhan nitong mangyari.
"Trabaho ho ang ibabayad ko kapalit ng tulong niyo.Wala hong ganyan." paglilinaw niya.
"Yeah trabaho nga iyan.may sweldo ka at incentives.Lalo na pag nagampanan mo ng maigi ang role mo."sabi ni Lester
Ano daw may role siya.May aktingan portion pa pala.
"Ano hong role naman yan Sir?Baka hindi ko ho kaya."
pag amin niya.Totoo naman kasi.Mahirap ang umakting at magpanggap sa ibang tao.
"You will be my Girlfriend.Siguro naman nakita mo na si Ms Anna Castro.I want that woman out of my life.She will be out if she will know that i had a girlfriend." Akala mo ay siguradong sigurado ito.
"Pero Sir,hindi ko ho kaya ang pinapagawa niyo.Girlfriend niyo?Mahirap ho yata yan."Reklamo niya.
"So ayaw mo?Then i will find another one who will play as my girlfriend." walang gatol na sabi nito.
Bakit bigla namang bumigat ang loob niya.Hahanap na nga ito ng ibang magpapanggap na girlfriend nito.Pabor na dapat yun sa kaniya bakit ba ang isang parte ng utak niya ay nabibwiset sa isipin na may iba itong girlfriend.
"So,Its up to you.Tell me your decision tomorrow night. Ayaw ko ng maghintay ng matagal."
Tumayo ito at pinulot ang susi na nasa upuan.
"Alis na ko." paalam nito sa kaniya."See you tomorrow.." tinap pa nito ang ulo niya bago lumabas ng kuwarto.
Gusto sana niyang pigilan dahil mag alas tres pa lang ng madaling araw..pero wala siyang nasabi kahit isang salita.Pre occupied na ang utak niya at nahihirapan siyang tumanggi dahil sa utang na loob na naumpisahan na nitong nagkasakit ang anak niya.
Wala na siyang choice..kaso dapat malinaw ang usapan.Magpapanggap lang sa harap ni Anna Castro.Pero paano pag ginulo siya ng babaeng iyon.Baka siya naman itong magkaproblema balang araw.
Lutang ang utak niya.Pinili niyang bumaba at magkape ng bumisita ang pinsan na si Kaye kinaumagahan.Salamat naman at makakalabas siya ng kuwarto ng hospital.Bukas discharge na ang anak niya..Wala nang alalahanin sa Bayarin dahil si Lester ang magbabayad .Kilala ito ng may ari ng Hospital.Nakakahiya dahil baka magtaka iyon na may bata itong binayaran ang gastos sa hospital.
Hindi pa nga nauubos ang kape niya,May umupo sa tapat na upuan ng mesa niya.
Si Lance.
"Anong nangyari sayo?Bat parang kulang ka sa tulog?"Pansin nito sa kaniya.
"Natural nagbantay po sa anak ko..di malamang puyat nga naman talaga ho ano."sagot niya.
"Di ba sabi ko sayo,wala ng po at ho..we're friends now..baka nakakalimutan mo?" remind sa kaniya ni Lance.
"Lance ...hayaan mo masasanay din ako." sabi niya.
"May sasabihin nga pala ko sayo..pero sana huwag kang mag isip ng masama." di niya matiis na di ipaalam dito ang gustong mangyari ni Lester.
"Ano?tungkol saan?" interesadong tanong ni Lance.
"Kasi itong pinsan mo,gusto niya ko magpanggap na girlfriend para tigilan na daw siya ni Ms. Anna.Di ko alam kung papayag ba ako."umpisa niya.
"What??? nasisira na ba ang ulo ng Lintek na Lester na yan.Pati ba naman ikaw binibigyan ng sakit ng ulo.Pumayag ka ba?" Napatayo pa ito sa upuan at nagpalakad lakad sa harapan niya.
"Di pa nga e..Kaso may choice ba ako.Baka sesantihin ako nun.."sabi niya
"Eh ano kung sesantihin ka..dun ka sa opisina ko..welcome ka dun."Muli itong naupo sa upuan.
"ewan ko..di ko alam." sagot ni Hyacinth
"Di mo alam kasi gusto mo rin?"Nang iinis na sabi nito.
"Isa ka pa..di ka na nakatulong nang iinis ka pa.Pareho lang kasi kayo ng pinsan mo..mga babaero."inis na sabi niya.
"ano ba magagawa namin eh sa magagandang lalaki kami." nagyayabang na naman ito.
"Signal no 3 na.baka matangay ako ng sobrang hangin."pagkuwa'y sabi niya at kunwari ay humawak sa gilid ng mesa
Napahalakhak si Lester.Kaya napalingon ang ibang naroon.Saka niya napansin na nakatingin sa kanila ang mga tao.Marahil iniisip ng mga ito na napakaguwapo ng kasama niya.
Siya naman ang inabot ng hiya.
Ba't ba napatrouble na naman siya sa ganitong sitwasyon.napakahirap pala masabit sa mga guwapo at mayaman.
sakit sa ulo...
"Kung sabagay,di ba sabi ko sayo,may tama yang pinsan ko Sayo.Hindi ko lang alam bat dami pang pasakalye ng Playboy na iyan." Naiiling na wika ni Lance.
"Wala ngang sinabing may gusto sakin.Grabe ka naman..Tamang hinala ka nga lang jan.Di magkakagusto yun sa isang tulad ko." pagkuway wika niya.
"Bahala ka..di naman kita pinipilit."sabi na lang ni Lance sa kaniya.
"Ako ng maghahatid sainyong mag ina..Okey na ba discharge paper ni Ace?" -Lance
"Mamaya ko pa kukunin after lunch.Salamat nga pala sa lahat.At pasensya ka na naabala pa kita." sabi niya kay Lance.
"No problem,and youre always welcome,My lady.."nakangiting wika ni Lance.
"Di ka nakakaabala sakin.Im always willing to help.Just give me a call." dugtong nito.
Bat ba kasi dun pa siya nakahingi ng pambyad sa mokong na boss niya.Kung si Lance ba ang nagpresinta ng tulong sa kaniya may ganun pa kayang kundisyon?Ang magpanggap na Girlfriend nito?
Parehong mahirap ang maging girlfriend ng mga guwapong boss na ito.
Sana naman makapag pasiya na siya dahil hindi pa siya handang mawalan ng trabaho..Not now...
Bahala na si batman bukas..