Parents Approval

904 Words
Nakalabas na nga si Baby Ace sa Hospital.Tulad ng sinabi ni Lance siya ang naghatid pauwi sa mag ina. Nagkanda haba ang leeg nga mga "Marites" sa kanilang Sona. Ganun naman talaga ang mga tao dun,pag may bagong dating nag sisiksikan sa pag abang ng mga dumarating na tao na akala mo ngayon lang nakakita ng Guwapo at artistahing lalaki. Niyaya niya sa loob ng bahay si Lance at ipinakilala sa mga magulang. "Abay magandang lalaki din pala itong pinsan ng Boss mo hane?" Mama niya. "may asawa ka na ba iho?" Papa niya. "Wala pa ho.Wala pa hong nagkakamali." sabi naman ni Lance. "Naku,sa gandang lalaki niyo marahil ay di kayo makapamili kung sino sa dami nila." natatawang sabi ng Mama niya. "Tama kayo Ma,Sa dami nila,di alam ni Lance kung sino pinaka maganda at seksi kaya wala pa siyang napipili."Panigunda niya. Sinamaan siya ng tingin ni Lance iyong tipong nagpapacute naman kahit kunwari ay naiinis. "Ayaw ho kasi sa akin ng Anak niyo." walang prenong sabi nito. Siya naman itong di alam kung anong sasabihin. Pinandilatan niya si Lance ng mata.At pinatitigil sa kadaldalan nito pero para pa itong nananadya. "Wala ng ilalaki yang mata mo." pang aasar nito sa kaniya. "mapagbiro ho talaga tong si Lance huwag kayong maniwala sa sinabi niya."sabi niya sa mga magulang. "Aba kung katulad naman nitong si Lance ang aakyat ng ligaw sa iyo ay boto na kami Haya.." sabi nang mama niya. Ano daw boto ang mga ito.Dios ko naman,nabulagan na rin ba ng kaguwapuhan ni Lance ang mata ng mama niya.Di ba nga sabi nito noon sakit lang sa ulo ang mga magagandang lalaki,dahil kahit san sila mgpunta ay habulin ng mga babae?Nailing na lang siya. "Magkaibigan lang ho kami." sabi na lang niya. "Naku diyan nga yan nag uumpisa sa kaibigan..tapos nagkakaibigan..ganun!" singit ng papa niya. Isa pa tong matanda na to.Sabi sa kaniya mag ingat kapag nagmahal muli tapos ngayon halos ipagduldulan na siya rito kay Lance. "Ma,Pa, mayaman ho at maganda ang nababagay kay Lance.Huwag kayong ambisyusya diyan."Di niya mapigilang mainis sa mga ito. "Huwag niyo na hong tuksuhin si Haya...Pikon na ho eh.."sabi ni Lance. Isa pa talaga din ito.Tatamaan na ito sa kaniya. "Baby Ace,Mahiga ka lang diyan.Huwag kang likot ng likot." sabi niya sa anak bilang pag iiba na rin sa usapan. "Opo..baka mabinat po ako.Dapat gumaling na po ako ng tuluyan dahil maglalaro pa kami ni Tito Pogi."sabi naman ni Ace. "Sino si Tito Pogi?" usyusong tanong ni Lance. "Iyon pong boss ni Mama sa work niya.Maglalaro daw po kami pag galing ko at ipapasyal daw niya po ako."Walang prenong sabi ni Ace. "whooah... pumupuntos sa tsekiting ang mokong na iyon ah." palatak ni Lance. "Aba,maigi yan ..Suyuin mo na ang apo ko.Nang mag kaigihan agad." sabi ng papa niya. Lalo siyang nabuwiset.Bakit ba parang atat ang mga ito na magkalovelife siya? Tiningnan niya si Lance.Pangiti ngiti ang isa sa kaniya.Naiisip na siguro nito na boto ang mga magulang na muli siyang magmahal. Pero siya ayaw niyang sumugal..mahirap na matalo ulit..Maging luhaan at talunan. Pag dumating siguro ang lalaking kaya siyang ipaglaban at mahalin ng tunay sa kabila ng kalagayan niya,Baka sakali na magmahal din siya. Inismiran niya si Lance..Ano naman kaya ang gusto ng mokong ding ito.. binasted na niya..friends na nga lang sila..huwag na siyang mag attempt pa..kahit guwapong guwapo sa kaniya ang Mama niya.. Mas guwapo si Sir Lester...Sabi ng isang parte ng utak niya.Pati mata niya..iyon ang nakikita.Mas guwapo ang boss period. "Ano?" nakangusong sabi ni Lance. "Umuwi ka na nga.." taboy niya rito. "Wala talaga tong utang na loob,sukat ba naman na ipinagtatabuyan na ako,palibhasa nakuha mo na ang gusto mo sakin." kunwari pabiktimang sabi nito. "Tumigil ka diyan..hoy Lance di ako natutuwa sa kakengkuyan mo.umuwi ka na o kaya maghanap ka ng aalaskahin mo.Huwag ako,please lang."..gusto na niyang banatan ng isa ang Loko.Pasalamat ito at mabait siyang kaibigan. "Pagkakain ka na umuwi iho..Nagluto na ako ng tanghalian natin..Dito ka na kumain." sabi ng Mama niya. "Sure po Ma.. este..Masarap po ang luto niyo.." Pang aasar nito. "Okey lang Mama itawag mo sa akin..ng magkaanak naman ako ng Lalaki. Alam mo naman n solo lang ito ng si Haya." Sabi ng Mama niya kay Lance. Ngiting tagumpay ang loko..Mama na daw itatawag sa Mama niya. Habang siya konting konti na lang gusto na niyang sakalin si Lance.. Nakakainis kasi. Pumunta sa kusina ang Mga magulang niya para maghain. Naiwan sila ni Lance habang si Ace ay nanonood ng tv. Di niya mapigilang di hampasin ng pangkamot sa likod ng papa niya si Lance. "Aray! Bat ba nanakit ka." ungot nito. Akala mo ay nasaktan talaga. "Eh sa nakakabwesit ka." sabi niya rito. "Gusto ko nga andito rin sana si Lester..Mas mapipikon iyon pag nalamang andito ako." sabi nito. "Buti na lang at wala.Baka sungitan na naman ako nun..o kaya ay di ako imikan."sabi niya rin. "Mahirap kasi ang may feelings,sungit na lang ang nagagawa o kaya dedma." -Lance "Iyan ka na naman sa mga i therefore conclude mo...Bossy lang talaga iyong ugali ng taong iyon." Siya. "I know my cousin very well..and i know kapag may gusto iyon."-Lance "Tama na nga iyang topic na iyan Lika kain na tayo" sabi niya. At sabay sabay silang pumunta sa kusina para kumain. Lalo't parang wala ding planong tumigil sa pangbubuska sa kaniya si Lance. Libangin muna niya sa pagkain. Baka sakaling tumigil pag nabusog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD