Umagang umaga naiinis si Lester sa mga tao sa Opisina,puro palpak at mali mali ang report ng mga ito.Ang mga nasa audit ang babagal ng trabaho.Kung puwede nga lang niya na sesantihin at palitan lahat ng empleyado niya ginawa na niya.
Wala pa siyang makausap ng matino.Bakit ba lahat ata ng tao sa araw na ito ay palpak.
Nilamukos niya ang mga papel na nasa harap niya at itinapon sa basurahan.Iniutos na niya na ulitin lahat ng report na ipinasa sa kaniya ng umagang iyon dahil di tally lahat.
Tumayo siya pagkatiklop ng laftop niya.
Pumunta siya sa fridge at kumuha ng ice cubes..nilagay niya sa baso at nilagyan ng rhum na inumin.
Pag ganitong stress siya sa kompaniya,mas mabuti na magshot siya ng ilan para marelease ang stress.
Nagring ang intercom na nakaconnect sa guard sa baba.
"Yes?" sagot niya.
"Sir,nagpupumilit pong umakyat si Ms. Anna Castro.Gusto daw po kayong makausap." sabi ng guard sa kabilang linya.
Nag init bigla ang Ulo niya.Isa pa tong babaeng ito.Sakit sa ulo.Sinabi na niyang di siya interesado dito ay panay pa rin ang balik.Kung sana kaakit akit ang katawan nito ay pinatuwad na niya ito kahit saan.Problema ang chubby.Hindi niya type.Mas gusto niya pa ang payat na babae o slim ang katawan..kesa sa chubbing yun.Gusto magpalahi sa kaniya kaso di naman kagandahan ang lahi.Huwag na..Puro Yaman lang ang meron sa lintik na babaeng iyon.
"Im busy!Dont let her in..I dont need disturbance." pagkasabi ay binaba niya agad.
Pinuntahan niya ang pinto ng office niya at inilock.
Mahirap na baka makasalisi ang babaeng iyon.
Itinuloy niya ang pag inom.
Bigla ay tumunog ang Cellphone niya.
Text mula kay Lester.
"Andito ako kina Hyacinth.I think di mo alam na ngayon na ang discharge ng anak niya." sabi ni Lance sa texts.
Gusto niyang ibalibag ang selpon sa inis.Bwesit na Lance to kahit kelan epal talaga.Bat ba hindi pa nun tantanan si Hyacinth.
Napahigpit ang hawak niya sa phone.Buti na lang di nakakaangal kundi ay nagreklamo na ito na di makahinga sa higpit ng hawak niya.
Bakit ba lagi na lang pag may natitipuhan siyang babae ay may karibal pa siya kundi pinsan ay kaibigan niya..minsan kamag anak niya pa..
Iisa lang ba ang tipo nila sa babae.is it their blood kaya iisa ang type nila ng pinsan niya?
Humanda sa kaniya ang Lance na iyon.
At ito namang si Hyacinth,sinabi na niya na mag uusap sila mamayang gabi at dapat nakapagpasiya na ito sa gusto niyang role nito sa buhay niya.Instant girlfriend,bakit parang aayaw pa ata.Kung si Anna Castro iyon ay nagtatalon na iyon sa sobrang tuwa.Para na iyong nakajackpot sa Lotto.
Umigting ang mga panga niya sa isiping magkasama si Lance at si Hyacinth.
Sugurin niya kaya agad.Nagtimpi siya dahil baka pati si Lance ay samain sa kaniya.
Ba't ba umiepal pa ito sa Sekretarya niya.Sinabi na nga niya na lumayo ito sa babae.
At ito namang si Anna Castro isa pang buwesit na dapat mawala sa landas niya.
Kasalanan ito ng Tita niya.Ba't ba kasi nireretuhan siya nito ng mga babae na di naman niya type.
Pagkatapos nag ilang shot ay nagpatuloy na siya sa ginagawa.
Binuksan niya ang ilang email at may email dun si Mira.
Saying na magbabalik na siya sa trabaho.
Kahit papaano ay mababawasan ang sakit ng ulo niya.Magaling si Mira maghandle ng mga problema sa opisina.Alam na alam nito ang ayaw at gusto niya.Nasasala na rin nito ang mga proposals lalo na kung walang kwenta at sayang lang sa oras niya.
At si Hyacinth.Pag tumanggi iyon sa alok niya..tatanggalin nga ba niya sa kompaniya?Maghahanap nga ba siya ng ibang magpapanggap na girlfriend niya?
Nahilot niya ang sentido.Bakit ba kasi ang hirap mapa Oo ng babaeng iyon.
Kung ayaw nun ng santong dasalan daanin na lang niya sa santong paspasan.
walang puwedeng tumanggi sa kaniya.He hates to be rejected.
This is really insane of Him..
Kaso wala siyang ibang choice.Siya dapat ang masusunod, at si Hyacinth ang gusto niyang pekeng girlfriend..magiging totoo din yun.Lalo pa't ang lakas ng tama ng Manoy niya kay Hyacinth.Maisip niya pa lamang ang babae ay kusa na itong tumatayo.Grabe ang epekto nito sa kaniya.
Siguro'y kung matikman niya ito baka magsawa din siya.At baka magbago din yun nararamdaman niya.Baka pagnanasa lang,na kapag natikman niya na ay mawawala din.Tulad ng mga minahal niya.Madali rin niyang nakalimutan ang mga babaeng iyon.Dahil naikama na niya..di na siya lugi dun at maging mga babaeng iyon.Umungol pa nga sa pagpapaligaya niya.
Sana nga ganun lang ang nararamdaman niya.Mababaw lang at lilipas din.
Nasa ganoon siyang pag iisip ng magring na naman ang phone niya.
Tawag iyon.
Tiningnan niya..ang Mommy niya.Sinagot niya agad.
"Son,dito ka kumain mamaya..may surpresa ako sayo.." excited na sabi ng Mommy niya.
"Okey My..ill'be there."sagot niya dito.
"Huwag mong kalimutan ha?And please dont make excuses..Dito ka magdinner."
pag uulit ng Mommy niya.
"Yes,and i have a surprise too.." sabi niya sa ina.
"Oh really..?magkakamanugang na ba ako?Sana naman totoo na this time Lester..I'd been waiting for quite a long time." sabi ng Mommy niya.
"Its a surprise Mom..Your too excited."Medyo natawa siya sa eagerness ng ina.Para nang atat na nga itong may ipakilala siyang girlfriend,iyong mauuwi na simbahan at kasalan.
Mga bagay na inaayawan niya noon.Pero inaamin niyang sumasagi sa isip niya ngayon.
Pagkatapos ng usapan nilang mag ina agad niyang tinext si Hyacinth.
Mahirap ng magkalimutan.Ireremind niya ito at dapat nakapagdesisyon na ito na sang ayon sa kagustuhan niya.
Hindi puwede na magkalayo sila.Dapat mabakuran niya si Hyacinth.
Ano kung may anak na ito.Sa ito ang gusto niya sa ngayon.Kung kapalaran niya ang makapangasawa ng Single Mom,why not?
Hindi kabawasan ang pagiging dalagang ina.Mas hinahangaan niya ang tatag nitong palakihin ang anak.At base sa nakikita niya magiging mabuting ina ng mga anak niya si Hyacinth.Mga ilan kaya?3 puwede na..
What a brilliant idea Lester..
Kahit siya man ay nabibigla din sa mga naisip niya.Kelan pa?
Senyales na ba ito na gagraduate na siya sa pagiging womanizer?Kaya ba niya?
Hmmm...napahawak siya sa baba niya...
Di pa niya alam kung makokontento na nga ba siya.Sa ngayon ito na muna ang aasikasuhin niya.
Oplan Anna Castro Fade Away..
Mahirap na makapangasawa ng desperada.