"dont forget ang usapan natin."
-Lester
Sige na nga.Payag na siya magpanggap na girlfriend nito.From a temporaray Sectetary,Ngayon naman Fake Girlfriend..or lets just say temporary Girlfriend.Huwag lang sana siyang mahulog sa Lester na iyon.Kung di wasak na naman ang puso niya.
Nagpaalam siya sa ina na aalis.
Naligo siya at nagbihis ng simpleng bestidang baby collar na kulay peach,sleeve less ito,medyo pencil cut at masasabing kita ang kurba ng katawan niya kahit di naman ito hapit na hapit.Tama lang at desenteng tingnan.Baka kasi magmukha naman siyang katawa tawa kung ipakilala siya nitong Girlfriend.Wala na nga siyang maipagmamalaki ay magsusuot pa siya ng basta lang.Nagsuot din siya ng maliit na belt na kulay white..para maemphasize ang maliit na beywang niya.
Bumangon ang kaba sa dibdib niya.Tama ba itong gagawin niya.Pero kailangan niyang bayaran si Lester.Kahit ito lang.kahit ang pagpanggap lang na girlfriend nito.Bahala na kung mabuko sila na fake ang lahat.Importante nagawa niya ang pinapagawa nito.
Sabi niya sa mga magulang sila na muna ang bahala kay Ace.At huwag na siyang antayin sa pag uwi.May duplicate key naman siya sa Frontdoor.Nagbabawi pa ng tulog ang mga ito at mapupuyat pa kung aantayin siya sa pag uwi.
Nag antay siya sa may kanto nila.Mahirap ng mapagtsismisan ng mga Musang sa kanila.
kung mismo sa tapat ng bahay nila siya susunduin ni Lester.Lalo at kagagaling lang doon kanina ni Lance iba ang sasakyang dala at iba naman iyong kay Lester panigurado sasabihin ng mga tsismosa sa kanila pumapatol na siya kung kani kanino.Sikat na naman siya panigurado.
Mga 5 minuto siyang nakatayo ng may tumigil na sasakyan sa harap niya.Bumaba ang driver at nagulat siya na si Lester pala ito.Iba kasi ang sasakyang dala.Isang latest model,hindi niya pa ito nakitang ginamit ng Boss.
Napatitig pa ito sa kaniya.Tiningnan siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tinitigan ang mukha niya.
"Panget ho ba ang suot ko?" bigla siyang nabalisa kasi naman grabe makasipat.
"No,you look like a teen tonight..so Stunning." sabing papuri nito sa kaniya.
"Salamat naman nagustuhan niyo ang suot ko." nakahinga siya ng maluwag.
"Lets Go.." iginiya siya nito papunta sa kabilang side ng pinto ng sasakyan.Napapaso siya sa dantay ng malaking palad nito sa may balikat niya.Para na kasi itong nakaakbay sa kaniya.
"Dapat huwag kang mailang..Baka mahalata nila na di tayo magkarelasyon.So dapat masanay ka na." sabi ni Lester
Tumigil siya sa aktong sasakay na sa sasakyan dahil ipinagbukas na siya ng pinto.
"So inaasahan niyo talaga na papayag ako sa gusto niyo?" tanong niya rito.
"Yes..cause i dont take a No for an Answer.So kahit ayaw mo,your may girlfriend pa rin." sabi nito.
"Bossy talaga kayo no?Talaga bang ganyan kayo..sapilitan?" aangal pa sana siya.
"You insist na babayaran mo ako in anyway.So ito na iyon.Wala kang choice to say no..Its always a Yes.So Get in."
Aba makautos talaga.Mahirap pala itong maging boyfriend..demanding.
Di na siya nakipagtalo.Bahala na tutal feeling niya saglit lang tong aktingan na to.Di siya magugustuhan ng mga magulang nito para sa Boss.Sino ba naman ang papayag na makapangasawa ang Unico Hijo mo ng isang empleyada..di ba wala?
Napapitlag siya ng dumukwang ito sa kaniya.Akala niya yayakapin siya.Ikinabit lang pala nito ang seatbelt.
Tiningnan niya ito sa side mirror..nangingiti pa ang loko.
Kasi naman nabigla siya,akaka niya hahalikan siya or yayakapin..
Naman oh..Pahiya siya dun.
Tahimik sila sa loob ng sasakyan.
"Anong gusto mong endearment natin?para parang tunay talaga."sabi ni Lester.
Saglit siyang nag isip..Ano nga ba?
"ikaw na lang ang bahala,okey naman sakin kahit ano."Sabi niya dito.
"okey,My loves," nakangiting wika nito sa kaniya.
My Loves daw.
Timang talaga parang totoo.
"San nga pala tayo pupunta?"tAnong niya ulit.
"Sa bahay namin,i want to surprise my Mom tonight." sabi nito
"Ano ho?di ba parang ang bilis naman ata.Di ho ba kayo nabibigla?Akala ko dun lang tayo haharap kay Anna Castro..bat pati sa Mama niyo?"nag aalalang tanong niya.
"we need to get the approval of my Mom.So My aunt and Anna will be out of the picture in an instant."sagot nito sa kaniya.
"I dont want someone to mendling my lovelife..lalo na yang auntie ko.Siguro naman titigilan na nila ang pangrereto sakin pag may naipakilala na akong girlfriend sa kanila." paliwanag pa nito.
"Sana nga ho ganun ang mangyari.Kasi pag pumalpak ka..pati buhay ko baka mapag initan pa ng Anna Castro na yan.,"siya
"I wont let that happen,never my loves."senserong sabi nito.
Pero siya pilit inaabsorb ang pagiging girlfriend niya kuno.Baka masanay siya..tapos fake lamang ang lahat.
Nang pumasok ang sasakyan ni Lester sa maluwang na gate ay bigla na lang siya kinabahan.
Paulit ulit niyang kinukurot kurot ang palad.
"Dont be nervous..just act naturally." hinawakan pa nito ang kamay niyang nanlalamig.
Para talaga kasing totoo na ipapakilala siya sa magulang.
Ang hirap pa naman ng Meet the Parents.
"I try my best po." sabi na lang niya.
Ipinagbukas pa rin siya nito ng pintuan ng sasakyan na parang gentlecman talaga.
"Dont forget to Smile." bilin ni Lester.
Nakaakbay na naman ito sa kaniya.Talagang feel na feel ng walang hiya na pahirapan siya sa pgpapanggap na ito.Pagpasok sa malapalasyong bahay ay sinalaubong sila ng isang mayordoma.
"Nasa hapag na po sila Madam." inporma ng kasambahay sa kaniya.
Lalo siyang di makahinga sa kaba.Malayo pa lang ay tanaw na niya ang 6 na kataong nandoon.
"Oh my Son,im very Glad you Came!sabi ng ina.
"And sino yang kasama mo..Siya na ba ang surprise mo ?tanong ng Mommy ni Lester
"Yes Mom,Hello every one id like you to met My Girlfriend...Hyacinth Santos."pormal na pagpakilala sa kaniya ni Lester.
Lumapit agad sa kaniya ang Mommy ni Lester.
"oh really?just call me Tita..welcome to the family.Finally,nice meeting you hija.Youre so pretty.Marunong talaga pumili ang anak ko." natutuwang wika ng Mommy ni Lester.
"Nice meeting you din po..Tita." nasabi na lang niya at nag mano siya rito.
Ganun din ang ginawa niya sa 2 pang me edad na nandoon.
"At san mo naman nakuha itong Girlfriend mo?" tanong ng isa na sa hitsura pa lamang ay para nang si madam minchin..mukhang masungit.
"Its not your bussiness Tita..Mind your own life ho.Mahiyain ang girlfriend ko,huwag niyo nang ihotseat at baka matakot sainyo."sabi ni Lester.
Muli na naman siya nitong pinaghila ng upuan.Pagkatapos ay naupo na ron ito katabi niya.
"what do you want to eat"pagkuway tanong nito sa kaniya.
"Ako na lang ang kukuha." sabi niya
"Okey lets eat.." sabi ng mommy niya.
si Lester nga ang naglagay ng pagkain niya sa plate niya.
Kulang na lang ay subuan n siya nito.Hmmm maasikaso pala..Sana all na lang talaga.May boyfriend kuno na mayaman at maasikaso.
In my dreams...
Hehehe
"So we're did you find this woman?" ang taklesa nitong tita na mahilig mangreto ay di mapakali dahil gusto talaga nitong gisahin si Hyacinth.
"In my office.Shes may temporary secretary for the meantime and i fall for her easily." half truth,half lie sa fall for her easily.
Napataas tuloy ang kilay ng Tita ni Lester.
"so ,hindi galing sa prominenteng pamilya..Sana naman yung may sinasabi sa lipunan ang makatuluyan mo." Hirit nito at ayaw patalo.
"Walang problema sakin kahit sino mapangasawa ni Lester,hindi kailangang mayaman,dahil si Lester naman ang bubuhay sa pamilya.Di kailangan magtrabaho ng magiging asawa niya." sabi ng Mommy ni Lester.
Buti pa pala ang Mommy nito dahil ang bait.Very down to earth at hindi mapanghusga.
Gusto niya bilatan ang Tita ni Lester na pakialamera.
Ano ka ngayon,hindi ikaw ang mother in law to be..Tsura!
Nagkakatinginan sila ni Lester..at iba ang titig nito sa kaniya.Masuyo at may Love..para kasi talaga may something kung makatingin..o kaya magaling lang itong umakting sa harap ng mga Mahal nito sa buhay.
"You want more?"tanong nito sa kaniya ng maubos na niya ang pagkain sa plato niya.
"Im full,thanks.." sagot ni Hyacinth.
"Hyacinth please try my own version of leche plan.Ako talaga ang nagluto niyan..This is my specialty.." nakangiting iniabot nang Mama ni Lester ang Platito na may leche plan.
Tinikman niya..masarap nga..
"Napakasarap po ng leche plan niyo Tita." papuri niya sa Ginang.
"Oh thank you hija at nagustuhan mo.Im happy na finally may ipinakilala na sa akin si Lester.Akala ko kasi puro na lang ito laro sa buhay..You know..Im glad finally he met you."Totoong sabi ng ina ni Lester
Nakonsensya tuloy siya sa tinuran nito.Kasi fake lang ang meron sila ng Boss.Napasubo na tuloy siya.
Hindi siya komportable sa mga sulyap ng Tita ni Lester.At ang dalawa pang kasama nito na babae ay mukhang nirereto na naman nito sa Boss niya.
Ngunit hindi naman siya iniwanan ni Lester
kung asan ito andun siya.Karay- karay siya nito na parang ayaw siyang makawala.
"Ang cute niyong dalawa.Itong anak kong bakulaw sa laki..kayang kaya niyang proteksyunan ang girlfriend niya.And you hija..look so fragile and innocent..dapat lang na meron kang katulad niya na magpoprotekta sayo." Dagdag pa nito.
Nangiti na lang siya sa sinabi nito.
Napakabait talaga.Sana huwag magbago ang pakikitungo nito sa kaniya kahit malaman nito na pagpapanggap lang ang lahat.
"Uuwi na po ako Ma'am,Nice to meet you po." paalam niya sa Ginang.Buti na lang at umakyat na sa kaniya kaniyang kwarto para sa bisita ang mga kasama nila at sila na lng tatlo at mga kasambahay ang naiwan matapos ng ilang minutong kwentuhan.
"Balik ka ha? at sana kung pwede dalasan mo ang pagpunta mo rito hija." sabi ng Mommy ni Lester.
"Yes mom,thats for sure."sabat ni Lester sa usapan nila.
Pagkatapos magpaalam ay inihatid na nga siya pauwi ni Lester.
Sa sasakyan pauwi sa bahay niya ay nagsalita si Lester.
"Thanks for coming with me and meeting my Family.My mom is so fond of you.See?he wanted to see you again."-Lester.
"Oo nga ang bait pala ng Mom niyo."sabi na lang niya.
"Bukas dalhin mo sa office si Ace.I want him na masanay na lagi tayong magkasama."bilin nito sa kaniya.
"nextday na lang po siguro,need niya pa kasi magpahinga." sabi niya sa Boss.
Tumigil ang sasakyan at tanaw na niya ang bahay nila mula sa kinaroroonan nila.Ngunit di niya mabuksan ang pinto..
"Buksan niyo na ang pinto..naklock pa rin eh." sabi niya dito.
"Goodbye kiss muna" sabay turo nito sa pisgi.
"tapos na ho pagpapanggap natin..wala hong kiss." naiinis siya bigla.
Tumawa ito na masarap sa pandinig.Naamaze siya sa klase ng tawa nito.
"So titig na titig ka ngayon,Guwapo ba ko?" tanong nito.
"Oho guwapo na kayo..buksan niyo na ang pinto.."
"Lumapit ito sa kaniya ng malapitan..akala niya hahalikan siya kaya natuod siya sa kinauupuan.nakatitig pa rin aiya at halos mapigil niya ang hininga.
Biglang tumunog ang unlock ng belt.
"Okey na." sabi nito na natatawa.Nahalata kasi nito na natensed siya.
Tinanggal lang pala nito ang seatbelt.
Akala niya tatsansingan siya o nanakawan na naman ng Halik.
Assuming din eh..Dali dali siyang bumaba at kumaway bilang pamamaalam.Pagkatapos bumusina ay agad itong humarurot..
saan kaya iyon matutulog..
sabagay wala naman siyang karapatan na magtanong..Fake girlfriend lang siya.