If you Let me...

1570 Words
Pagkasibad ng sasakyan ay nagtungo si Lester sa Paborito niyang Bar.Ayaw niyang umuwi sa bahay nila dahil andun ang mangkukulam niyang tita.Mahirap na at baka mapikot siya ng di sa oras ng mga alalay ng Tita niya.Mahirap talaga ang mga matandang dalaga.Dapat nag anak na lang iyon para maretuhan niya ang sarili niyang anak.Hindi pati buhay niya gusto pang pakialaman. Buti na lang mabait ang Mom niya.Wala itong masamang sinasabi about sa pangrereto ng Tita niya.Sa kagustuhan naman kasi nun na magkaapo ay pinupursige na talaga siya na makapag asawa na't lumagay na sa tahimik. Umupo siya sa pandalawang mesa.Nag order siya ng inumin at tahimik na uminom mag isa. Marami siyang gustong timbangin.Bukas makakasama niya ang mag ina.Kailangan niyang kilalanin pati na ang anak nito.May kamukha talaga ang bata.Hindi niya lang mapinpoint kung sino. Napagmasdan niya ang mga nagsasayaw sa dance floor.Palibhasa 10:30 na ng gabi..malilikot na ang mga sumasayaw. Ganun bang klase ng babae ang gusto niya?Party goer,at halos dirty dancing na ang mga inaatupag na libangan at pangpalipas sa weekends.Ganun din ang mga lalaki na kasayaw ng mga ito.Like him when he was still younger like 20's. Now parang pakiramdam niya nakakasawa na talaga.He cant find complete happiness anymore. So He wants to explore and search what is the missing piece that can complete his life.Maybe a perfect woman na babagay sa kaniya. Pero hindi ang katulad ng mga babaeng nandito sa bar at nagpaparty ang sigurado siya na dapat na maging bahagi ng buhay niya. "Alone?" sabi ng isang babaeng naka tubedress na black.Body fitted and wearing suede sandals. "Yeah,but i just drop by to chill for awhile..Im going by the way." sagot niya at tinungga ang huling shot ng inumin na inorder niya. Kung dati rati game siya sa mga one night stand at mga flings, ngayon iba na.Wala na siyang gana. Lumalabnaw din pala ang hilig niya sa Pangkakama ng mga babae.Nakakasawa din pala. Tumayo siya at iniwan ang babae sa mesa. Wala siya sa mood na makipagplampungan. Sumakay siyang muli sa Kotse niya.Pinaandar at muli pinaharurot. Sa kompaniya na muna siya matutulog. Buti pa dun,walang mamimikot sa kaniya. Dun na lang niya aantayin ang mag ina bukas. Nagising siya ng maaga.Ipinalinis niya ang opisina niya kahapon.Handang handa na siya sa pagdalaw doon ng anak ni Hyacinth.Last 2 days na rin nito sa opisina bilang Temporary secretary.Babalik na din ito sa dating department nito.Mabuti na rin iyon dahil baka di niya mapigilan ang sarili at baka maikama niya ng sapilitan si Hyacinth pag nagtagal pa iyo sa opisina niya. Hindi naman siya Rapist..pero alam niyang bibigay din si Hyacinth sa tamang panahon. Kaya nakakasigurado siya na dun din sa kama ang uwi nila. Wala pang tumatanggi sa kagaya niya. Nagpadeliver siya ng breakfast at cofee mula sa isang fastfood. Niribisa niya ang ilang project na ipinapatayo under their Construction Firm.Mabuti na lang at magaling ang mga engineers niya.Di sila nawawalan ng project.At kung may pumapalpak man minimize lang iyon,nasusulusyunan naman agad. Paulit ulit ang sipat niya sa Relong pambisig.Malapit ng mag alas otso ng umaga. At di nga siya nakamali,naulinigan na niya ang mag ina na nag uusap sa hallway.Marahil binibilinan ni Hyacinth ang anak.Baka natatakot ito na maglikot ang anak. Nakita niya ang pagbukas ng pinto ng opisina niya.Pumasok una si Hyacinth.Kasunod nito ang anak na nakahawak kamay sa kaniya. "Good morning Sir" "Good morning Tito Pogi..!" masiglang bati ni Ace sa kaniya. "Hello buddy..Come here let me hug you." sabi niya sa bata Lumapit naman ito at nagpakalong sa kaniya.Niyakap niya ito ng nakatalikod sa kaniya.Nakaharap sila pareho kay Hyacinth.Nakatingin lang ito sa kanila at parang nag aalala na ewan. "Kumain na muna kayo" Alok niya kay Hyacinth. "Naku nag agahan na po ako sa bahay."Tanggi ni Hyacinth. "Ako,Mommy,i want to eat.!" sabi ni Ace. "Eh kasi ayaw mong kumain dun sa bahay..Ayan tuloy,nagugutom ka na."Sabi ni Hyacinth sa Anak. "Lika na,susubuan kita." pero inasikaso pa rin ang anak. Pinagmasdan niya habang pinapakain nito ang anak.Panay ang tanong ng bata kung ano daw ba mga nakadisplay doon.Pati ang miniature na design ng house and lot ay pilit na isa isang sinisilip at tinitingnan.pagkuwan ay mapapaWow ito sa Paghanga. Panigurado bagay dito maging Architect o kaya gusto rin maging Engineer balang araw. Natapos na pakainin ni Hyacinth ang Anak.Niligpit na rin nito ang mga pinagkainan ng Anak.Sanay na sanay ito sa mga gawain.For sure,magaling din itong maybahay. "Sige na iwan mo na siya sakin. Ako ng bahala sa kaniya.You can do your work now." -Lester "Sure ho kayo?" tanong ni Hyacinth. "Yeah,very sure."sagot niya "Okey po."' Baby behave ok?"Huwag magpasaway kay tito pogi ha?" bilin nito sa Anak. "Yes po." sagot naman nito. Kaya lumabas na si Hyacinth sa opisina niya.Naiwan sila ni Ace na panay ang tanong sa kaniya. Hindi mahiyain ang bata,kabliktaran ng kaniyang ina na palagiang walang imik. Hindi niya lang mawari kung bakit ang gaan nang pakiramdam niya sa bata.Ang totoo gusto nga niya itong ipakilala din sa Mommy niya pero kung sasabihin niya na anak niya ito baka magalit ito sa kaniya dahil bakit ngayon lang niya ipinakilala.Ngunit hindi naman niya anak si Ace.Pero gusto na rin niyang tumayong Ama sa bata kung papayag si Hyacinth. Nang mapagod sa kalalaro ay nakita niyang may kinuha si Ace sa knapsack niyang Ben10,Maliit na sketch pad ito.Mahilig magdrawing ang bata.Ipinakita nito sa kaniya ang mga drawing nito na sa edad na mg apat na taon ay mahusay ng gumuhit. Siguro'y may pinagmanahan.Kung sabagay ang Tito Jay ni Hyacinth na nagtatrabaho sa kaniya ay magaling din.Siguro'y nasa lahi talaga nito ang skills ng pagguhit. Nang tanghalian nila ay ngpadeliver pa rin siya ng pagkain mula sa sang Fastfood na paborito ng mga bata. Alam niya na ganoon ang gusto ng mga tseketing na kagaya ni Ace. Pagkatapos ng Tanghalian nila ay nakatulog si Ace sa mahabang sofa. "Nasaan ang ama ni Ace..wala ka na bang balita sa kaniya?Hope you wont mind my asking.." lakas loob niyang tanong kay Hyacinth.Gusto niyang malaman kung nasaan ang Ama ng bata. Nagkatitigan sila.Hindi naman galit ang nasa mukha ni Hyacinth..sa tingin niya Lungkot ang naroon. "Nang sinabi ko ho na di ko alam kung nasaan..Hindi ko ho talaga alam." sagot ni Hyacinth. Biglang kumulo ang dugo niya sa inis.Anong klaseng lalaki ang gagawa ng ganoon sa babaeng tulad ni Hyacinth na basta na lang tatakbuhan. At ang anak ay walang kalalakihang Ama. Walang puso. Kung makikita niya ang lalaking iyon ay makakatikim iyon sa kaniya. "Di mo ba siya hinanap?" tanong niya ulit. "Hindi ko naman ho kilala ang pamilya niya.At sa totoo lang ho 2 buwan pa lang kami nagkakilala.Hindi ko rin ho alam bat nahulog ang loob ko sa kaniya ng ganoon kadali." para pa itong nahihiya sa sinabi. Ayaw naman niya itong husgahan.Wala siyang karapatang husgahan ito sa nangyari sa buhay nito.Nagmahal lang marahil kaya di na lubusang kinilala ang lalaki. Marami namang ganoon.Siya nga nakasiping na siya ng di lang iilan na nakita at naisayaw niya lang sa Bar.Pagkatapos wala na..tapos na. Pero responsable siya.Gumagamit siya ng proteksyon para di siya makabuo. Hindi katulad ng nakabuntis kay Hyacinth. Kung makikita lang nito ang anak na iniwan,baka magsisi ang lalaking iyon. "Hanggang kailan ho ba tayo magpapanggap na magkasintahan?" tanong ni Hyacinth sa kaniya. Lumapit siya sa harap nito at umupo sa katabing upuan. its now or never.Kailangan na niyang ipaalam dito ang gumulo sa kaniya. "Bakit ayaw mo ba na agad? Nagbago na ba ang isip mo?" balik tanong niya dito. "Kasi ho ayaw ko paasahin ang Mommy niyo.Nakokonsensya ako na niloloko lang pala natin siya." pag amin nito sa kaniya. "Puwede naman nating totohanin,kung papayag ka.Im single,you're single too..And i want you..please give me a chance to prove myself to you Haya."Di na niya napigilang sabihin.Sasamantalahin na niya na nagkausap sila ngayon. Umawang ang labi ni Hyacinth sa pagkabigla.Pero do ito gumalaw.Marahil ayaw magising ang anak na katabi nito sa upuan. "Im serious this time..i want you." hinawakan niya ang kamay nito pagkuwan. "P-pero sir,Baka nabibigla lang kayo.Baka awa lang yang nararamdaman niyo lalo na sa anak ko." sabi nito. "Im old enough Haya..alam ko na gusto kita.Sana malaman ko rin na gusto mo rin ako."tinitigan niya ito sa mata.Nagbaba ito ng mata at pumikit pagdaka ay nagsabi. "Sir,Ayaw ko lang na magulo muli ang buhay ko.Lalo ang taong katulad niyo ay di basta basta.Ayaw ko ng makarinig muli ng pangmamaliit sa pagkatao ko.Ayaw ko na pati Anak ko ay masaktan din.Ayaw ko hong sumugal.Kung di lang sa tulong niyo..di ko gagawin ang pagpapanggap na ito." Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila.Pero siya nakatitig pa rin sa dalaga.Gusto niyang ipaalam dito na hindi siya uurong sa sinabi niya. At sana maalis na ang trauma nito sa pagkabigo. "Im willing to wait then."sabi niya rito. "Mapapagod lang kayo..Marami pa riyang mas bagay sainyo.Hindi ho ang katulad ko.Siguro kung malaman nang Mommy niyo na may anak na ko,pag inayawan niya ko..dun na natin tapusin ang pagpapanggap na ito.Magkakarason na tayo na tapusin ito Sir.." Sabi ni Hyacinth saka bumalik na ito sa mesa nito. Naiwan siya sa katabi ni Ace na natutulog.Aayawan nga ba ng Mommy niya si Hyacinth pag nalaman nitong dalagang ina ito..baka nga iyon na ang paraan para tapusin na ang pagkukunwari nilang Sila.Tapos magkakalimutan na. Kung sana Ganun lang kadali. Ngayon pang mas lumalalim na ang nadarama niya para sa Mag ina. Mahihirapan na ata siyang bumitaw pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD