Sabay silang bumaba nina Hyacinth galing opisina.Karga niya si Ace na sa maghapon nilang bonding ay masasabi niyang parang nakompleto bigla ang buhay niya.
"Tito Pogi,Ang laki po ng opisina niyo.Parang Mall sa laki." sabi ni Ace Habang tinatanaw ang building na nilabasan nila.
"Gusto mo rin ba ng Ganyan?" tanong niya kay Ace.
"Opo Tito pogi,pag malaki na ko magpapatayo din ako ng sarili kong building."sagot nito sa kaniya.
Nakayakap pa ang Isang braso nito sa batok niya.Para na nga silang mag ama sa biglang tingin.
Kaya Ayaw ni Hyacinth na dumaan sa main entrance kaya sa exit sila dumaan.May backdoor exit ang opisina niya na galing elevator na di masyadong daanan ng mga empleyado.
Siguro'y umiiwas lang ito na mapagtsismisan ng mga kapwa empleyado.
Pero okey lang sa kaniya na malaman nang lahat na merong Sila kahit na kunwari na muna sa ngayon.Importante masaya siya.Wala siyang pakialam sa tingin ng ibang tao kung dalagang ina man si Hyacinth.
Para sa kaniya mabuting ina si Hyacinth.Responsable at Maaasahan.
Ipinagbukas niya ng pinto ng kotse ang Mag ina.Sa backseat na ito nagpasyang umupo dahil sa anak.Okey lang sa kaniya kahit magmukha pa siyang Driver ng mga ito.
Dinala niya sa Mall ang Mag ina.
Hinayaan niyang pumili ng mga Laruan si Ace.Kahit sinabi ni Hyacinth na hindi na kailangan na gawin niya yun.
Ang sabi na lang niya..para kay Ace kaya huwag nang tanggihan.Hindi naman niya pababayaran ang mga ito..
Natuwa lang talaga siya sa bata.At masaya siya na napapasaya niya rin ito.
Nasa pila sila para mag bayad ng makita nila ang sinadya nila kung bat kailangan nilang magpanggap na magkarelasyon.Si Anna Castro.Pag tinataon talaga ng pagkakataon kahit di mo hanapin kusang dumarating.
"Who are you with?" sabi nito sa kaniya.
"And who is this kid?" Pangalawang tanong nito na di pa nga niya nasasagot yung una.
"Oh cant you see,im with them.I think you should know by now,na may girlfriend at anak na ko." sabi niya sa babae.
Si Hayacinth ay busy sa mga pinamili at di pa napapansin na may kausap siya.
"Alam na ba to ni Tita?" tanong nito.
"Yeah,kaya huwag ka ng mag assume na im into you.As i've told you,im not available,so better give up and stop chasing me." klarong sabi niya rito.
"Is that your secretary?You and her just had an affair..I cant believe you." di makapaniwalang sabi nito.
"Its up to you.Excuse me,You're wasting my time.May pupuntahan pa kami." Para matigil na ang babae sa kakausyuso.
Naiiling nitong sinipat si Hyacinth mula ulo hanggang paa.
Si Hyacinth man ay di nakakilos kundi parang nabigla rin.Di nito inaasahan na makikita ni Anna Castro.
Ang saya pa naman nila kanina tapos ngayon para itong nanghina.Nakita pa naman nito ang anak na si Ace.Buti na lang at di ito pinansin ni Ace.Baka nagkataon ay tinawag na naman siya nito na Tito Pogi.Kailangan na niyang sanayin na Papa or Daddy ang itatawag sa kaniya.
Napapadyak ito bago umalis.Masama pa rin ang tingin sa kanila.
Medyo nakahinga ng maluwag si Hyacinth base sa buntong hininga nito.
"Its okey,Dont mind her.Lets go." pagkatapos nilang magbayad ay nagpasiya na siyang iuwi ang mag ina.
"Sinabi mo na ba sa magulang mo ang tungkol sa atin?Tanong niya rito habang nagdadrive.
"Wala naman hong tayo talaga..Kaya bakit ko naman sasabihin sa kanila." sabi sa kaniya ni Hyacinth.
Wala pa talaga sa ngayon pero sisiguraduhin niyang bukas o makalawa ay meron nang Sila..iyong totoong Sila.
"When i told you na gusto kita,i really mean it.So i decided na simulan na ang panliligaw ko sayo.And this is our first date together."Sabi niya rito.
"Ho?Date?Ba't di ko ho alam?Bat di niyo sinabi?" Nakakunot noo ito at parang naiinis.
"Dahil pag sinabi ko,magrereason out ka na naman.So ngayon alam mo na..Tapos na..wala ka ng magagawa.Nakapagdate na tayo with Ace." He simply smile on his own.
"Ewan ko sa inyo..basta alam ko hindi ito date." umirap pa ito.
Next time sisiguraduhin niya na silang dalawa na ang magdidate.At hindi makakaayaw si Hyacinth.
Totohanin na niya ang Panliligaw dito.
Inihinto niya ang sasakyan sa mismong tapat ng bahay nila Hyacinth.Sumilip mula sa tindahan ang Mama nito.
"Naku,kayo pala iyan Sir Lester.Naabala pa yata kayo nitong Apo ko." Sabi ng ina ni Hyacinth at dali dali itong lumabas upang salubungin ang anak at apo.
"Lola,ang dami ko pong toys,binili ni tito pogi." masiglang balita ni Ace sa Lola Dahlia niya.
"Aba inispoiled ka ata ni Sir Ah.." Natutuwa ito nakatingin sa kaniya.
"Maliit na bagay lang ho yan.Basta masaya po si Ace." sabi niy rito.
Nakamasid lang si Hycinth habang abalang ipinapasok sa loob ng bahay ang mga pinamili nila na si Lester ang nagbayad lahat.
"Hindi mo ba patutuluyin ang Boss mo?" tanong ng ina kay Hyacinth.
Nilingon siya nito at parang napilitan.
"Pasok ho muna kayo Sir.."
"Lester na lang,Wala tayo sa oras ng Trabaho." sabi niya rito.
"Pasok ka na.." sa ayaw pa nitong banggitin ang pangalan niya.Naiinis siguro dahil totohanin na niya ang panliligaw dito.Kailangan din niyang ligawan ang mga magulang nito.
"Di ka naman niyan galit."Biro niya rito.
"Hindi naman..ikaw kasi may plano ka pa talagang magtagal no eh.." bulungan na halos ang usapan nila dahil ayaw iparinig sa mga magulang.
"Di ba nga sabi ko manliligaw na nga ako sayo." sabi niya ulit.
"Di ba nga sabi ko rin wala akong planong ientertain kayo.Kung di dahil lang sa trabaho ay di ako papayag sa mga gusto niyo.Buti nang malinaw." -Hyacinth
"Aba,nagtatalo ba kayong dalawa riyan ha?" sabi ng ina nito.
"Naku hindi ho,may pinag uusapan lang ho kami.
Maya maya'y dumating ang Ama nito.
Nagmano si Hyacinth sa Ama kaya nagmano na rin siya.
"Aba'y narito pala kayo.Tamang tama at may pasalubong na Tuba galing Quezon si kumpareng Lito.Tikman niyo ito,Masarap din ang inumin galing probinsya." sabi ng Ama ni Hyacinth.
Mapapasubo siya nito.Magaling nga pala tumuma ang ama nito.
"Naku Pa,tigilan niyo nga si Sir Lester.Pag nalasing yan di yan makakauwi." sabi ni Hyacinth
"Okey lang,kaya ko naman.saka 1 lang naman yan di ho ba?" sabi niya sa Ama nito.
"Hay naku ,isa rin talaga itong nuknukan ng hilig sa inom..Pati si Sir Lester ay inalok mo pa.Pag iyan ay nalasing naku!" Ang Mama ni Hyacinth
"Eh di dito na matulog kung di kaya magmaneho." pagtanggol ng Ama naman ni Hyacinth.
Nakita niyang Sumama ang mukha ni Hyacinth sa Ama.
"Naku,mahiya ka nga riyan Dennis.Kalaki laking tao ni Sir Lester eh patutulugin mo riyan sa maliit na upuan,baka mamaya magkandahulog hulog yan diyan eh." Si Aling Dahlia.
"Ayus lang yan ki Sir,Boy Scout iyan." sabi naman ng Ama ni Hyacinth.
"Okey lang po..wala pong problema" Pagsang ayon niya.
Pagkatapos nga ng Hapunan ay Nag umpisa ng mag inuman sila ng Ama ni Hyacinth.
Habang nanood ito ng pelikula ni Steven Seagal kasi paborito nito ang actor.
Pinatulog naman ni Hyacinth ang anak sa kuwarto nito.
Masasabi niya na di naman ganun kasama ang lasa ng tuba na sinasabi ni Mang Dennis.
Nakakalasing din pala ito sa totoo lang lalo't di siya sanay uminom ng ganito.
Ngayon lang upang paunlakan ang Byenan to be niya..
Hehehe bahala ng malasing.
Hik...