Nakatulog na si Hyacinth sa pagod marahil sa maghapong naging trabaho niya idagdag pa ang pagpunta nila sa Mall kasama ang Boss. Siguro'y reward sa kaniya dahil matatapos na ang pagiging temporary Secretary niya.Bukas aasikasuhin na niya ang mga gamit pabalik sa dating Department. Naalimpungatan siya sa tawanan sa labas ng kuwaro niya. Agad niyang iminulat ang mata kahit medyo di pa nga siya nakaka adjust sa liwanag. Dali dali siyang napaisip dahil sa pagkakatanda niya nasa bahay pa nila si Lester. Agad niyang kinapa kapa ang cellphone niya para icheck kung anong oras na ba. 10:36 na ng gabi. Di pa tapos mag inuman ang Boss niya at ang Tatay niya. Panigurado Lasing na ang mga iyon Agad siyang bumangon at nagpalit ng damit pambahay dahil naka suot pa siya ng damit na ipinangpasok n

