I'm here alone at my room. For some reason, the thought of another me in my own dorm doesn't bug me anymore. The thought of Krys having a breakdown right now doesn't bother me that much as well. What bothers me most is my attitude.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
I'm not supposed to be mad at Krys. If I'm going to get mad, I should be fair and vent not only to her but also to my brother. But then, how do I show my anger to someone who's not even here on my side? How do I shout at him, how do I release my anger?
I can't.
Hindi ko kaya hindi dahil wala siya rito. Hindi ko kaya kasi alam kong kung pagagalitan ko sila sa ginawa nila ng walang pahintulot, ako pa rin naman ang magso-sorry sa huli. Bakit nga naman ba ako magagalit ng matagal sa nag-alaga sa akin mula pagkabata? Bakit ako magagalit kung pinag-eksperimentuhan nila ako ng walang paalam?
Hindi iyon kaso sa akin. Wala lang iyon kung tutuusin. Hindi naman na bago sa akin ang mundo ng Siyensya at mga gawaing pasok dito. I'm fully aware of what my brother is into and I don't oppose whatever research or study or experiment he wants to do. If he want to, he may do so. That's his life and not because I'm his sister doesn't give me the rights to hinder between him and his passion.
Alam ko namang hindi lang choice ni kuya ang Science. It's in the genes. My late parents are both into Science as well. Ako lang yata ang naliligaw na hindi masyadong active pagdating sa mga konektado d'yan. I'm more of a fighter than a thinker.
And maybe that's okay. Because my brother is obviously born before me, he had more time spent with my parents while they're at their peak while I grew up in the harsh reality of my environment. At a very young age, I entered the training academy with just one thing in mind: to not get separated with my brother.
"Kuya, 'wag ka na pumasok do'n!" sigaw ko sa kanya ngunit patuloy lang siya sa pag-empake. Sa edad kong ito, hindi ko naman inaasahan sa sarili ko na maintindihan ang rason kung bakit niya ginagawa 'to. Alam ko na importante ang edukasyon para umangat ang buhay namin dito pero kung ang kapalit no'n ay mahiwalay sa nag-iisa kong kasama sa buhay, mas gugustuhin ko pang manirahan sa putikan.
"Kung tutuloy ka talaga..." mahinang sabi ko. Natigilan siya at inabangan ang kadugtong ng pangungusap ngunit nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba talaga. Nang ilang minuto ay hindi pa ako nagpatuloy sa pagsasalita ay siya na ang tumuloy sa pag-eempake niya.
"Sasama ako." Mariin akong pumikit pagkasabi ko ng dalawang salitang iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon gano'n kasimple. Na kapag sinabi kong sasama ako ay pwede na agad. At tulad ng inaasahan, tinawanan lang ako ni kuya.
"Hindi pwede ang hindi estudyante ro'n," sabi niya at mahinang natawa. Nanatili akong seryoso at hindi pinapatulan ang biro niyang iyon. Nakuha niya yata na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya kaya't tumigil siya sa pag-eempake at lumuhod ng bahagya para maabot ko ang paningin niya.
Ang kuya ko, kahit na kaka-onse pa lang niya ay natanggap na sa nag-iisang paaralan sa compound ng Kinaiya. Ang normal na edad ng mga pumapasok ay nasa trese pataas ngunit dahil sa mahusay ang kuya ko ay natanggap agad siya, dagdag pa ang background niya na anak siya ni mama at papa na sikat sa kanilang field noong buhay pa.
Kahit bata pa siya ay matangkad na siya kaya't kinakailangan niya pang lumuhod para magpantay ang paningin namin. Hindi ko tuloy sigurado ngayon kung matangkad ba talaga siya o sadyang maliit lang ako. Tinignan ko ang itim na itim na mata ngunit nang nahagip ng liwanag mula sa bintana ay nagkulay brown. Tulad ng kay mama.
Ngumiti siya sa akin ngunit iniwas ko lang ang tingin ko. Hindi ako komportable sa binibigay niyang ngiti. Pakiramdam ko'y madadala na naman ako sa pang-uuto ng kuya ko. Ginagawa na naman akong bata.
"Hindi mo ako madadala sa ngiti mo, hindi na ako bata!" pagsasaboses ko ng mga isipin. Hinuli niya ang tingin ko habang natatawa sa dineklara ko. Pinalobo ko ang pisngi ko. Tinusok niya iyon kaya't natanggal ang hanging inipon ko.
"Akala ko ba 'di ka na bata? Bakit nagpapalobo ka pa ng pisngi?" sabi niya. Nanlaki ang mata ko at ako na mismo ang pumisil sa pisngi para matanggal ang natitirang hangin do'n. Pagkatapos ay bumalik ako sa seryosong mukha at humalukipkip pa tulad ng ginagawa niya kapag pinapagalitan ako.
"Kov, bawal ka nga ro'n. Hindi ka pa naman estudyante. Kapag 13 ka na, pwede ka nang sumunod sa akin!" Pampalubag loob na lang ang tanging sinasambit ni kuya ngunit nanatili akong nagmamatigas. Kung anu-anong alok pa tulad ng pagbisita niya kada Linggo rito sa bahay namin o kaya'y ipapasyal niya ako kada makakauwi siya ngunit wala roon ang gusto ko.
"What if pasyal kita sa paaralan kapag pumayag sila? Tapos, magsisikap na ako ngayon pa lang para kapag nakapasok ka na pwede kong ma-request na magsama tayo ng dorm--"
"Ang gusto ko lang naman, hindi ako maging mag-isa. Masama ba ang hiling ko?" Bulong ko sa gitna ng mga alok niya. Kitang kita ko kung paano siya natigil sa pagsasalita at bumagsak ang kaninang malaking ngiti niya. Iniwas ko ang tingin ko nang naramdaman ang paghapdi ng mata sa nagbabadyang luha.
"Ayoko lang namang maiwan na namang mag-isa. Hindi ko na kaya, kuya. Hindi na..." Sabi ko at tuluyan nang naiyak. Tinahan niya ako at hinaplos ang buhok ko. Gusto kong tumigil sa pag-iyak dahil ayokong mabasa ang paboritong damit ni kuya pero wala wala akong kontrol sa nararamdaman ko ngayon. Isa lang naman akong musmos na batang nangangarap na makasama ang pamilya niya.
"Kuya, mag-enroll na lang din ako," bulong ko nang sa wakas ay nakatahan na. Mabilis niyang inalis ang pagkakayakap niya sa akin at pinunasan ang pisngi kong basa ng luha. Pagkatapos ay ngumiti siya ng malungkot.
"Bawal ka pa do'n, Kov. Sorry," sabi niya ngunit inilingan ko lang siya. "'Di ba sabi mo, bawal do'n ang hindi estudyante? Edi mag-enroll na lang ako para makapasok din ako," dagdag ko pa sa ideya ko. Nabuhay ang natitirang pag-asa sa loob ko sa naiisip ko ngunit mabilis naman akong binabara ni kuya.
At kahit pa anong 'di niya pag-sang-ayon, nandito ako ngayon sa tapat ng tinatawag nilang training ground. Sabi ng lalaki kaninang bantay sa gate ay hindi raw ito paaralan. Training camp daw ito para mahasa kami sa mga kagalingan namin.
I'm shocked when I got accepted immediately. Walang pag-aalinlangan nila akong pinapasok kahit pa 9 years old pa lang ako. Magsa-sampu ngunit matagal-tagal pa. Ang tanging naaalala ko no'n ay hindi natuwa si kuya sa desisyon nila pero kalaunan ay bumigay din sa pagmamakaawa ko.
Ngunit may isa siyang binilin sa akin no'n.
"Trust no one, Kov. Ipangako mo sa akin," asik niya sa kakaibang tono. Hindi ko maintindihan ang pagmamadali at kakaibang taranta at parang may bahid pa ng takot sa boses niya habang sinasabi iyon. Kahit noong opisyal na in-announce ang pagpasok ko bilang pinakabatang miyembro ng training ground, matigas pa rin ang loob ni kuya ukol dito.
Libreng ibinigay sa amin ang dorm namin bilang pag-alala sa mga naiambag ng magulang namin. Kaya rin daw ako napasok ay dahil sa kanila. At tulad kay kuya, inaasahan nilang namana ko ang katalinuhan ng nanay ko sa mga makina o ng tatay ko sa literatura at mga research.
Akala lang nila.
Ngayon ay nandito pa rin ako sa training ground after all these years. Wala na kaming bahay sa labas kaya't hindi na rin ako makaalis sa impyernong ito. Kung tutuusin, aalis na sana ako nang umalis si kuya. Sasama sana ako pero hindi siya pumayag, ni hindi ko nga alam na umalis na siya. Akala ko pa no'n ay hindi niya sineryoso ang plano niya.
And then many turns of events led me here. To this day, this exact moment and that exact knock at my room. Bumukas na ang pinto kahit pa hindi ako sumasagot sa kumatok at napaahon ako sa pagkatulala nang nakitang ang nagpakilalang Kovie ang nandito.
Sinara niya ang pinto at naupo sa maliit na upuan sa gilid. Tinignan ko lang siya habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin sa tukador. Sa parehong salamin kung saan ko siya unang nakita. Sa salamin na nakita ko ang kamukha ko, ang isa pang ako at sa gabing 'yon ay hindi rin ako makagalaw.
"Bakit hindi ako makagalaw nung unang punta mo rito?" tanong ko sa kanya nang naalala ang pangyayari. Tinignan niya ako sa salamit at saka nilingon para makapag-usap ng masinsinan.
Kakaiba man ang sitwasyon sa akin ay para bang normal ko na lang itong turingin kumpara sa mga naranasan ko nitong mga nakaraan. Kahit pa hindi naman singlala ng pagkakaroon ko ng kakambal o ng isa pang pagkatao, ang gaan na sa loob ng topic na 'to. Mas naiintindihan ko na rin siya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y lumalambot na ang puso ko sa kanya.
"That's the effect of my accidental surge," she said. Kumunot naman ang noo ko at mukhang nakuha niyang hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Right, you're not the techy Kovie," she murmured to herself. Mas lalong kumunot ang noo ko sa mga binubulong niya ngunit ngumiti lang siya at tumikhim.
"Hindi kasi planado ang pagpunta ko no'n dito. Hindi sinasadya at aksidente ang nangyari. Sa system namin nagkaroon ng problema at kasama na ro'n ang bahagyang... pag-iba ng ugali ko no'ng gabi. Bahagya lang naman," sabi niya at ipinakita ang dalawang daliri na magkadikit para imuwestra ang bahagyang sinasabi niya.
"At ang pagbabagong 'yon ay pagiging creep?" asik ko sa kanya. Nagulat siya ngunit napangiti na lang ng alanganin nang na-realize niya sa sarili niya na gano'n nga ang naging dating ng nagpakita sa akin nung gabing iyon.
"Yes. At ngayon, planado ang naging pagpunta ko rito kaya't smooth na ito at almost perfect ang naging warp," dagdag pa niya. Nanliit ang mata ko sa isang sinabi niya.
"Almost pefect?"
"Uh... Naalala mo yung nangyari kay Krys? Hindi talaga 'yon sa gulat, well technically dahil 'yon sa biglang surge of unfamiliar electricity through her bod--" itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. Tinikom niya agad ang bibig niya at awkward na ngumiti.
"What I mean is, nagulat siya sa nadala kong electrom-- uh, kuryente na lang ang itawag natin. Nagulat siya at nakuryente sa nadala ko mula sa pag-travel ko from one universe to another," pagpapaliwanag niya. Unti-unti ay parang nagsi-sink in na sa utak ko ang sinasabi niya.
"At bakit ka nga ulit nandito sa... universe namin?" alanganin kong tanong dahil hindi ako pamilyar sa konsepto ng universe. Alam kong may isang universe, thus its first part, uni. Kahit papaano ay naturo naman sa amin ang basic Science.
"To seek help. Specifically, para hingin ang tulong mo." Bakas ang tapang sa mata nito ngunit para akong nananalamin dahil nakikita ko rin ang madalas na nakikita ko sa sarili ko. Ang nakatagong lungkot sa loob ng itim na itim ko... namin... itim na itim naming mga mata ay para bang kusang kumakawala sa matagal na pagtatago nito.
As if we're directly connected with each other, pati ang pagkurap at pagtayo namin ay sabay na sabay. Walang pumuputol ng tinginan naming dalawa. Desidido kaming pareho na titigan ang sarili namin at kahit ngayon lang, gusto ko ring makita kung ano ang tingin sa akin ng iba.
Dahil nga iisa lang kami ayon kay Kovie, pareho lang kami ng height. Masasabi kong mas malaman siya sa akin kaysa sa akin na may muscle na kaka-train. Makinis siya na nasisigurado kong hindi ko katangian. Sa tagal kong nasa training camp ay kailanma'y hindi ko aangkinin ang salitang makinis.
Marami akong peklat na nakuha sa paaralan na 'yon, parehong peklat na nakikita at peklat na mananatili na lang talaga sa loob mo at hindi nakikita ng iba ngunit sa'yo, kitang kita at damang dama mo pa.
Mas malinis siyang tignan kumpara sa akin. Sa suot niyang all white ay para siyang may mataas na pwesto at halatang elegante siya sa pino ng kilos niya. Isa pa 'yon, isa na siguro ang paraan ng pagkilos namin sa mga pinagkaiba naming dalawa. Ang mahinhin niyang pagkilos ay tinutumbasan ko ng magaslaw at kadalasan pa'y may pagka-clumsy ako sa lahat ng bagay.
Napahawak ako sa batok ko. Kumunot ang noo niya ngunit ginawa niya na lang din. Bahagya ko siyang inikutan pakaliwa para sana makita nag batok ngunit nanlaki ang mata ko sa nakita sa gilid ng leeg niya.
"D-Doktora," ani ko sa nanginginig na boses. Nilingon niya ako at halos mapasigaw na ako sa biglaan niyang paggalaw sa leeg. Nanatili ang tingin ko ro'n kaya't sinubukan niya ring tignan pero syempre ay hindi niya ito makita.
"W-Wala kang leeg..." bulong ko. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. Akala ko'y reaksyon niya 'yon sa sinabi ko pero tinuro niya rin ang leeg ko. Hinawakan ko ang kanang leeg ko at binitawan agad nang naramdaman ang makapal na bagay ro'n. Pakiramdam ko'y lumobo ang leeg ko. Tinakbo ko ang salamin para tignan ang nangyayari at napaatras ako sa nakita.
Yung nawawalang leeg ni Doktora Kovie, nalipat sa akin.