Alt 9: Surge of Purpose

2679 Words
"Krys!" sabay na sigaw namin ni Doktora Kovie. I decided to address her with her occupation because it feels weird just to say the name Kovie to her. Added the fact that she's like a walking mirror that reflects me very much. "Ano 'yon?!" pabagsak na binuksan ni Krys ang pinto ng kwarto. Mula sa pagkakatingin sa salamin ay sabay namin siyang nilingon at nagulat ako nang pati ang ibang lieutenant ay kasama niya. Tinignan ko si Krys na tarantang lumalapit sa amin. "Anong nangyari? Sinong sumigaw? Bakit--" "Tignan mo leeg ko," pagputol ko sa kanya. Tinignan niya naman 'yon at napakunot ang noo. Hinawakan niya ang ulo ko at itinaas-baba na para bang may hinahanap. Itinuro ko na lang sa kanya ang nadagdag na parte sa leeg ko ngunit nang kinapa ko ay biglang wala na. Tinignan ko si Doktora Kovie at ganun din ang nangyari, nabalik na sa dating ayos ang leeg naming dalawa. "Bumalik na!" sabi ko sa kanya. Tumango siya at kinapa ang sariling leeg. Napatingin siya sa leeg ko at nanliit ang mata.  "What just happened?" tanong niya. Kahit ako ay hindi ko siya masagot. Sina Krys naman ay nakatingin lang sa  amin. Nagtatanong ang mga mata nila ngunit nakapokus ako kay Doktora Kovie na para bang naiintindihan na ang nangyari. Hallucination ko lang ba 'yon? Pero imposible. Kung hallucination ko lang ay bakit pati si Doktora Kovie na-experience rin? "Naramdaman mo bang masakit?" tanong ni Doktora Kovie sa akin. Umiling ako at tumango naman siya. "I think we're morphing. Pero hindi siya normal na morph, eh. Hindi tayo nagsasalo pero nalilipat ang parte ng katawan natin sa isa. In this case, nalipat ang parte ng leeg ko sa'yo. It's definitely not a hallucination, though." Tumango ako sa huli niyang sinabi dahil pareho kami ng naiisip. Hindi talaga matuturing na hallucination 'yon dahil dalawa kaming nakaranas. "Hindi siya masakit at nawala agad," dagdag pa niya. "Most likely it's a glitch," she then added. My brows furrowed with an unfamiliar word. "Ano ang glitch?" tanong ko sa kanya. "A glitch is a minor malfunction, usually on technologies. Pero sa sitwasyon natin, we experienced a glitch with our body. I'm guessing that's because of me venturing to your universe," she stated. Napatango ako roon at nilingon ang nangangalabit na si Krys. "Ano bang nangyari?" tanong niya. Kinwento ko naman sa kanya ang nangyaring kakaiba sa amin at mukhang pati siya ay glitch ang hula. "I agree with Kovie... 2. Though unlikely, I think you experienced a glitch. I'm not sure about the reason." Krys looked at Doktora Kovie who's chuckling because of the term she used. "Doktora Kovie na lang ang itawag natin sa kanya. At least mas madali nating madi-differentiate alin ang Kovie mula sa ibang universe at Kovie ng universe na ito," sabi ko. Tumango sila ngunit nakita kong natatawa si Covet kaya't sinamaan ko ng tingin. Nagtaas lang siya ng kilay at pinigilan ang tawa. "With the glitch happening, I'd like to think of it as a warning. I need to go, now. But Kovie..." nilingon ko siya. Her hopeful eyes hooked my vision as she pleaded for a request. "Matutulungan mo ba kami? Ikaw lang talaga ang alam kong makakatulong sa amin."  Napakunot ang noo ko sa napansin. "Kayo?" takang tanong ko. Ang naalala ko'y siya lang ang nanghihingi ng tulong. Hindi ko alam kung bakit at para saan pero ang malamang marami silang nangangailangan ay parang nag-iiba na ang pananaw ko sa gagawin. "Actually, tayo," pagtatama niya. Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Napansin kong nakuha no'n ang atensyon ng mga kasama namin.  "Sa universe ko, may humahabol sa akin. Gusto akong patayin. Hindi ko alam kung bakit, kailan o saan niya gagawin. Binabantaan niya ako and I know that it's true dahil pinatay nila ang magulang ko just last week." Nagulat ako roon. May magulang siya? Dahil iisa lang kami ng katauhan, does that mean we have the same parents?  Gusto kong magtanong tungkol sa kanila ngunit hinayaan ko siyang magpaliwanag ng sitwasyon niya. My personal questions can wait. We have to know what's going on and what help she's referring to. Especially now that she included us inside the risk. "I need you to find him. Hindi ko alam kung sino pa ang iba kong pagtatanungan. Ang naiisip kong target nila sa pagpatay sa akin ay ang inventions and researches ko. Specifically my researches about alternate universe. Your universe," she added. Now it makes sense. Kaya kami ang hinihingan niya ng tulong dahil, "Madadamay kami kung sakaling makuha nila ang mga gawa mo, tama ba?"  Tumango siya sa tanong ko. Napahinga ako ng malalim at napaupo. Pati sila ay nagsiupuan na. Lahat sila ay focused sa sinasabi ni Doktora Kovie maging si Krys ay hindi na mapakali sa pagdutdot ng tablet niya. "When someone else gets access to my stuffs, they also get access to this universe. Ang universe niyo ang una kong na-tap out of millions... no, infinite number actually. Hindi ko alam kung gaano pa karaming universe ang magagalaw nila sa oras na makuha nila ang resources sa akin. And I hope this is not the case but your universe might sit on danger's table once they get rid of me." Wala akong masabi. Parang ang gulo masyado. There's too much information to take in and I can't swallow all of them. Especially if the information entails my own universe's safety, my own people's safety. My safety. "At ano naman ang maitutulong ko?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mata.  "I've been researching about your compound for days, even weeks. I don't know. All I know is that you're trained since your childhood. With your ability, I'm hoping you can help me find the person who wants to kill me. For the sake of your universe, at least."  Nilingon ko ang mga kasama ko. Wala silang sinasabi at hinahayaan kaming dalawa na mag-usap. It's as if they're letting me talk to my self, my other consciousness to decide something. And I know they're hoping I don't decide recklessly. "Another thing..." she added. Nilingon ko siya at nag-abang ng sasabihin. "My death guarantees... your death." She bit her lip. Napaawang ang labi ko. What... What's so wrong with just living? Bakit naman ganito ang nangyayari sa akin? Ganun ba ako hindi ka-deserving sa isang tahimik at mapayapang buhay? Since I was a child, I learned how to be independent. Kahit pa nandyan si Kuya Aiden ay madalas pa rin akong nag-iisa. No'ng namatay ang magulang namin ay hindi ko na maalala ang mga nangyari pero alam kong mula noon ay naging impyerno ang buhay ko. Pinalayas kami sa tinitirhan namin dahil masyado raw malaki ang bahay namin para sa dalawang bata lang. That's how our society viewed us. Just two lone children with no parents and relatives to go to. We learned how to be independent, to live off our own skills. Kahit pa may funds na iniwan sa amin, we were only given the chance to buy a house when my brother reached 10. Before that, we lived off of small apartments that costed us way more than it should have. It's weird how we have all the money we need but we can't buy a house for us. At least not when the society's still looking. When I entered the training ground, I had no friends. Kahit pa nandun si kuya ay parang hindi rin kami nagkikita. Magkalayo kami ng tinahak na daan at may sarili rin siyang grupo ng kaibigan, ang lieutenants. Kahit paminsan-minsan ay kinakausap nila ako, hindi ko masasabing naging kaibigan ko sila. Nito lang nakaraan, iniwan akong mag-isa ni kuya. After he got into a heated situation with a high official in our government, he suddenly disappeared. Pero alam kong sariling desisyon niya 'yon.  I've been with Krys for days to find him. Kahit pa umalis siya ng kusa, gusto ko siyang bumalik dito. Sa tabi ko. Gusto kong makasama muli ang pamilya ko. And if that's the prize I'm gonna get for helping Doktora Kovie, I would gladly do so. I need to protect this place. If I don't, ano pang babalikan ni kuya? Hindi ko hahayaang masira ang isang lugar na nagpapaalala sa akin ng pamilya. My mother and father helped establish this compound and my brother and I grew up on this very place. Kahit pa sobrang dami kong naranasan ditong kahirapan, hindi ko maitatangging tahanan ko pa rin ito. "Paano kita matutulungan?"  tanong ko sa kanya. Hinawakan ako bigla ni Krys sa braso. "Pasensya na Krys pero kailangan ko siyang tulung--" "Sasama 'ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ay pipigilan niya ako o ano man ngunit heto siya at nag-volunteer na sumama. Nginitian ko siya at nilingon si Doktora Kovie. "Paano kami makakatulong?" I rephrased my previous question. She nodded before explaining further. "Kailangan niyong pumunta ng universe namin. You need to find my killer, my future killer." "Pwedeng sumama?" tanong bigla ni Tobi. Napatingin ako sa kanya at nagulat nang nakitang seryoso ang mukha niya. "Hind--" "Hindi pala tanong 'yon, sasama ako," pagpuputol niya sa sinasabi ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil wala akong maisip na rason kung bakit niya gugustuhin sumama. "Ako rin, sama!" sabi pa ni Ayla. Mas lalong kumunot ang noo ko roon habang si Krys ay nakangiti lang at tumatango na para bang inasahan niya na 'yon. Kinalabit ko siya at sinenyasan ngunit nginitian niya lang ako. "Covet? Adi? Accel?" tawag ni Krys sa kanila. Tumango lang silang tatlo maliban kay Accel na tumayo pa bago tumango ng sobrang bilis. Nag-OK sign pa siya sa amin. Tinignan ko si Doktora Kovie. "Kakayanin ba kaming lahat?" tanong ko. Tumango lang siya at may pinindot sa relo niya. May nag-project biglang mapa roon. Tinignan namin 'yon at pinanood kung paano niya i-navigate ang projection. Bakas ang pagkamangha sa aming lahat dahil kahit pa alam namin ang ganitong technology ay wala kaming access dito no'n. "Kita niyo 'tong may red dot na lugar? Diyan ang daan niyo tungo sa universe ko."  "Niyo?" tanong ni Krys. Tumango si Doktora at sinabing, "Iba ang daanan ko dahil kung saan ako dumaan, do'n lang din ako makakabalik. Just like you, that will also be your return point." Tumango kaming lahat do'n. Silence grew upon all of us when she zoomed in the place. No one dared to speak. No one except the owner of that place. "Sa bahay namin?" gulat na tanong ni Adi. "Bahay niyo 'to?" tanong naman ni doktora. Tumango si Adi at kumunot ang noo. I wonder what's the reason kung bakit doon mismo sa bahay nila ang lusutan namin. "Bakit d'yan?" Tobi asked in behalf of all of us. "I don't know. The machine chooses a random place. You will be directed to my office kahit saan pa kayo pumasok so don't worry. The machine is stored in my office so no one would get astray," she explained. Tango lang kami ng tango. "I will go ahead of you. I can only communicate with Kovie if I return home. Hindi pa sigurado kung successful ang aming communication kaya't ibibigay ko na ang instructions sa inyo. Please do everything as strictly as possible. One genuine mistake could lead up to a million possibilities."  The cold breeze in my terrace carresed my skin. I've been here for half an hour, I think. Mula kaninang umalis si Doktora Kovie. Not long after she explained everything we needed to know, she went to the bathroom and disappeared. She just left a note saying "Be careful" and stressed over the second word with so much punctuations. I sighed remembering the details. Ang dami niyang bilin at mga sinabi sa amin na halos hindi ko na matandaan pero alam ko namang para lang 'yon sa kaligtasan namin. It's not a problem to me, actually. Si Krys na ang bahala sa pagtanda sa mga ganung usapan. Ngayon ang iniintindi ko ay si kuya. I'm just realizing the possible consequences of my approval earlier. Nadala ako ng mga naiisip ko na um-oo na lang ako sa isang sitwasyong hindi ko alam kung kaya ko ba talaga. The situation calls for death, if I'm going to define it. Pupunta ako sa ibang universe kung saan kailangan kong iligtas ang isang katauhan ko mula roon. May isang nagbabalak na patayin siya at maaari kaming madamay kapag namatay siya. Ang kamatayan niya ay nangangahulugang mapapasakamay ng ibang tao ang technology para makapunta sa universe namin at walang kasiguraduhan ang kaligtasan namin sa kamay ng mga ito. Also, if my other self die, I'll die too. What a great way to sum up my stupidity. Napakislot ako nang may biglang sumandal sa railings sa tabi ko. Tinignan ko si Covet na preskong nakasandal lang at nakapikit pa na para bang dinadama niya ang hangin dito. Aalis na sana ako nang na-realize kong ako ang nauna kaya't siya ang dapat na umalis. Hindi ko na lang siya tinignan at tinuunan ng pansin. Bumuntong hininga siya na ikinalingon ko. Bagot niya akong tinignan. "You know, close kami ni Aiden."  Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang malawak na paligid. Ang malamig na simoy ng hangin ay nanunuuot sa aking balat. Ang papalubog na araw ay nagbibigay ng mala-pinturang kulay sa langit. It's as if the color orange, red, pink, and violet were thrown recklessly and formed this beautiful scene. "Hindi mo ba naisip kung bakit nagpapakita lang ang buwan kapag wala na ang araw?" tanong ko sa kanya. Nagulat siya roon at napaayos ng sandal. Tinignan niya rin ang tinitignan ko. Ang buhok namin ay parehong inaalon sa malakas na hangin, maliban sa mas magulo ang akin dahil mas mahaba ito. "May mga bagay sa mundo na isa lang ang kailangan. Ang kuya ko ang araw. He shine so bright... so bright that he overshadowed me..."  I gulped as I stupidly open up to this man beside me. I'm not sure why I'm telling him this, or why I'm even talking to him in the first place. All I know is that I want to keep myself busy in order to stop myself from breaking down. "I'm the moon. Ako yung buwan na nakikita lang nila kapag wala na ang araw. And it's okay. Because we serve different purposes. His purpose is to help people see every day, help them improve their daily lives. And my purpose..." I trailed.  "Tawag kayo ni Krys," biglang singit ni Adi. Nilingon ko siya samantalang si Covet ay nanatiling nakatingin sa akin at nag-aabang yata ng susunod kong sasabihin. Tumango ako kay Adi at tinapik naman nito si Covet. Tumango rin ito at nauna nang lumabas. My purpose... I don't even know my purpose. Kahit ngayon, pinagdududahan ko nang ako ang buwan sa sitwasyon namin. Parang ulap lang 'yata ako. Just there to be a hindrance over the sun shines. O baka ako mismo ang langit. Just that plain blue background. I realized, I don't have a purpose. And I think the reason I agreed to be with Doktora Kovie, to help her, to help my universe... is because I want that recognition. I want to serve my purpose. No. I want to find my purpose. And I hope that I'm going to the right track. Pumunta na ako sa sala kung saan sila nagtipon. Nakasalubong ko pa si Adi na mukhang susunduin ulit sana ako ngunit sumabay na sa akin sa pagbalik. Hinanap ko agad si Krys na may kinakalikot sa tablet, as usual. "Tara na?" tanong ko sa kanya. Tumango siya at inayos ang bitbit na bag. Mukhang nakapaghanda na silang lahat. Lahat kami ay may dalang bag. Kanina ay nagsiuwian sila sa dorm nila para kumuha ng gamit at maghanda ng kung anu-ano. Buti ngayon ay nandito na sila. Makakaalis na kami. Nilingon ko silang lahat para masigurong ready na. Sakto na ang mga bitbit at gamit namin maliban kay Adi na walang dala. Magtatanong sana ako nang naalalang sa kanila rin naman kami pupunta kaya't hindi na yata kailangan. Tinignan ko ang mga nandito. They're all ready as if they've been preparing for this all their life. It's weird how they're so fast to decide to come with me, with us in this adventure. Kahit pa alam nila ang mga nakasalalay.  Lives. Our lives. And maybe, that's one of their purposes. As trained lieutenants, they serve their purpose to protect our place. Our home. Sa tingin ko, iyon din ang gusto kong maging silbi ko. To serve my people.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD