GABRIELLA'S POV “Hi–Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Gemie. Peke ang sing–sing na ito at— “Huwag ka nang magsinungaling sa akin, Ate dahil kahit hindi tayo laging magkasama’y nahahalata ko na may itinatago kang lihim sa amin. Mapagkakatiwalahan naman ako, kami ni Sarina kung ano man ‘yan sekreto mo. Simula’t sapul pa lang kasi ay nakapagtataka na—pauutangin ka ni Kuya Vandave ng ganoong kalaking pera. At ‘yong unang gabi niya rito. Alam namin ni Sarina na may kakaiba na sa inyong dalawa. Kaya— “Ano ba ‘yang pinag–uusapan n’yong magkapatid riyan, at ang seryoso n’yong dalawa, ha?” tanong ni inay nang lumapit ito sa amin. “Wala ho, Inay. Tungkol lang ito sa exam ni Gemie,” ngiti na saad ko at tumingin ako sa kapatid ko. “O, siya at bilhan ko saglit ang tatay n’yo ng makakain

