GABRIELLA'S POV “Hi–Hindi ka ba nagbibiro Vandave? Pero hindi pa alam ng papa mo na ang tungkol sa pamilya ko?” napalulunok na saad ko. “Kaya nga gusto ko ng magpakasal tayo sa simbahan, dahil malaman man niya ni papa, wala na siyang magagawa. Hindi naman kailangan ng approval niya dahil nasa tamang edad na tayong dalawa,” pahayag niya. “A–Ang mama mo? Hindi ba’t— “Don't’ mention her dahil wala na ‘kong balita sa kanya simula nang mag–cheat siya kay papa. Kaya ‘yong sinabi ko sa ‘yo’y gagawin natin ‘yon. And I love you kaya gusto kitang pakasalan sa simbahan,” seryosong aniya, kaya tumahimik na lang ako dahil baka kung ano pang masabi ko’y magalit na naman siya. Inayos niya ang seatbelt ko at binaybay na namin ang malapit na DFA rito sa Metro Manila. Bumaba na kaming dalawa at pum

