GABRIELLA'S POV “Alam ko ‘yon, Sir Vandave at hindi rin naman ako nag–iisip ng kahit ano sa ‘yo,” depensa ko at iniwan ko siya. Alam ko namang hanggang salita lang ang Vandave na 'yon na nababaliw na siya sa akin. At isang malaking kahibangan kung ‘yon ang iisipin ko dahil sino ba ako? At ano ba niya ako? Isang kontratang parausang asawa. Shít! Bumalik na ako sa trabaho at ibinuhos ko na lang ang oras ko rito nang marinig ko ang bulong—bulungan ng mga ibang empleyado. “Alam n’yo na ba, Guys na nahuli ni Jack si Sir Vandave at ‘yang janitress na ‘yan. May secret affair sila kaya pala– lagi na lang half day ang babaeng ‘yan dahil pabor sa boss natin. Tapos simpleng mahinhin paa dahil may itinatago rin naman pala,” naring kong sambit ni Ms. Mildred. “Huwag ka nang bago riyan

