GABRIELLA'S POV “A–Ang kamay ko, Garry dahil alam mo na mga ibang empleyado rito. Baka pag–isipan nila tayo ng masama at sabihin nila may relasyon tayong dalawa,” saad ko na agad inalis ang kamay nito. Nakita kong naikuyom ni Sir Vandave ang kamay niya at nilampasan lang niya kami. Kaya tiyak kong galit na naman siya sa akin. “I don't mind them, Gabriella. Saka since na nasesanti naman ako, puwede ba akong manligaw sa ‘yo dahil alam kong single ka at gano’n din ako kaya bagay na bagay tayo,” ngiti na wika nito. “Ha–Ha? Ma–Manliligaw ka?” Napalakas ang boses ko, kaya nagsitinginan sa amin ang ilang empleyado. “Hi–Hindi ka ba nagbibiro, Garry? Ba–Baka may magalit,” nauutal na saad ko. “Yeah, at wala naman sigurong magagalit, right? Saka liligawan kita sa bahay ninyo at ng makilala k

