GABRIELLA'S POV “Shít! Anong ginagawa ng lalaking ito rito?” bulong ko sa aking sarili. “O, nandito pala ang boss mo, Gabriella, baka sinusundo ka na naman niya dahil nag—leave ka?” tanong na sambit ni inay sa akin. “Kayo muna bahala sa kanya, Inay dahil hindi ko naman alam na pupunta ang boss kong ‘yan,” saad ko. “Baka nalaman niyang magtitinda ka ng banana cue, kaya pumunta siya rito?” wika ni inay. “Siguro ho, Inay. Mauna na ho ako sa inyo,” sambit ko. Nagmano muna ako at lumabas na ako, ngunit inunahan ako ni inay na buksan ang kawayang gate. Napansin ko naman na may pasa ang mukha niya dahilan upang kumunot ang noó ko. “Magandang umaga ho sa inyo, Auntie,” bati niya kay inay, sabay mano niya rito. At matalim siyang sumulyap sa akin. “Gano’n din sa ‘yo, Hijo. Um, pasok ka

