GABRIELLA'S POV “Tinatanong ko kayo kung sino ‘yang mag–asawa na tinutukoy ninyo, kung ‘yong kapit bahay ba natin na nagloko at ipinagpalit ang asawang babae sa mas sexy at bata,” tanong ni inay dahilan upang kabahan ako. “O, ba’t hindi kayo makasagot na dalawa? Dahil kung tungkol do'n ang pinag–uusapan ninyo’y naghiwalay na sila,” dagdag pa nila sa amin. “Um, ‘yong ano ho ang binabanggit ko, Auntie, tungkol sa a— “Tungkol sa mag–asawa sa Africa na mahilig kumain ng camel,” agaw ko kay Sir Vandave dahilan upang kumunot ang noo ni inay sa akin. “Ang layo naman pala ng sinasabi ko sa sinasabi ninyong dalawa. Akala ko naman ay ang ma–asawa sa kabila pinag–uusapan n'yo dahil gusto kong sabihin na hindi basta–bsata ang pag–aasawa na kapag isinubo mo’y mailuluwa mo pa. Kaya kayo, habang s

