Kabanata 1: Piglet
"Wincess!"
Mabilis akong napalingon sa bandang likuran ko. Napatalon ako ng biglang bumungad si Franco Valdez na best friend ng kuya ko, habang nakasakay sya sa motor nya sa hindi naman kalayuan sa waiting shed na kinatatayuan namin ni Mark na dati kong ka-klase.
"Sige Mark mauna na ko"
Saka ako nag madaling lumapit kay Franco. Napansin ko agad ang pag kunot ng noo ni Franco.
"Sino yon?"
Ayy bongga! Tsismoso lang o selos? Ikaw Franco ah?
"Classmate ko nung high school"
"Bakit kasama mo?"
"Malamang waiting shed yon eh. Kaya kasama ko sya kase nag hihintay din sya ng sundo"
"Nanliligaw ba sya sayo!?" Nagulat ako sa biglang pag taas ng tono nya
Aba! Daming tanong ah? Selos na selos? Boyfriend kita?
"Eh. Bat ba kadami mong tanong?"
"Kase kung nanliligaw nga sya sayo patay sya samin nang kuya mo"
"You talk too much! Bakit ba kase ikaw yung sumundo sakin!? Nasan yung kuya ko?"
"Nasa restobar silang apat nila Kevin"
"May usapan kami na sya yung susundo sakin! Bakit ikaw ang andito?"
"Kareklamo mo naman! Sumakay ka na lang kaya"
Wala na kong nagawa kaya sumakay na lang ako sa motorcycle ni Franco, may tiwala naman kase ko sakanya kahit may pagka-mayabang sya katulad ng kuya ko. Grades school pa lang kase kaibigan na sya nang kuya ko kaya nga madalas naiinis na talaga ko kase parang kuya na din syang umasta sakin. So annoying!
Gwapo at matangkad si Franco, maganda din ang panga-ngatawan at pormahan sya kaya madami din talaga ang mga nag kaka-crush sakanya. Honestly, naging crush ko na sya noon bago pa sya nag paka-kuya sakin.
Ilan saglit pa ay nakarating na kami sa restobar na madalas nilang tambayan. Ako ang nauna sa pag pasok habang nakasunod naman si Franco sakin. Pag pasok pa lang ng bar ay bumungad na agad sakin si kuya William na umiinom ng beer, kasama nya si Kevin, Rex at Andrei na madalas nilang ka-team sa basketball at kasama din nila sa dance group. Mabilis akong nag beso sakanya.
"Kuya, akala ko ba ikaw susundo sakin? Sabi mo sasamahan mo ko sa-"
"Sorry na. Bawi na lang ako bukas okay?" Sagot ng pinaka sweet, strict and protective kong kuya kase nga nag iisang kapatid ko lang naman sya.
Super close kaming dalawa sabi nga ng iba para daw kaming hindi mag kuya para daw kaming mag jowa pag mag kasama kami. Si kuya na kase yung parang naging nanay at tatay ko, kami lang kase yung laging mag kasama sa bahay maliban kay manang Precy na kasambahay namin. Halos hindi na kase namin naka-kasama si mommy na isang doctor at isa sa mga board member ng hospital na pinag tatrabahuhan nya, si daddy naman may ibang pamilya na sa Singapore kaya ilan taon na din namin syang hindi nakakasama.
Pinag masdan ko agad ang seryosong mukha ni kuya, mukhang ang lalim ng iniisip nya habang nakasandal sya sa upuan at pinag mamasdan ang bote ng beer. Naupo ako sa tabi nya at pumihit ng tingin sakanya.
"Pero kuya-"
Napa-hinto na naman ang pag re-reklamo ko ng biglang may kung ano akong napansin sa mukha nya. Kaya mariin ko yon pinag masdan. Teka! Ano tong nasa mukha nya? Pasa ba to? San na naman kaya nya nakuha yon? Tumaas agad ang isang kilay ko at nag halukipkip sa harapan nya.
"Ano na naman yang nasa mukha mo?"
Nag iwas agad sya ng tingin sakin. Guilty! "Wala to- kumain ka na ba?" pag iiba pa nya sa usapan
Napailing na lang ako sa kawalan "Anong wala? Nag away na naman ba kayo ng number one enemy mo?"
"Hindi sya"
"Kundi sya eh. Sino?"
"May naka away lang yang kuya mo sa court" Sabat naman ni John Kevin Cuevas sa usapan, isa din sa mga barkada ni Kuya
"Babae na naman yung dahilan!?"
Pang huhula ko pa. Sigurado naman kase ko na yun na naman ang dahilan. Yun naman kase ang madalas na dahilan pag nasasangkot si kuya sa mga away, BABAE. Lintik na mga babae yan!
"Babaero ba talaga tingin mo sakin?"
"Oo!"
"Ouch!" Pag iinarte pa nito na humawak pa sa kanyang dibdib na kunwareng nasasaktan "Hindi ako ganon no. Talagang type ko lang si Magee at hindi naman ako naniniwala na boyfriend nya yung Zero na yon! Tsss. That jerk!"
Zero? Sino naman kaya yon? Tsss...
"If I know naman na kaya mo nga naging number one enemy si Prixon Isaac Evans, eh. dahil sa mga babae nyo!"
Sino si 'Prixon Isaac Evans?'. Well sya lang naman talaga ang masasabi kong number one enemy ng kuya ko. Fourth year high school pa lang kase si kuya William nung nag karoon sila nang alitan ni Prixon na 3rd year high school naman noon katulad ko. Sya ang ultimate enemy ng kuya ko sa maraming bagay, tulad sa basketball, sa dance contest at dahil sa mga babae. Kaya nga sobrang galit sakanya si kuya pero ang mas lalong nag papainit pa sa ulo ni kuya ngayon ay nang malaman nya na nag enroll si Prixon ngayon sa University na pinag-enrollan din namin sa kursong engineering na katulad din ng course ni kuya. Kaya mas lumiit pa ngayon ang mundo nilang dalawa. Kaya sigurado din ako mas madami na namang magiging kwento si kuya tungkol sakanya. Kaya nga sobrang kilala ko na yung Prixon na yon dahil lang sa mga kwento ni kuya kahit never ko pa talaga syang nakita, ni hindi ko pa alam ang totoong itsura nya basta ang alam ko lang panget sya, kase yun naman yung laging sinasabi ni kuya sakin pero ngayon na nasa iisang University na lang kami ni Prixon siguro naman makikita at malalaman ko na ang itsura ng lalaking 4 years ng paulit-ulit na pinapatay ni kuya sa isip nya.
"Don't ever mention his f*cking name! Kumukulo lang lalo ang dugo ko sa siraulong yon"
"Parehas lang naman kayong siraulo" Trashtalker din talaga minsan itong si Franco
"F*ck you, dude! Kahit kelan hindi kami naging mag ka-tulad ng g*gong yon!" Galit na talagang sabi ng kapatid ko. Lagi syang ganyan basta pag tungkol kay Prixon ang usapan
"Tangna. Pano ba yan bro, ang balita ko pala may nakakita kanina sa lokong yon huh? nag enroll daw sa Engineering? Tsss. So pano yan, may kahati na naman kayo ni Franco sa mga babae don. Hahaha" pang aasar pa ni Rex. Siraulo din ang isang to!
"Shut the f*ck up! Imposible yan! His nothing compared us! Wala nga syang kadating-dating. Saka freshmen pa lang sya wala syang laban satin na sophomore na" Yabang talaga ng kuya ko. Tsk!
"Yeah, right" agad na pag sang-ayon pa ni Franco na isa din sa mga heartthrob ng engineering
"Deally? But he dated your damn f*cking ex. Riza, Angela and now Monica" sabat ni Andrei
"What!? Pati si Monica? Sh*t! Namumuro na talaga yung hayop na yon! Pero okay lang! Mukang sa tira-tira lang naman din sya mahilig eh." Humalakhak pa ng malakas si kuya. Baliw na talaga sya
"Right, dude!" sabay-sabay na pag sang-ayon pa ng apat na mukong na'to
Napailing na lang talaga ko "Tumigil na nga kayo! Para kayong batang nakikipag kompitensya. It's nonsense you know?"
Rinding-rindi na kase ko sa pag yayabang nila. Pare-perehas lang naman kase silang mayayabang, eh. Mga bwesit!
"Kumain ka na lang" si Kuya
Halos mag laway ako sa isang masarap na pork sisig at buttered chicken na in-order ni kuya para sakin. Napaka sweet talaga ng kuya ko, kahit minsan nakakainis sya alam kong loves na loves nya ko.
"Teka! Hindi ba kayo kakain?"
"Okay na kami dito"
Sabay angat pa ni kuya sa beer na hawak nya. Ganito kase talaga sila pag mag kakasama hindi pwdeng walang alak, kahit tanghaling tapat lalo na pag ganitong may isang badtrip sakanila. Hays! Kilalang-kilala ko na talaga ang mga to.
"Tanghaling tapat puro kayo alak!"
"Kumain ka na nga lang!"
"Fine!"
Nag madali pa kong kumain, sobrang gutom na kase ko sa pag hihintay kay kuya kanina, tapos itsura pa lang ng pork sisig na to masarap na.
"Ang lakas mo talagang kumain" humalakhak pa ang lokong si Kevin
"Kanina pa kase ko na gugutom eh!" sagot ko naman sakanya habang puno pa nang kanin ang bibig ko
"Wag ka ngang nag sasalita nang puno yang bibig mo baka mabulunan ka pa saka bagalan mo lang yung pag kain mo wala naman humahabol sayo" suway naman sakin ni kuya
"Eh. Pano kausap kayo nang kausap sakin"
"Kahit na. Putok na yang bibig mo sa dami nang laman"
"Ang cute nga, eh"
Laglag ang panga naming lahat sa biglang sinabi ni Franco kaya na patigil pa kaming lahat at na pabaling ng tingin sa seryoso nyang mukha.
Omg! Tama ba yung narinig ko? Sh*t! Umiinit tuloy ang pisngi ko gosh!
"What did you just say?" si Kuya
Napansin ko pa ang bahagyang pag pula ng pisngi ni Franco. Napakagat pa sya sa labi nya bago sya humalakhak ng malakas.
"Ah. I....mean ang cute ka-kase para syang piglet!"
Nag tawanan naman silang lahat sa sinabing yon ni Franco, habang ako naman ay halos umusok ang ilong dahil sa sinabi nyang yon. What the! Anong sabi nya? Isang piglet!? Sa sexy kong to pano ko mag mumukang piglet?
Padabog akong napatayo sa kinauupuan ko habang puno pa din ng pag kain ang bibig ko. Naagaw ko naman agad ang atensyon nilang lahat. Agad din napawi ang tawanan nila. Tumaas agad ang isang kilay ko
"Anong sabi mo? Pig-" naputol bigla ang pag sasalita ko nang bigla na lang akong masamid sh*t! "tu...big...tu...big" uubo-ubo na sabi ko pa sakanila
"Wincess? Tubig-tubig!" natatarantang sabi naman ni kuya
"Eto tubig!" ani Franco habang nag sasalin sya nang tubig sa baso
Hindi pa man naiaabot ni Franco ang tubig sakin ay mabilis kong inagaw ang beer na hawak naman ni Rex saka ko ito ininom.
"Haaaaaah! Mabuti na lang at buhay pa ko" hinihingal na sabi ko pa sakanila
"Bakit mo ininom yung beer?" si Rex
Napangiwi ako "Beer ba yung nainom ko?"
"Oo" kalmado nyang sabi
"Damn it! Bakit nyo pina-inom ng beer yung kapatid ko?" sigaw ng kuya ko sakanya
"Eh. Kasalanan ni Franco yun!"
"F*ck you! Wag mong isisi sakin no!" tumaas ang isang kilay ni Franco
"Ikaw naman talaga!" inirapan ko nga
"Bakit ako?"
"Ikaw kase may kasalanan kung bakit ako nasamid tapos ang bagal mo pa mag abot nang tubig"
"Bakit kase hindi ka nag hihinay-hinay sa pag kain mo!?"
"Ewan ko sayo!"
"Oh. Tama na yan" suway naman ni kuya William samin
Nag aya na kong umuwi medyo badtrip na eh. Kakainis tong Franco na 'to. Kaya nga gusto ko nang umuwi para malayo na ko sakanila tapos eto na naman sya gusto na naman tumambay sa bahay! Hindi ko din talaga malaman kung bakit gustong-gusto nyang tuma-tambay sa bahay eh. Nganga lang din naman sila ni kuya pag andun sila. Bwesit!
~
Hi Readers! ?
Thank you for reading. Enjoy! ❤️