Kabanata 24: I'm sorry

2226 Words
-Prixon’s POV- Hanggang ngayon talaga hindi pa din mawala sa isip ko yung naging pag uusap namin ni Wincess. Ang hitsura nya, ang pag-iyak nya at lahat ng mga sinabi nya ng mga oras na yon, lahat yon nakatatak pa din sa isip ko, hanggang ngayon. Mas ramdam ko pa ang pag kirot ng dibdib ko sa tuwing maaala ang lahat ng yon kesa dito sa kamay ko na namamaga parin dahil sa ginawa kong pag suntok sa pader. Damn! Bakit nagi-guilty ako!? Bakit pakiramdam ko kasalanan kong lahat nang ‘to. Nahihirapan sya ngayon dahil sakin. Ako ang sumira sa pag-aaral nya, sa pangarap nya at dahil sakin nawala pati virginity nya. Sigurado ko na sobrang umiiyak pa din sya hanggang ngayon. Ginulo ko ang buhok ko bago nag isip ng malalim. Ano ng gagawin ko? Pag nalaman ni Lauriz ang lahat ng ‘to. Posibleng mawala ulit sya sakin. Hindi ko kayang mawala ulit sya sakin, pero pano ang bata? Hindi ko naman din kayang pabayaan ang magiging anak ko, ayokong maranasan nya ang walang ama tulad ng naranasan ko... at nila Wincess. Tang*na naman kase oh! Bakit sakin pa ‘to nanyayare!? Bakit ko ba kase yon nagawa!? Kelangan ko nang mag desisyon ngayon. -Wincess’s POV- Lumuwa ang mata ko kinabukasan ng isang text ang matanggap ko galing sa unknown number. Unknown number: Let's meet. 9 am at rooftop. - Prixon Walangya! At san naman kaya nya nakuha yung number ko? At bakit gusto nyang mag kita kami? At bakit ko kelangang mag punta don? Leche naman talaga! Kelangan ba talagang mag punta ko? Para ano pa? Para masagot ang madaming tanong sa isip ko? Grrr! Napairap na naman ako sa kawalan. Okay fine! 9:30 ng mag desisyon akong mag punta ng rooftop. Sinadya ko talagang malate para mag hintay sya at para hindi nya isipin na excited ako. Duh! Kase hindi naman talaga. Nag simula ng kumalabog ng malakas ang dibdib ko, habang papalapit na ko sa rooftop. Pag katapos kase nung pag uusap namin kahapon parang wala na kong lakas ng loob ngayon na harapin pa sya. “Akala ko hindi ka na pupunta” agad na bungad nya sakin pag dating ko, seryoso ang mukha nya, habang nakasandal sya sa pader at naka pamulsa ang dalawang kamay nya Nag cross arms ako at umirap sa kawalan “B-bakit mo ba ko pinapunta dito?” pag tataray ko Lumunok muna sya bago mag salita “Gusto ko lang sanang pag usapan natin ang- Uhmmm... Ang tungkol sa bata” Natigilan akong bigla. Onti-onting umawang ang bibig ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig ngayon. Anong sinasabi nya? Bakit kelangan namin pag usapan ang tungkol sa bata!? Gago talaga sya! Diba kahapon lang pinag dudahan pa nya kung sya nga ba ang ama ng bata? Ang kapal talaga ng mukha nya. “Wala na tayong dapat pag usapan!” “Meron. I'm sorry sa mga nasabi ko kahapon sayo. I'm sorry dahil sakin nawala ang lahat sayo. Ang pangarap, kalayaan at yung sarili mo. I'm sorry kung pinag isipan kita ng masama, I'm sorry Wincess” senseryo nyang sabi Parang biglang may humaplos sa puso ko. Ang hapdi at ang kirot sa dibdib ng mga sorry nya. Pinipiga ang puso ko sa bawat ‘sorry’ nya. “B-bakit mo ba sinasabi sakin lahat yan?” Naguguluhan kong tanong. Bigla na lang kase nag bago ihip ng hangin Hindi agad sya kumibo sa tanong ko. Dahan-dahan syang lumapit sakin. Kinabahan ako ng bigla na lang nyang hawakan ang mag kabilang balikat ko. F*ck! “Gusto ko lang sabihin na... N-na sana hayaan mo kong panindigan ko ang mga nanyare satin, hayaan mong maging ama ako sa magiging anak natin” Napatunganga ako saglit at sinubukan iproseso sa utak ko ang mga sinabi nya. Gusto nyang maging ama sa anak ko? Paninindigan nya ang nanyare Hindi ko talaga in-expect na sasabihin nya ang lahat ng yon. Halos manginig ang buong katawan ko. Pakiramdam ko tuloy tuyo ang lalamunan ko, wala na kaseng boses ang gustong kumawala mula rito. Tinitigan nya ko na para bang nag hihintay talaga sya ng sagot pero wala akong naisagot sakanya. Tumingin lang ako sa kawalan. “Please Wincess. Wag nating hayaang matulad satin ang magiging anak natin, wag nating hayaang lumaki sya na wala ang papa nya” May kung anong pumiga sa puso ko dahil sa mga sinabi nya. Pakiramdam ko binalot ng mga katagang yon ang buong sistema ko. Namuo agad ang mga luha ko sa mata ko. Tama sya. Ayoko din maranasan ng anak ko yon pero sa ngayon kase hindi ko pa din talaga alam ang dapat gawin. Kalaunan ay hindi ko na napigilan ang pag kawala ng mga luha ko. “P-pero diba may girlfriend ka?” “Oo. P-pero.... Mas importante sakin ang anak ko, kaya sya ang pinipili ko” Lalong bumuhos ang luha ko sa sinabi nyang yon “A-anong ibig mong sabihin?” “Bigyan mo lang ako ng isang linggo para kausapin sya” “P-pero pano si kuya William? Pano pag nalaman nya? Mapapatay ka nya, alam mo ba yon?” “Alam ko yon, at handa akong humarap sakanya, sabay natin syang kakausapin” “Pero-” Nag sintindigan ang mga balahibo ko ng lumipat sa mukha ko ang malambot nyang palad. Humahaplos ito, habang mariin pinunasan ang mga luha saking pisngi. Seryoso nya kong tinignan ng mag tagpo ang mga mata namin dalawa. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. May parang maliliit din na kuryente akong nararamdaman sa tuwing mag didikit ang mga balat naming dalawa. May biglang mga insektong nag liliparan sa loob ng tyan ko. Mga insekto ba to o baka naman ang baby ko na ang nag diriwang dito sa loob ng tyan ko? Ang weird! Normal pa ba tong mga nararamdaman ko? “Listen to me Wincess. Hindi ko hahayaan na harapan mo lahat ng ‘to mag-isa. Problema natin ‘tong dalawa kaya kasama mo kong aayos nito. Magiging okay din ang lahat okay? Trust me.” Napakurap-kurap ako at awtomatikong napatango na lang sakanya, habang patuloy pa din ang pag bagsak ng mga luha ko. Niyakap nya ko, isang napaka higpit na yakap. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Para akong hinahabol ng sampung kabayo dahil sa bilis nito. Wala na kong ibang marinig kundi ang pag kabog nito. Aaminin ko dahil sa yakap na yon at dahil sa mga sinabing yon ni Prixon mas gumaan na ngayon ang pakiramdam ko, mas nag less ang takot at worries ko. Tama sya, dapat talaga kong mag tiwala sakanya, yun lang talaga ang pwde kong gawin sa ngayon. Tatlong araw ang nakalipas, nasa klase ako ng isang text na naman ang nariceive ko galing sakanya. Prixon: Let's meet at rooftop Tumaas ang kilay ko. Lumingon ako sa buong klase saka ko palihim na tinago ang cellphone sa ilalim ng arm chair ko. Bakit na naman nya ko pinapapunta don? Balak ba nyang bawiin ang mga sinabi nya sakin. Ako: My class is on-going. Mabilis syang nag reply. Prixon: After your class? Ako: Bakit? Ano bang kelangan mo? Prixon: Umiikot na naman siguro ngayon yang mata mo. Let's have lunch? Iiling-iling ako at pinigilan ang pag ngisi. Mang huhula ba sya? Ako: No! Prixon: Please? “Pilitin mo muna ko!" Bulong ko sa kawalan Ako: Ayoko nga! Kulit! Prixon: Basta lunch tayo Ako: Kahit mag pumilit ka. Ayoko pa din! Prixon: Let's see. Ako: Tse. Wag ka ng umasa na mababago mo desisyon ko! Hindi agad sya nag reply. Nakailang sulyap pa ko sa cellphone ko bago sya mag reply. Prixon: I'm already here. Outside your classroom What? Agad akong nag palinga-linga sa labas ng classroom namin. Namilog ang mga mata ko ng makita nga sya na naroon nga sa labas ng classroom namin. Seryoso syang nakatingin sakin, habang naka pamulsa pa ang dalawang kamay nya. Tumaas bigla ang isang kilay ko. Umiwas ako ng tingin sakanya. Seriously? Kinuha ko ang cellphone ko saka ko sya mabilis na nireplyan. Ako: Anong ginagawa mo dyan? Mabilis syang nag reply. Prixon: Hinihintay ka diba? Ako: No! Hindi ka pwdeng dyan. Ano na lang iisipin nila Janelle!? Prixon: So, san pala ko dapat mag hintay? Napabuntong hininga na lang ako. Kainis! Ano ba talagang gusto nya? Bwesit! Bwesit talaga! Prixon: Hintayin kita dito hanggang matapos ang klase nyo. Ako: Fine! Just wait me at the rooftop. Prixon: Okay then. See you. Pag kabasa ko ng reply nya na yon, nilingon ko ulit sya sa labas. Likod na lang nya ang naabutan ko. Napabuntong hininga ulit ako. Mabuti na lang at mukhang nakinig naman sya sakin. Tapos na ang klase namin. Nag mamadali kong tinakasan sila Kath para puntahan si Prixon sa rooftop. Bumagal bigla ang pag lalakad ko, medyo nangatog kase ang tuhod ko. Tinanggalan yata ng tornilyo para bumigay at manlambot ako dito. Ilang hakbang na lang nasa rooftop na ko. Damn! Nang makarating na ko ng rooftop naabutan ko si Prixon doon, nakasandal sya sa pader naka pamulsa ang isang kamay nya at nakatingin sa kawalan. Pinagmasdan ko sya, ngayon lang kase ako mag kakaroon ng chance na matitigan sya. Ang hirap talaga itanggi ang kakisigan ng lokong to' kahit nakakainis sya hindi ko iyon magawang itanggi. Lalo ngayon na nasisinagan pa ng araw ang brown nyang buhok at ang brown nyang mata. Kitang-kita din sa side view ang pointed nyang ilong at ang perpekto nyang panga. Halos mapatalon ako ng bigla nya akong lingunin kaya mabilis akong tumingin sa kawalan para mag kunyare na hindi ko sya tinitignan. “Buti naman andito ka na” malumanay ang tono nya Nilingon ko agad sya. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang mapungay nyang mga mata na nakatingin sakin. Teka! Ano ba talagang problema nya? Dahan-dahan syang lumapit sakin at... Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Tugdug! Nagulat ako ng bigla nyang hilahin ang kaliwang kamay ko palapit sakanya saka nya ko mahigpit na niyakap. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Hindi ako makagalaw, halos maningas ang buong katawan ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa sobrang lakas parang gusto ng kumawala ng puso ko sa loob. Ano bang ginagawa nya... “P-Prixon?” “We broke up!” Walang kabuhay-buhay nyang usal Bago pa nag sink-in sa utak ko ang mga sinabi nya ay naramdaman ko na ang karayom na biglang tumusok sa dibdib ko. Lalo na ng narinig ko ang mahinang pag hikbi nya. Parang may parte sa puso ko ngayon ang biglang gumuho. Mabilis ng gilid ang luha ko. Dahil siguro sa awa at guilty na din. Imbis tuloy na mainis ako at bulyawan sya ay eto ako at niyakap pa sya. Baka sakaling mabawasan ang sobrang sakit na nararamdaman nya ngayon. Pumungay ang mata ko kasabay ng pag tulo ng luha ko na kanina pa nang gigilid. Umiiyak din sya ngayon dahil sobrang mahal nya ang girlfriend nya, pero kelangan nyang isakripisyo ang relasyon nila para lang mapanindigan ang nanyare samin. Ako pa yata tong kontrabida sa lovestory nila. “It seems that you really love her” bulong ko sakanya Kumawala sya sa pag yakap sakin, para harapin ako. Pilit kong nilabanan ang bawat titig nya. Hinawakan nya ang mag kabilang balikat ko. Wala ng kasing seryoso ang ekspresyon nya ngayon. Ang sakit makita na ganito sya. Hindi ako sanay. “But I love my child the most” Parang nalulusaw ang puso ko sa sinabi nyang yon parang gusto kong humagulgol ngayon ng iyak pero hindi ko magawa, gusto kong humarap sakanya ng maayos. Damang-dama ko ang senseridad sakanya. Si Prixon ba talaga ‘tong kaharap ko? Never kong naisip na may ganito pala syang side, isang boyfriend na iiyakan ang girlfriend nya at isang ama na sobra kung mag mahal sa anak nya. Dahil sa kagustuhan nyang panindigan ang nanyare samin pati tuloy ang sariling kaligayahan nya kelangan pa nyang isantabi. Kinagat ko ang labi ko at tumungo. Tutulo na kase talaga ang luha ko. “I'm sorry” naiusal ko “Para saan?” Nag buntong hininga muna ako bago ako nag patuloy sa pag sasalita “D-dahil sa kelangan mo pa kong p-panindigan, pati tuloy yung sariling kaligayahan mo nawala” pumiyok ang boses ko Sinapo nya ng kamay nya ang chin ko saka nya ito dahan-dahang iniangat, hanggang sa mag tagpo muli ang mga mata naming dalawa. Nag sayaw ang mga mata ko. Mula sa kanan mata nya patungo sa kaliwa at pabalik sa kanan. Ni hindi ko magawang tignan sya ng deretso sa mga mata nya para akong mahihimatay pag ginawa ko yon. Ang awkward! Ano ba talaga tong nararamdaman ko? Umayos ka nga Wincess! “Wag mong sisihin ang sarili mo. Iba na ngayon. Ang mahalaga ay ang maalagaan ko kayo ng anak ko, yun na ang mag papasaya sakin ngayon” hilaw ang naging ngisi nya Mariin ko syang tinitignan at inisip mabuti kung saan ba nya napulot ang kadramahan nyang yon. Halata naman kase na hindi talaga iyon ang mag papasaya sakanya. Ang hirap talaga paniwalaan na sa lahat ng tao, kami pa talaga ni Prixon Isaac Evans ang mapupunta sa ganitong sitwasyon. ~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD