“Pwde ko bang mahiram saglit ang asawa ko?” Napatalon ako ng marinig ang boses na yon mula sa likuran ko. Kasama ko kase ngayon dito sa student’s center ang mga ka-group ko sa ‘Polsci’. Dalawang babae sila at isang binabae. Hinihintay namin ang leader namin na kausap pa ng professor namin sa faculty office. Pumihit agad ako para lingunin sya. Tumindig ang balahibo ko sa ganda ng ngiti nya sakin. Mabilis akong tumayo at hinawakan ang braso nya para sana hilahin sya palayo sa table kung saan kami nakapweste kaso hindi naman sya natinag sa ginawa ko. “Anong ginagawa mo dito?” mahinang usal ko. As if naman hindi naririnig ng mga kasama ko Pasimple kong sinulyapan ang groupmates ko na ngayon ay iba na ang titig samin. Nakita ko din ang pag kinang ng mga mata nila ng ngumisi si Prixon sakanil

