Kakaibang stress talaga ang dinulot sakin nung pag kikita namin ni Prixon. Halos gabi-gabi akong puyat dahil sa kakaisip kung ano kaya talagang nanyare sakanila nung babaeng yon at kung kelan ko kaya ulit sya makikita. Yun na din kase ang huling kita ko sakanya, kaya ngayon na nakapag enroll na ulit sya dito sa University namin at ngayon na first day na namin sa third year college umaasa ako na makikita ko ulit sya. "Sino bang hinahanap mo?" Tanong ni Leni sakin isang araw ng mapansin nyang panay ang pag linga ko habang andito kami sa cafeteria. "Ha? S-si Kath- asan na ba kase sya?" I lied "Bukas pa yata sya papasok" sagot naman ni Janelle "A-ah. Ganon ba? E-eh. Yung... b-boyfriend mo nasan? Hindi ka yata nya pinuntahan dito?" pag usisa ko pa sakanya Gusto ko lang kaseng malaman kung

