-Prixon's POV-
Two weeks na ang nakalipas simula nung hindi na ulit ako nag pakita kay Wincess. Ito naman talaga ang gusto nya, kaya bakit ko pa pag pipilitan, diba? Buti na lang at sem break din namin ngayon kaya mas maiiwasan ko sya. Siguro ngayon sobrang saya na nya? KAINIS!
*Ding-dong*
Isang doorbell ang agad umagaw sa atensyon ko, habang nakaupo akong mag isa sa salas. Wala yung katulong namin ngayon nasa bakasyon kaya ako at ang dalawamg nakababatang kapatid ko lang ang tao dito sa bahay. Natutulog sa kwarto nya si Dixon na 9 years old na ngayon at nag lalaro naman ng barbie dito sa sala si Mauie na 5 years na na ngayon. Napailing na lang ako sobrang tinatamad ako pero walang ibang mag bubukas ng gate kundi ako.
Kainis! Tanghaling tapat sino ba kase yung nag doorbell? Padabog ko lang binuksan ang itim na gate namin.
“Surprise!”
Napatunganga ako. Agad bumungad sakin ang maganda, maputi, makitis, may magandang labi at matangos na ilong, may maiksing buhok na hanggang balikat lang. Isang napaka gandang babae. Kumislap agad ang mga mata ko. Halos manginig ang buong katawan ko, habang pinag mamasdan sya.
"Lauriz?"
"I'm back!"
Kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin sya. Hindi ako makapaniwala na andito sya ngayon. Parang gusto kong kurutin ang sarili ko para makasigurado na hindi lang ito pananginip pero na pag tanto ko na hindi talaga to panaginip ng yakapin na din nya ko.
"Missed me?" bulong nya
Napangisi ako. Isang napaka laking ngisi "I do"
Totoo nga! Kayakap ko ngayon ang babaeng matagal ko ng hinihintay! Kumawala ako sa pag kakayakap ko sakanya para harapin sya. Hinawakan ko ang mag kabilang balikat nya.
“Totoo ba talaga to?” hindi pa din ako makapaniwala
“Oo. Andito na ulit ako”
Ngumisi ako ng abot tenga "Sobrang saya ko at andito ka na ulit. Sobrang tagal kitang hinintay"
"Sorry for making you wait so long. But I'm here now" medyo namuo pa ang luha nya sa mga mata
"H-hindi ka na ba babalik ng Singapore?"
"I guess hindi na. Nag ka-problema kase yung business namin don, so we're decided to go back here for good"
Isang kakaibang saya ang naramdaman ko dahil sa sinabi nya. Niyakap ko ulit sya ng sobrang higpit. Sobrang miss na miss ko na sya.
Kinabukasan, dahil start na ng enrollment, mag kasama kaming nag enroll ni Lauriz sa University din na pinapasukan ko. BS Tourism ang course na tinake nya, bagay na bagay sa height nyang 5'5 at sa katawan nyang slim. Natapos na kaming mag enroll. Tinawagan ko kaagad si Paolo para isama sya sa home coming celebration ni Lauriz.
"Pao!" nakangiting bungad ni Lauriz na bineso pa si Paolo
"Long time no see" ani Paolo ng makaupo na kami
"Oo nga eh! I'm glad na malaman na mag kaibigan pa din kayo ngayon!"
"Wala naman nag bago. Kahit naman sila Calvin kaibigan pa din namin ngayon, kaso nga lang syempre medyo busy sila. Saka mag kakaibang university na kase kami ngayon” medyo nalungkot ang boses ko kaya agad ko yon binawi “Basta ang importante andito kami ni Paolo para sayo"
"Wow! na touch naman ako don babe"
"Babe? So, kayo ulit?" nag tatakang tanong pa ni Paolo
"Of course! Bumalik ako para sakanya at hinintay nya ko. Kaya anong dahilan para hindi maging kami ulit?"
"A-ah! W-wala! Wala naman. Masaya lang ako para sainyo, hindi ko kase naisip na babalik ka pa talaga. Uhmmm. I mean, alam mo kase yang si Prixon lagi nya sinasabi na babalik ka kahit minsan hindi na ko naniniwala" hilaw ang ngisi nya
"But I'm here now"
"Yes, you are" Sabi ko pa sakanya saka ko sya binigyan ng isang malagkit na tingin
Mariin kong pinasadahan ng tingin si Paolo na ngayon ay nakatingin sa kawalan. Alam na alam ko ang meaning ng hilaw nyang ngisi kanina. Sigurado ko na iniisip nya si Wincess, ang alam nga naman kase nya na nililigawan ko si Wincess.
Nag paalam muna ko sakanila para mag c.r. Sumama din sakin si Paolo, sigurado na hindi na nya matiis ang kanina pa bumabagabag sakanya.
"Totoo ba talaga to?" Bulong ni Paolo
"What do you mean?"
"Kayo na talaga ulit ni Lauriz?"
Napangisi akong bigla sa tanong nyang yon "Ano naman nakakagulat don? Alam mo kung gano ko katagal hinintay si Lauriz, diba?"
"S-so, pano na si... Si Wincess?"
Napatigil akong bigla sa tanong yon ni Paolo. Bakit ba kelangan pa nyang banggitin yung pangalan ng babaeng yon?
"Wala!" tamad na sagot ko
Kumunot ang noo nya "Wala? Anong wala?"
"Tinigilan ko na sya"
"Dahil kay Lauriz?"
"Oo, at dahil sinabi nyang tigilan ko na sya"
"S-sinabi nya yon?"
"Teka nga! Bakit ba kase kelangan pa natin syang pag usapan? She's means nothing to me"
Yes! She's actually means nothing to me. Okay na ko ngayon kase andito na ulit si Lauriz. Sya lang naman talaga ang mag papasaya sakin. SYA LANG!
"So, balak mo lang sana sya gamitin para makaganti sa kuya nya?"
Ewan! "Oo. Wala ng ibang dahilan"
Sabay kaming pumasok ni Lauriz ng school ng mag simula na ang second sem. Sobrang excited ako kase ito ang first day na makakasama ko ulit sya sa isang university.
-Wincess's POV-
Katatapos lang iparada ni kuya ang motor nya. Sabay kami ngayon nag lalakad palabas ng parking lot. Medyo wala ako sa mood ngayon parang bitin ang sem break! Nakayuko lang ako, habang nag lalakad.
“Tssss. Ang aga, ha!?
Nag angat ako ng tingin at nilingon si kuya na nasa tabi ko, diretso ang tingin nya sa daan, habang naka evil smile. Pumihit ako para sundan ang tingin nya. Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko si Prixon na may kasamang babae. Hindi yung Monica ang babaeng kasama nya. Ibang babae, isang magandang babae na nakakapit pa sa braso nya. Kumulo agad ang dugo ko. Ibang babae na naman? Napaka babaero talaga!
"Aba! Bagong chix na naman ang kasama ng gago!" Sabi ni kuya ng makaharap na namin sila Prixon.
Matapang na tingin lang ang sinagot ni Prixon.
Humalakhak si kuya "Bagong lolokohin na naman?"
Parang ako yung nahiya sa sinabing yon ni kuya kay Prixon. Kumunot ang noo ko, habang nakatingin ako sa kay kuya. Si kuya talaga! Ako nahihiya sa ginagawa nya. Sa gilid ng mata ko napansin ko ang bahagyang pagtingin ni Prixon sakin kaya mas uminit pa ang pisngi ko, sigurado ko na sobrang pula ko na ngayon.
"Wala ka na naman magawa sa buhay mo, no? Kaya namimiss mo na naman ako?" nag evil smile na din si Prixon
Ngumisi din si kuya sakanya "Are you nuts? Bakit naman kita ma-mimiss? Mas masaya nga sana kung wala ka na lang dito"
Tumindig ang lahat ng balahibo ko. Baka mag away na naman sila. Mabilis akong napahawak sa braso ni kuya.
"Kuya!" medyo basag pa ang boses ko
"Babe? Who they are?"
"Wala babe! Sila lang yung mga taong insecure sakin"
"Anong sabi mo!?" galit na ang tono ni kuya
Nawala agad ako sa ulirat ng biglang lumapit si kuya kay Prixon at mabilis nya itong kinkwelyuhan. Mabilis din naman hinawakan ni Prixon ang kamay ni kuya. Napatunganga lang ako. Hindi pa agad nag proseso sakin ang mga nanyayare. Halatang nagulat din ang girlfriend ni Prixon sa nasaksihan nya, bahagya pa kase itong napatili at halos hindi na sya makagalaw sa kinatatayuan nya, habang nakatitig lang sa dalawa. Pinilit kong lumapit sakanila kahit sobrang nangangatog na ang tuhod ko.
"Tama na yan! K-kuya! Tara na please? W-wag mo ng sayangin ang oras mo sa taong yan!" basag ang boses ko
Napatingin ako sa madilim na mukha ni Prixon. Kumabog agad ang dibdib ko. Tinanggal ni Prixon ang pag kakahawak nya kay kuya kaya bumitaw na din si kuya sakanya.
"Pasalamat ka at andito ang kapatid ko!" pag yayabang pa ni kuya "Tara na Wincess" nag simula na kami sa pag martsa
Hindi ko na nagawang tignan ang madilim na mukha nya agad na akong sumunod kay kuya. Kinagat ko ang aking labi sa kalagitnaan ng pag lalakad ko. Dahil ba yon sa nasabi ko? Hindi kase mawala sa isip ko ang pag dilim ng mukha nya. Eh, Ano naman ngayon? Mabuti nga kung tinamaan sya. Napaka kapal ng mukha nya. Pag katapos nya kong kulit-kulitin makikita ko ngayon na may kasama syang iba? WHAT THE F*CK!
"Ayos ka lang?"
Nagising ako sa sariling ulirat dahil sa tanong ni kuya. Napansin ba nya ang inis na mukha ko?
"Ha? Oo naman"
"May 1 hour pa tayo, tara munang kumain sa canteen namin andun si Franco ngayon"
"Sige!"
Nag punta kami ng cafeteria. Naabutan nga namin si Franco sa don, nakaupo syang mag-isa habang kumakain ng bake mack. Pinasadahan ko sya ng tingin. Nakangisi syang nakatingin samin. Sh*t! Ang gwapo din naman talaga ng lalaking to! Naku. Kung pinanganak lang talaga akong malandi matagal ko na talagan syang nilandi! Pero sa totoo lang madali din talaga akong manlambot pag dating sa mga gwapo. Syempre kay Prixon Isaac Evans lang hindi!
Napailing na lang ako dahil sa mga naisip kong yon. Hay naku! Kung ano-ano na namang ka-demonyohan ang pumapasok sa isip ko. Kaya ako napapahamak eh! Naupo ako sa tapat ni Franco, habang umoorder naman si kuya. Isang club house at hot chocolate ang binili ni kuya para sakin. Alam na alam nya talaga ang mga paborito ko. Ewan ko kung bakit pero maamoy ko pa lang ang pipino naduduwal na talaga ko! Tinanggal ko muna ang pipino sa club house bago ko ito kainin.
"Bakit mo tinanggal yung pipino?"
Napatalon ako sa tanong na yon ni Franco. Bakit nga ba? Ewan! Di ko alam! Naka salubong ang medyo makapal nyang kilay na nakatingin sakin. Uminit tuloy ang pisngi ko.
"Oo nga. Diba kumakain ka naman nyan?" dagdag pa ni kuya
"A-ah. H-hindi ko kase ganong gusto ang lasa ng pipino dito"
Nag dahilan na lang ako ng wala ng madaming tanong.
~