“Kanina ka pa tahimik ha? May problema ba?” tanong ni Franco sakin, isang araw ng mag sabay kaming umuwi “Wala naman” “Gusto mo bang humabol sa gig nila William?” Umaliwas ang mukha ko dahil sa sinabi nya. Oo nga pala! May gig sila kuya ngayon sa club 87 “Makakahabol pa kaya tayo?” Bahagya syang tumingin sa relos nya “Oo. Makakahabol pa. Let's go?” “Okay! Let's go!” Nag mamadali akong bumaba ng sasakyan ni Franco ng maiparada na nya ito sa harap ng club 87. Hinila ko agad ang kamay nya papasok sa loob nito. “Start na!” sabi ko Halos hawiin ko na lahat ng babaeng panay ang tili habang pinapanuod ang banda nila kuya. Kumaway ako kanila ng makarating na ko sa harapan. Nakita ko ang pag laki ng ngisi ni kuya at Vince, tumango naman sakin si Raiko, habang si Nick kumindat pa sakin. Umi

