Her POV Isang itim na halter dress na hakab na hakab sa kanyang katawan ang napili niyang suotin. Hindi pa naman halata ang kanyang tiyan. Tila ang maliit na umbok ng kanyang tiyan ay isa lamang bilbil kahit pa lagpas dalawang buwan na ang kanyang pinagbubuntis. "Wow, ang ganda ganda n'yo talaga, Miss Aubrey!," bulalas ni Gigi na na tila na starstruck sa pagkakakita sa kanya pagkababa niya sa huling palapag ng hagdan pababa. "Salamat Gi," anya sa batang kasambahay. "Nandiyan na si Mr. Pogi sa labas, Miss," excited nitong sabi. "Mag-iingat ka dito, Gi, huwag ng tumambay sa guard house ha, utang na loob may asawa na iyong si Manong Rodolfo ," paalala niya kay Gigi. "Hala ka Miss Aubrey, hindi naman kasi si Manong Rodolfo ang ipinupunta ko doon!," maagap na tanggi ni Gigi. "Eh, sino?,

