Her POV "What are you doing here, Mark?," anas niya sa bagong dating na bisita. "Siyempre dinadalaw ka!," ganti naman nito. "Oras ng trabaho at nandito ka!!!," may diin niyang sabi at umayos na ng upo sa swivel chair na hindi man lang inayang maupo ang bisita. "Haler, mag-aalasingko na ng hapon, Miss Lacsamana, halos uwian na ng mga empleyado, at bilang CEO at may- ari ng kumpanya, wala na ba akong karapatang umuwi ng maaga at gawin ang gusto ko?," litanya pa nito na ikinatahimik niya. Nakipag-sukatan siya ng titig sa binata ngunit siya rin mismo ang nagbaba ng tingin at hindi natagalan ang mga mata nitong tila nagsusumamo na mapansin niya at mapagbigyan ang gusto nitong makita siya. "I am sorry!!!," sabi niyang nakatingin sa kanyang mga kamay na nasa kanyang kandungan. "Hey, it is

