"Wow, ang ganda ganda mo hija!" paghangang turan sa kanya ni Ma Bel na ikinangiti niya. Katatapos niya lang magbihis ng filipiniana gown na ipinadala sa kanya ni Alexis kaninang alas kuwatro ng hapon. Nagpapahinga siya sa kanyang silid ng ipinatawag siya ni Ma Bel sa sala. Akala niya ay magmemeryenda lang sila, iyon pala ay may ibinigay ito sa kanyang malaking kahon. Naalala pa niya kanina na atubili pa siyang tinanggap ang box kung hindi pa nito sinabing susuotin niya sa gala night mamaya ang laman ng box. Nailapag niya na lang sa gilid ng sofa ang malaking box ng paupuin siya nito sa tabi nito.Doon niya pa lang napansin na may kasama pala ito. "Siya na ba ang asawa ni gob, mama Bel? kaya naman pala hindi magkauga-uga sa kakaremind sa akin ni gob na pumarito upang mas lalong pagandahi

