Maaga palang ay nasa airport na si Alexis.Excited siyang makabalik na sa Pilipinas at makita agad ang kasintahan. Hindi siya nagpasabi sa kasintahan na ngayon ang flight niya.Gusto niyang sorpresahin si Athena.Kinapa niya muli sa kanyang maong na pantalon ang munting kahon na may lamang diamond engagment ring. Kaytagal niyang pinag-ipunan ang singsing bago nabili ito.Hindi mahalaga sa kanya ang presyo basta't mapag-alayan niya lang ang kasintahan ng wagas niyang pag-ibig. Handa na siyang lumagay sa tahimik. Ang dami-dami niyang plano para sa kanila ni Athena.Sabay silang bubuo ng pamilya, sa hirap at tagumpay titiyakin niyang magkasama sila. Kinuha niya ang maliit nq pulang kahon mula sa bulsa at binuksan ito.Tumambad ang kumikinang na batong diyamante sa pure 21k gold ring. Halos kala

