Two years later... "Wow, congratulations to us dude, finally we are certified lawyers already," masayang pahayag ng isa niyang kaklase at kaibigan sa law school sa New York. Kasalukuyan silang nasa thanksgiving party na idinaos ng kanilang univeristy para sa mga nagsipasa sa idinaos na board exam kamakailan. Isa siya sa mga pinalad na masungkit ang lisensiya ng pagkaabogado.Tiyak niyang masayang-masaya ang pamilya niya sa Pilipinas sa tagumpay niyang tinatamasa at higit sa lahat ang kaibigan ng kanyang ina na tumulong sa kanya upang makakuha ng full-scholarship dito sa prestihiyosong universidad sa New York. Hindi pa man niya na nakilala ang butihing benefactor niya ay abot langit ang kanyang pasasalamat dito dahil kung hindi dahil dito ay marahil hindi na makayanan ng kanyang biyuda

