THIRD PERSON'S POV "HON?" muling tawag ng babae kay Marcus nang hindi niya masagot ang sinabi nito. Tumingin siya sa direksyon ng babae na nakatingin sa kaniya habang nakangiti ito. Hindi niya maiwasang hindi makonsensya. Napapansin niya rin naman noong mga nakaraang araw na lagi nitong inuulit ang sinasabi nito. Ngunit hindi niya napapansin na nagiging balisa na pala siya. Hangga't maaari ay ayaw niya sanang mag-alala ang nobya sa kaniya o ayaw niyang isipin nito na may nagbago sa pagsasama nilang dalawa dahil wala naman. Mahal niya ito at paninindigan niya ito hanggang sa huling hininga niya. Hindi niya pababayaan ang mag-ina niya habang nabubuhay siya. Iyon ang paulit-ulit niyang tinatatak sa isip niya upang hindi siya malihis ng landas. Hindi naman sa may posibilidad na malihis siy

