"HON, NAKALABAS na raw ng hospital si Scythe, ah? Bisitahin kaya ulit natin?" Habang kumakain ang nagdadalang-tao na si Jennie, hindi niya maiwasang mapaisip kung ano ba ang nangyayari sa kaniyang magiging asawa. Oo, magiging asawa na nga niya ang lalaking minamahal. Naka-plano na iyon kapag lumabas na ang sanggol sa sinapupunan niya. Nakausap na rin nila ang pamilya niya at natuwa ang mga ito sa kanilang ibinalita. Masaya si Jennie dahil matutupad na ang isa sa mga bagay na pinapangarap niya— ang maikasal sa lalaking minamahal niya. Idagdag pa na magkakaroon na sila ng anak. Hindi niya maiwasang hindi maluha sa saya sa tuwing babalikan niya ang mga nangyari noon. She was not that special… dahil alam naman niyang hindi siya ang unang minahal ng lalaki. Hindi niya rin maiwasang hindi m

