Chapter 5

4266 Words
SCEENA'S POV "NASAAN NA ang asungot na iyon?" mataray kong tanong sa mga kaibigan kong nakabuntot na naman sa akin. As if naman hindi ko alam na kaya lang sila sumasama sa akin ay dahil sa alam nilang popular ako sa school. And that makes them popular too kapag sumama sila sa akin. But I let them. Who cares, right? Use me whenever you want. I'll use you all too. "Nandyan lang 'yon kanina, Scee, eh," turan ni Leslie. Isang baklang medyo close ko naman kasi mabait naman siya nang kaunti pero hindi pa rin ako nakikipag-friends nang todo kasi I know, ginagamit lang nila ako. Leslie is our Class President. Kaya medyo dumidikit din ako sa kaniya para hindi niya isumbong sa mga Prof namin ang mga kabulastugang ginagawa ko. You see? He uses my fame and so that I am using his position in our class. "I know." Hinahanap kasi namin ngayon si Miguel. Iyong bestfriend ng boyfriend ko. Hindi ko kasi mahanap ngayon iyong boyfriend kong iyon kaya si Miguel ang hinahanap ko. Kaso katulad ng boyfriend ko, hindi ko rin iyon mahanap. Kanina lang ay nakita kong kasama nito ang mga kaklase nila. Ngayon, wala na siya sa paningin namin. "Let's split up. We need to find that bullshit," I commanded and I am talking about my bullshit boyfriend. Yes. Hindi kami okay ng boyfriend ko dahil aware naman ako na pinipilit ko lang siya sa relationship namin. Alam ko rin na sukang-suka na siya sa akin pero ako itong si tanga, sige pa rin ang habol sa kaniya. Alam ko kasi na kinausap siya ng mommy at daddy niya na gawin akong girlfriend para mapalapit sa parents ko. Which is really not good. Pero hindi naman nagpapakita ng masamang intention ang parents niya sa family ko. Tulad ng mga kaibigan ko kuno, gusto lang din mapalapit ng parents ni Raven sa family namin para tumaas ang tingin sa kanila ng mga tao. I have a reputable family. Because they are both in law. My mom is a lawyer and my dad is a prosecutor. Kaya mataas ang respeto sa kanila ng mga tao. At dahil anak nila ako, kilala rin ako sa school namin. I have no problems with that. As long as I have Raven with me. Pero ngayon, hindi ko siya mahanap. Siguro ay pinagtataguan na naman niya ako. Ang alam nina Ate Scythe at Kuya Sehun, we are really love each other. Ang hindi nila alam, ako lang talaga ang may gusto kay Raven. At siya? Walang pakialam sa akin. Walang pakialam sa estado ng buhay namin. Ginawa niya lang talaga ang sinasabi ng parents niya dahil ayaw niyang sinusuway ang mga ito. He is the white sheep in his family. Ni hindi niya nga ako matingnan sa mga mata kapag nagdi-date kami. Ni halos ayaw niya nga akong dumikit sa kaniya at parang nandidiri siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Mabango naman ako. Lagi naman akong naliligo. Maputi naman ako. At higit sa lahat, maganda naman ako. Pero bakit hindi niya makita ang halaga ko? Nagsi-alisan ang mga fake friends ko sa tabi ko. Hinahanap nila si Raven ayon sa utos ko. Pero ako? Heto, naiwan mag-isa sa school bench. Pinahahanap ko si Raven pero ako itong hindi naman naghahanap. Ewan ko. Feeling ko kasi nakakapagod na mahalin iyong lalaking iyon pero hindi pa rin naman ako sumusuko. Like, so what kung iba ang gusto niya at hindi ako? So what kung wala lang ako sa paningin niya? So what kung hindi ako nag-eexist sa buhay niya? I can make him love me naman. Kaunting tiis na lang. Matitiis ko pa kaya? Graduating na kami ngayon sa college pero hindi pa rin nagma-matured ang puso ko sa lalaking mamahalin ko. Huling taon na namin sa university na ito pero hindi pa rin ako magawang mahalin ng taong mahal ko. We have been together for almost three years. At minamahal ko na siya ng higit sa limang taon. Pero hindi ko pa rin nararamdaman na kaya niyang suklian ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kaniya. Hindi ko nga alam kung ano ang kulang sa akin at hindi niya ako magustuhan. My friends says I am almost perfect pero bakit hindi ako magustuhan ni Raven? Kung almost perfect na pala ako, bakit hindi ko pa rin makuha iyong tipo niya? Bakit hindi pa rin ako pumapasa sa standards niya? Ganoon ba talaga kataas ang standard niya? Mababa ba ako sa paningin niya? That moron! "Sceena!" Mula sa aking likuran ay narinig ko ang boses ni Miguel kaya naman, mabilis akong tumayo at nilingon siya. Sinalubong ko siya ng masamang tingin na siyang ikinatawa niya. "What's funny, moron?" I asked. "Tawag mo raw ako?" Napansin kong hinihingal siya nang makarating sa harapan ko malapit sa akin. Teka, tumakbo ba siya? Bakit naman siya tumakbo? As if naman emergency ang ipapagawa ko? "Hey! Bakit ka hinihingal?" I asked again but this time, I am quite serious and little bit concerned. "May ipapagawa ka ba?" I wanted to slap his face kasi hindi naman niya sinasagot ang tanong ko. Instead of answering me, tumungo lang siya sa tabi ko at umupo sa bench. Kaya naman, umupo lang din ako sa tabi niya. Hinahayaan siyang huminga nang maayos at habulin ang paghinga niya. "What are you in a hurry for?" tanong ko ulit. Kapag ako, hindi pa sinagot nito nang maayos, babatukan ko na talaga 'to. Tumingin siya sa akin ngunit mabilis ding iniwas ang paningin. Yumuko siya upang kunin ang backpack niya na nakalapag sa grass at kinuha roon ang water tumbler niya. I let him drink his water first before answering me. "Eh, 'di ba pinahahanap mo raw ako?" Tumango-tango ako, naroon ang pagtataka sa mukha ko. I have a big question mark on my pretty face. "Oo nga. Pero bakit ka tumakbo?" Napakamot siya sa ulo. "Akala ko, something urgent." Tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Dahil lang doon?" "Malay ko ba?" Tumawa rin siya pagkatapos niyon. We both laughed like an idiot na para bang wala akong kailangan sa kaniya but he stopped when he realized that I called him for nothing. But it wasn't true. I called him on purpose. "Pero ano bang ipapagawa mo?" Doon ay muling bumalik ang inis sa puso ko nang maalala ang pakay ko kay Miguel. "Nasaan ba 'yang best friend mo?" Nawala ang saya sa mukha niya nang malaman ang pakay ko sa kaniya. Para bang nalugi ang mukha niya. Siguro kasi, nalaman niya na nagpagod siya para sa hindi naman masyadong importanteng bagay. Oo, hindi naman kasi masyadong importante ang boyfriend ko. Para sa kanila. Pero para sa akin, mas importante pa siya sa importante. "You always look for him, 'no?" tanong nito sa akin pagkatapos ay bumuntong-hininga. Kaya agad naman akong nagtaka sa facial expression na ipinakita niya. "What's with your face, Miguel? You look like a broken hearted man," I said and then I laughed. Kung makaasta naman itong si Miguel. As if naman na hindi siya ang hinahanap ko kapag nawawala ang bestfriend niya. Syempre bestfriend niya iyon. Natural na sa kaniya ko hahanapin ang boyfriend ko dahil siya ang bestfriend. Siya ang dapat nakakaalam kung nasaan ito o kung ano ang ginagawa nito o kung magkasama ba sila. Alangan naman kasi na ako, 'di ba? Lagi ko ngang hinahanap ang ugok na iyon dahil laging nagtatago sa akin. "But I am." Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Miguel. Hindi ko kasi masyadong narinig dahil nakayulo siya nang sabihin niya iyon. Tapos ang hindi pa ng boses. "Pardon? You are, what?" Ngunit imbes na sagutin ang tanong ko ay inangat niya ang paningin kasabay ng isang matamis na ngiti pagkatapos ay humarap sa akin. He looks like a joker kapag ngumingiti siya. Kaya natawa ako. He tapped my head and ruined my hair kaya sinipa ko siya nang mahina. "Tara!" saad niya pagkatapos ay biglang tumayo. Parang bumalik na ang lahat ng energy na nawala sa kaniya. "Saan tayo pupunta?" He placed his arms on my shoulder and together, we walked as if we were a couple. "Hanapin natin ang gago mong boyfriend." Good thing, I have Miguel. The one I can call myself, a real friend. SCYTHE'S POV NATAPOS NA ang pasko at bagong taon pero hindi pa rin natatapos ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon nandito pa rin, hindi man lang nababawasan. Ni isang porsyento ng pagmamahal at sakit, nandito pa rin, hindi nababawasan. Pakiramdam ko nga, sa bawat araw na dumaraan, mas tumitindi ang sakit na aking nararamdaman. Mas nahihirapan akong tanggapin ang lahat. Mas nahihirapan akong mag-move on. Natapos na ang holiday pero hindi man lang nagpahinga ang puso ko sa pagmamahal sa kaniya. Ni hindi man lang magpahinga ang puso ko na mahalin si Marcus kahit imposible nang bumalik ang pagmamahal nito sa akin. Kahit imposible nang bumalik ang dating kami. Kung trabaho lang ang pagmamahal, siguro ni hindi man lang ako um-absent. Masyado nang nag-o-over time ang pagmo-move on ko. Wala naman akong nakukuhang sahod kung hindi sakit dahil sa panghihinayang. Panghihinayang dahil kaya ko naman nararamdaman ang sakit na ito dahil ako naman ang may gawa. I broke his heart. I am the one who broke up with him. At ngayon gusto ko siyang habulin? Kung ako rin sa posisyon ni Marcus, hindi ko paniniwalaan ang sarili ko na mahal ko pa siya. Kasi hindi naman dapat iniiwan ang isang tao kung mahal pa, 'di ba? Kaya nga lubos akong nagsisisi. Kasi ako rin ang gumawa ng ikasasakit ng loob ko. Nagpadalos-dalos ako ng desisyon dahil akala ko, mamamatay na ako. Gusto ko siyang magalit sa akin nang sa gayon ay madali niyang makalimutan ang pagkamatay ko. Gusto kong kapag namatay ako, madali siyang makaka-move on at isipin niya na lang na tama lang ang nangyari sa akin dahil sinaktan ko siya. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Hinayaan pa akong mabuhay para maramdaman ang sakit ng mga ginawa kong hakbang. Tuloy ay kailangan kong mabuhay dahil gusto kong bawiin ang ginawa ko noon. Gusto kong bumawi sa kaniya. Paulit-ulit lang kasi ang nangyayari sa buhay ko. Matutulog akong nasasaktan, tapos gigising ako nang nanghihinayang. Matutulog akong may sakit na nararamdaman at gigising na may hiling na hindi naman pagbibigyan. Nakakasawa. Pero kailangan kong damhin lahat ng ito. Dahil wala naman akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Kung alam ko lang na mabubuhay pa ako nang medyo matagal, edi sana hindi muna ako nakipag-break sa kaniya. Kung alam ko lang kung kailan ako mamamatay, esi sana kahit bago man lang ako bawian ng buhay, doon ko na lang siya iniwan. Para isang sakit na lang ang mararamdaman niya at ganoon din ako. Pero hindi, eh. Hindi ko alam kung kailan ako mawawalan ng hininga. Hindi ko alam kung kailan ako mamatay. I should live with this pain. Muli kong naalala ang huling araw na nagkita kami ni Marcus. Pagkatapos kasi niyon ay hindi ko na siya nalita pang muli. Huminga ako nang malalim. 'Dumadaan ang mga araw na hindi man lang kita nakikita. Hindi dahil sa ayaw kong makita ka. Kung hindi dahil sa, ayoko nang masaktan pa.' Mataas na ang sikat ng araw ngunit nanatiling nakayapak ang paa ko sa malamig sa semento rito sa aking kuwarto. Nakatanaw sa kawalan ang aking malilikot na mata. Minamasdan ang ganda ng lugar sa paligid. Ang aming bahay ay tanaw ang dagat sa kalayuan. Hindi gano'n kalapit ngunit dahil sa nasa taas ang kuwarto ko ay natatanaw ito mula rito sa aking kinatatayuan. Ang banayad at tila kumikinang na tubig dahil sa sikat ng araw ang siyang nagpapakalma ng sistema ko. Para bang niyayakap ako nito at sinasabing magiging maayos din ang lahat. Bagay na nakakapagpagaan ng loob ko. The sea was really comforting me. And I love that. I love how the ocean embraces me. Mistulang probinsya ang lugar namin ngunit nandito lang kami sa syudad ng Pasay, kung saan mapagmamasdan ang kalawakan ng dagat sa Baywalk. Gustuhin ko man puntahan ang dagat at panoorin iyon nang malapitan, hindi ko magawa. Dahil wala akong balak na lumabas sapagkat nananaig sa akin ang pamamahinga, pag-iisip at pag-alala sa mga bagay na ginagawa namin noon ni Marcus sa isa't isa. Muling sumagi sa aking isipan ang huling araw ko sa hospital matapos akong ma-discharge. Iyong araw na nakita ko si Jennie roon dahil sa hindi ko matanggap na pakay. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang katotohanang buntis nga si Jennie. Salamat sa tapat na si Bruno, ibinalita sa akin na totoo ang hinala ko. Siya ang nagsabi sa akin ng balitang iyon. Hindi naman ako nagulat dahil inaasahan ko nang iyon ang ibabalita sa akin ni Bruno. Pero hindi ko inaasahan na triple ang sakit na naramdaman ko. Kulang na kulang ang sakit ng bawat injection na tinuturok sa akin. At ngayon, hindi ko alam kung papaano haharapin ang lahat. Tatlong taon… Dapat na ba akong mag-move on? Dapat ko na bang isuko ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Marcus. Handa ko na bang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa, isuko siya sa piling ni Jennie at hayaang maging masaya silang dalawa? Pero paano ang nararamdaman ko? Mahal na mahal ko pa rin si Marcus. Walang nagbago sa pagmamahal ko sa kaniya. Mula noon hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko. Siya pa rin ang hinahanap ko. Siya pa rin ang tinitibok ng pasaway na puso ko. At pakiramdam ko'y hindi ko kayang isuko na lang siya nang basta. Nabuhay ang pagkagulat sa aking dibdib nang marinig ko ang tunog ng isang cellphone. Iniwan ko ang magandang tanawin at diretsong pumunta sa aking kama. Doon ay nakapatong lamang sa ibabaw niyon ang cellphone ko. Bumakas ang disappointed kong pakialam nang makita ang nakarehistrong number doon ni Bruno. Bumuntong-hininga ako habang pinakatititigan ang cellphone ko. Sasagutin ko ba iyon? Ano na naman kaya ang sasabihin ng ugok na ito? E, wala naman itong ibang ginawa kundi asarin ako dahil sa pagiging broken hearted ko. Ipapamukha niya lang sa akin na hindi na ako ang girlfriend ni Marcus bagay na ikinaasar ko talaga. Ano kayang nakakatawa roon? Muli akong bumuntong hininga pagkatapos ay kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng kama. "Oh?" Walang gana kong sagot. Dinig ko namang tumawa siya sa kabilang linya. "M-may sasabihin ka ba o w-wala?" Inis ko pang tanong nang walang makuhang sagot mula sa kaniya kundi ang pagtawa niya. Ano na naman kaya ang tinatawa nito? Nakakaasar, ah! Hirap na hirap na nga akong magsalita dahil sa kati ng lalamunan, pahihirapan pa ako lalo. Napakabuting kaibigan ni Bruno. Sobra. Minsan nga, gusto ko na lang ipasa sa kaniya ang sakit ko. Feeling ko kasi, mas deserve niya iyon dahil sa sobrang ganda ng ugali niya. Pero mabait naman talaga si Bruno. Sadyang mapang-asar lang. Kaya nga hindi ko siya magustuhan. "Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin," seryosong aniya. Gusto kong maniwala sa sinasabi niyang walang siyang kailangan pero nananaig ang pagkakakilala ko sa taong ito. "S-sabihin mo na ang pakay mo't ibababa ko n-na i-ito," muli akong umubo matapos sabihin 'yon. "May gig mamaya si Marcus sa Kalaw. Baka gusto mong pumunta?" Huminga ako nang malalim nang marinig iyon mula sa aking kausap. Iyon lang naman ang sinabi niya pero para na akong in-offer-an ng ilang milyong puso. Lubos na kumabog ang dibdib ko. Parang kaunti na lang ay sasabog na iyon sa kabang nararamdaman ko. Isang bagay na hinahangaan ko kay Bruno. Bagaman alam kong may gusto siya sa akin ay nananatili ang pangako niyang susuportahan ako sa kahibangan ko kay Marcus. Kapalit niyon ay magpapagaling ako nang lubusan. Bagay na pabor na pabor sa akin. Lahat ng tungkol kay Marcus ay sinasabi niya sa akin. Siya ang nagsisilbing mga mata ko. Maging ang pandinig ko ay siya rin. Kaya nga minsan, nalulungkot ako kapag naiisip ko na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. Kasi ramdam ko namang mahal niya ako. Sadyang hindi lang siya ang tinitibok ng puso ko. "Baka gusto mo ring magsalita?" Napapitlag ako sa gulat nang marinig ko muli ang boses niya sa kabilang linya. "Anong oras b-ba?" Kunwaring walang pakialam kong saad. Bakit ba ako nagpapanggap pa na walang pakialam? Kilalang-kilala naman ako ni Bruno. Wala nga yata akong pwedeng itago sa lalaking ito. "It will start at nine in the evening. So..." binitin niya ang sasabihin. Sa wari ko'y nag-iisip siya kung ano'ng oras ba kami aalis. "I'll fetch you there before five." What? Bigla ay nanlaki ang mga mata ko. "Teka. Ang aga naman?" "Oh, eh, kung gusto mo, hindi na lang kita sasamahan?" Sigurado akong nauubos na ang pasensya niya. Hindi ko naman siya pinipilit na samahan ako, 'di ba? At teka lang, ah. Hindi ba't siya naman itong nagyayaya? Pero hindi, eh. Alam ko namang ginagawa niya ito para sa akin. Wala naman siyang pakialam kung mayroong gig si Marcus o wala. Kahit hindi siya pumunta roon ay ayos lang. Ako lang talaga ang iniintindi niya. Huminga ako nang malalim. "B-bakit kasi kailangan maaga?" Ngumuso ako bagaman hindi niya nakikita saka napapangiwi na hinintay ang sagot niya. "May pupuntahan pa tayo bago roon. So, if you don't want—" Pinutol ko ang dapat sana'y sasabihin niya. "T-teka naman. O, sige na. S-sama na ako." Tsk. Masyado namang mainipin. "Parang napipilitan ka pa, eh. ikaw na nga itong dadalhin ko sa ex-boyfriend mong may girlfriend na." Natatawa niyang pang-aasar sa akin. Kumunot ang noo ko habang hinihintay siyang matapos na tumawa ngunit naging matagal iyon. Talagang gustong-gusto niyang naaasar ako. Gustong-gusto niyang sinasampal sa akin ang katotohanang iyon. Hindi ko naman pinaramdam sa kaniya na nasasaktan ako. Alam ko namang nagbibiro lang si Bruno. Pero hindi isang biro lang ang katotohanang sinabi niya. "Ano? Hindi ka pa ba tapos tumawa?" inis kong tanong. "Don't worry, base sa source ko, hindi pupunta si Jennie," nanatili pa rin ang pagpipigil ng tawa sa kaniyang boses ngunit pinagpasensyahan ko 'yon dahil ako ang may kailangan sa kaniya ngayon. "Bakit d-daw?" Dapat ay natutuwa ako dahil hindi pupunta si Jennie sa gig. Ibig sabihin niyon ay maaari kong tingnan at pagmasdan si Marcus nang malaya, kahit malayo. Pero mayroon sa loob-loob kong kinakabahan dahil hindi makakapunta ang dalaga. Huwag naman sanang may nangyaring masama. "Maselan daw ang pagbubuntis. Complete bed rest daw muna dahil mahina ang kapit ng bata." Pahina nang pahina na tugon ni Bruno. Nakaramdam naman ako ng labis na awa. Totoong naaawa ako sa kalagayan ni Jennie. Kahit pa sabihing dapat ay matuwa ako dahil posibleng malaglagan siya at mawala ang bagay na magpapatibay sa kanila ni Marcus, hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Wala naman kasalanan ang bata sa lahat. Dapat siyang mabuhay. Nandiyan man si Marcus o wala. Pero mas mabuting may kilalanin siyang ama habang lumalaki at nagsisimulang kumulala. Bilang babae, masakit sa isang ina na hanapin ng bata ang ama nito. Kaya naman, hindi ko ipagkakait ang isang panalangin upang kumapit ang bata nang husto sa sinapupunan ni Jennie. "Natahimik ka?" Nagitla ako nang marinig muli ang boses ni Bruno. "Ah, wala. Sige na. S-sunduin mo na l-lang ako mamaya rito. Ingat k-ka," saad ko. Ako na mismo ang nagbaba ng linya at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Labis kasi ang pag-aalala ko sa kalagayan ngayon ni Jennie. Kung ako man sa posisyon niya ay hindi ko na rin babalakin na pumunta gig. Ipapahinga ko na lang ang sarili ko dahil mas nakabubuti iyon sa kondisyon ng aking magiging anak. Huminga ako nang malalim at taimtim na nagsalita sa aking isip. Sana kumapit ang bata sa sinapupunan ng bata. Kailangan siya ng mommy at daddy niya. Masasaktan sina Jennie at Marcus kapag nawala sa kanila ang munting anghel. MALAKAS ANG TUGTOG sa loob ng resto-bar kung saan magpe-perform ang bandang kinabibilangan ni Marcus ngayon. Hindi katulad sa ibang bar na napupuntahan namin, lubhang mas malakas ang sound system nitong bar, walang kasing lakas ang tugtog rito. Tila abot hanggang kabilang kanto ang tugtog sa sobrang lakas nito. Idagdag pa ang halos nagsisigawang boses ng mga customer dahil hindi na magkarinigan. Sumibol naman ang paglakas ng t***k ng puso ko. Dahil bukod sa kinakabahan akong makita ang aking pakay, hindi ko makayanan ang ugong na nagmumula sa malalaking speaker na nakapalibot sa buong resto-bar. Para bang sinasakal ako niyon at pinanghihina ang kakayahan kong huminga. Ngunit gayunpaman, kinaya kong huwag magpadaig sa nararamdaman ngayon. Minsan lang kami magkita ng taong mahal ko. Minsan ko lang siya makita. Kailangan ay kayanin ko. Hinigpitan ko ang kapit sa braso ni Bruno habang hila-hila niya ako. Nauuna kasi siyang maglakad dahil naghahanap siya ng magandang puwesto para sa aming dalawa. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang performance nina Marcus kaya naman, hindi na magkamaayaw ang mga tao. Ang iba kasi sa mga ito ay hindi naman customer ng bar na ito. Fans lang talaga sila ng banda. And to be able to see their idols, they need to go here. Mabuti na lang pala at maaga akong sinundo ng lalaking kasama ko ngayon. Natagalan kami sa pagbili ng ilang gamit na sinasabi ni Bruno sa akin kanina. Nagsimulang sumikip ang paghinga ko. Sakto namang naramdaman ni Bruno ang higpit ng hawak ko sa kaniya at napalingon siya sa aking gawi. Inis kong tinanggal ang suot-suot na mask ngunit mabilis na tinakpan ni Bruno ang aking ilong. "Don't remove that! Wait. Lumabas muna tayo," malakas na sabi ni Bruno. Mabilis kaming lumabas ng resto-bar ngunit dinig pa rin namin ang tugtog sa loob. Muli kong ikinawit sa likod ng aking tenga ang mask nang tanggalin ni Bruno ang kamay niyang nakatakip sa ilong ko. Hindi na gano'n kalakasan ang tugtog sa labas. Salamat sa nagkakapalang glass window and door na siyang haligi sa buong lugar na ito. Masiyadong masikip sa loob. Hindi ko yata kakayanin na pumasok doon kung mananatiling ganoon ang dami ng tao. Sumilay ang lungkot sa puso ko nang maisip kung papaano mapapanood si Marcus gayong nasa labas ako. "Mamaya na tayo pumasok kapag umakyat na iyong ex boyfriend mo sa stage. Sigurado akong hihina ang tugtog dahil magsasalita muna sila. Saka tayo papasok kapag kumalma na ang mga tao. Bakit ba kasi masiyadong sikat 'yang ex mo?" Hindi na ako sumasagot sa pinagsasabi ni Bruno. Nanatili akong tahimik lang na nakatayo at nakatanaw mula sa labas. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Mayroon sa loob-loob kong excited dahil makikita ko na naman siyang muli matapos ang ilang linggong pamamahinga. Mayroon ding natatakot na kinakabahan sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Mabilis na tumakbo ang oras at humina na ang tugtog. Nakita ko naman na isa-isang lumabas mula backstage ang bandang The Revolution. Mula roon ay kitang-kita ko ang matikas na katawan ni Ryex. Bagaman hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya mula sa aking puwesto, kabisado ko naman ang tindig at porma nito. Napangiti ako nang magsimula siyang kumaway sa mga audience. Hindi siya ang vocalist at leader ng banda pero sa kaniya ang pinakamalakas na karisma. Bagay na nagustuhan ko sa kaniya noon pa man. "Banda ninyo pala ang magpe-perform, eh. Tara na," yaya sa akin ni Bruno. Nagpa-akay naman ako sa kaniya papasok nang hindi pinuputol ang tingin kay Ryex na abala sa pag-usisa sa gagamitin niyang drums. Naupo kami sa gilid. Iyong tipong hindi mapapansin ng banda kung hindi tititigan. Ang The Revolution ay binubuo lamang ng pitong tao. Isang lead vocalist sa lalaki, isang lead vocalist sa babae, isang second voice, dalawang guitarist, isang electric guitar, isang acoustic, pianist and si Marcus... na kanilang drummer. Bigla kong na-miss na mag-perform. Kung hindi lang ako nagkasakit, malamang, ako pa rin ang lead vocalist para sa babae. Ngayon kasi ay hindi ko na kaya pang magsalita nang magsalita, lalo kapag kumanta na. Kaya nga rin ako umalis sa bandang iyon dahil alam ko na ang sakit ko pero iba ang dinahilan ko sa kanila. Muntikan pa nga silang magalit sa akin. Pero nang malaman ang kondisyon ko, awa ang naramdaman nila bagay na ayaw na ayaw kong pinararamdaman nila sa akin. Hindi pa naman kasi ako mamamatay. "Good evening, Ladies and Gentleman," panimula ni Frin. Siya ang lead vocalist sa lalaki. Bagaman bakla siya, nananatili ang boses niyang lalaki kapag nagsimula na siyang kumanta. Palibhasa'y bakla, siya lagi ang panimula. Nagsimula siyang biruin ang mga audience at magpatawa nang bahagya bago tuluyang inumpisahan ang kanilang perfomance. "They will start in two minutes. Let's give a round of applause for The Revolution!" anang DJ na nagtatago sa kadiliman. Taga-salo kung mayroon mang magkakaproblema sa pagtugtog. "Ehem." Dinig ko ang pamilyar na tikhim na iyon na siyang bumuhay nang aking interes. Kanina pa man ay hinihintay ko na siyang magsalita. Ngunit mas nabuhay ang pagkasabik ko nang marinig ko ang boses niya. Siya kasi ang nagbabasa ng dedications and song request dahil tila DJ ang boses niya sa sobrang lambing at lamig niyon sa tainga. "This song is for you, Love. I am sorry for letting you leave me. I am sorry for not keeping you that hard. You're all I need but I understand you for leaving me without any reason. This song is dedicated to you. Sincerely, Love..." anang Marcus sa gumagaralgal na tinig. Doon ay labis akong nagtaka at nag-alala. Bakit gumagaralgal ang tinig niya? Bakit pakiramdam ko, papaiyak na siya? Bakit pakiramdam ko, siya ang nagsulat ng mensahe na iyon? At bakit pakiramdam ko, para sa akin ang kantang ito? Bakit, Bam? Anong problema?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD