AINNA'S POV OUR RELATIONSHIP was almost perfect. Ni bilang lang sa daliri ang mga naganap na tampuhan sa aming dalawa. Ni hindi ko na nga maalala ang mga bagay na kinatampuhan namin dahil bukod sa mababaw lang iyon, agad naming naaayos. Nasanay kasi kami noon na hindi kami natutulog nang hindi magkaayos. Ayaw naming masanay ang sarili namin na matulog nang may tampuhan. Pero sadyang may darating sa relasyon na makakapagpabago ng takbo niyon. Pagsubok man o... babae. — Flashback — "OH MY GOD! This place is so perfect!" malanding usal ng kapatid kong si Arthur nang makarating kami sa Batangas. "Napakaarte mo, Arturo!" "Hala? Nag-iba na pangalan ko, ate?" Hindi ko na siya pinansin at tiningnan na lang ang kabuuan ng lugar. Tama ang sinabi ng bakla kong kapatid. Malawak ang lugar na k

