AINNA'S POV — Ainna's flashback continuation — "MERRY CHRISTNAS, mama!" masiglang bati ko kay mama. Nilapitan ko siya upang hagkan sa kaniyang pisngi. "At sa iyo rin, papa!" hinalikan ko siya sa kaniyang noo na ngayo'y naglalapag ng mga pagkain sa lamesa. Alas otso pa lang ng umaga at hindi pa ngayon ang handaan kaya naman ang aming pagkain lamang ang nakahain ngayon. Bagaman maliit lang ang aming tahanan ay nagmukhang bahay ito ni Santa Claus sa dami ng palamuti sa bawat sulok. Nakakamangha ang pagdidisenyong ito ni mama. Siya lang kasi ang may tiyagang magdisenyo ng ganito kaganda. Siyempre tinutulungan din naman namin ng kapatid kong bakla. Mabuti na nga lang at maayos na ang pakiramdam ko. Ayaw ko rin namang salubungin ang pasko na lungkot ang nararamdaman ko. Baka sa mga susunod

