AINNA'S POV ALL MY LIFE, Sehun was there. Sa tuwing maganda ang mood ko, sa tuwing hindi maayos ang pakiramdam ko, sa tuwing nababalisa ako, sa tuwing nalulungkot ako. At sa tuwing hindi ko na kayang ayusin ang problema ko. He was there. All ears. Open arms. Ganoon siya kung magmahal. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili na sa maikling panahon na nagkakilala kami, minahal ko siya nang husto at minamahal pa rin hanggang ngayon. Sa oras na ito na nakatingin kami sa mata nang isa't isa. Pilit kong binabasa ang nasa isipan niya. Pilit kong tinitingnan kung may puwang pa rin ba ako sa puso niya o wala na. O kung napalitan na ba ako at kung sino na ang babae sa puso nito. Ngunit wala akong mabanaag doon ng pagkagalit, tampo o lungkot. He was the Sehun I onced loved. The man who I really l

