— Ainna's flashback continuation — MALAKAS na hangin ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng bintana. Malamig ang simoy nito at tila nagbabadya na may paparating na bagyo. Agad ko namang isinara ang bintana dahil malakas nga ang hangin, nalulula ako masyado. Hindi ko nagugustuhan ang panahon ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako. Parang ang lungkot-lungkot ng pakiramdam ko sa tuwing umuulan. Hindi ko nakikita ang sarili na maging masaya sa tuwing masama ang panahon. Tuloy pati pakiramdam ko, awtomatikong nagiging masama rin. Isinandal ko ang sarili sa nakasarang bintana. Inilibot ng aking paningin ang kabuuan ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng pakialam sa hitsura nito at ngayon ko lang napagtanto na parang napakarumi nito. Marumi. Masikip. Makalat. Hindi magandang tin

