THIRD PERSON'S POV PAG-IYAK LANG ang tanging nagawa ni Ainna nang makita ang sinapit ng pinsan niyang si Imee sa kamay ng malupit nitong ama. Hindi niya maiwasang hindi magalit. Sino bang hindi magagalit? Puro pasa at sugat ang katawan nito. Marumi ang suot nitong damit. Hindi lang marumi, halos mawalan na ito ng damit dahil nagkapunit-punit iyon. Halos lumuwa na ang lahat parte ng katawan nito. Marahil, isang pambababoy ang ginawa nila sa pinsan niya. Mabuti na lang at may nakitang table cloth si Sehun, agad niya iyong ipinulupot sa walang malay na katawan ng pinsan ni Ainna. Sa pribadong condo unit ni Sehun sila nananatili ngayon. Ito na rin ang nag-alok sa kanila na roon na manatili dahil hindi ligtas sa mga ito ang magpakalat-kalat sa labas. Baka malingat lang sila nang kaunti, wala

