THIRD PERSON'S POV MASAYANG NAGISING kinabukasan si Sceena. Magaan na rin ang kaniyang pakiramdam at pakiramdam niya, hindi siya nanggaling sa sakit. Wala na rin ang pananakit ng kaniyang ulo dahilan upang manghina siya ng halos dalawang linggo. Nakangiti siyang bumangon sa kaniyang higaan, doon niya lang napansin na may nakahawak sa kaniyang kamay. Agad niya iyong binati, only to find out that it was Miguel's hand. Her closest friend held her hand. Nakaramdam siya ng saya nang ma-realize na si Miguel angay hawak ng kaniyang kamay. She felt safe and secure kaya siguro maayos ang kaniyang tulog. Hindi siya nagambala ng mga negatibong isipin. Hindi siya nadaig ng lungkot at pag-alala. Hindi siya nananaginip nang masama. She slept in a good mood and she woke up with a smile on her face.

