THIRD PERSON'S POV SA PANGALAWANG pagkakataon ay nagising si Scythe nang may bigat sa dibdib. Ngunit hindi na tulad noon na nais na niyang wakasan ang kaniyang buhay. Ngayon naman, nais na niyang bigyan ang sarili na pagkakataon na mabuhay. Gusto niyang ipakita sa mundo na kaya niyang lumaban sa kabila ng mga sugat na dinadala sa kaniya ng sakit na dinaramdam niya. Matapos siyang makausap ng miyembro ng kaniyang pamilya at ni Bruno, kahit paano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam pero hindi niya pa ring maiwasang malungkot. Dahil ang panibagong pagkakataon na mabuhay siya ay isang malabong pangyayari. Paano niya isasakatuparan iyon? Gusto niyang maiyak muli. Paano niya nagawang isipin na wakasan na ang buhay, eh, hindi pa bumabalik sa kaniya ang lalaking rason kung bakit siya lumalaban sa

