THIRD PERSON'S POV MAKALIPAS ANG dalawang linggo niyang pananatili sa puting gusali ay nakalabas na muli ng hospital si Scythe, bitbit ang masaya at malawak na ngito niyang sinalubong ang mga kasambahay sa kanilang bahay. Ang mga ito ay nakangiti sa kaniya, natutuwa sapagkat nakauwi na siya. Ang tuwa sa puso niya sy sumigla. Tunay ngang maraming tao ang sa kaniya'y nagmamahal. Kaya naman, kailangan niya talagang lumaban. Pinagsisisihan niya na tuloy niya ang pag-iisip na wakasan na lang ang buhay. Marami ang malulungkot kapag siya ay nawala. Ayaw niyang malungkot ang mga ito. Kakatwang naisip niya pa iyon samantalang sa hospital talaga siya kinakain ng lungkot. "Welcome back, Ma'am Scythe!" sigaw iyan ng mga kasambahay na sumalubong sa kaniya. Isa-isa niyang nginitian ang mga ito. "Sa

